Jeleanne's
"Seryoso aalis ka nang ganyan ang itsura?" kumunot ang noo ko sa sinabe nya? Anong mali sa suot ko? Jeans and simpleng t shirt lang then rubber shoes. Anong mali dun?
"HAHAHAHAHA Aray bakit ka ba nananapak" he frown. Mabuti nga sa kanya. Pinagtatawanan nanaman nya ako. Ano ba kase problema sa itsura ko wala naman di ba?
Humarap ako sa salamin at
.
.
.
Shocks! Nakalimutan kong tanggalin yung towel sa buhok ko. Di pa ako nakakasuklay
"Ayan dapat kase---aray! Tama na duwende nakakadalawa ka na ha?" binelatan ko lang sya at mabilis na bumalik sa kwarto. Bwisit ka Jake!
Mabute nalang maaga kami pinauwe para nakapag ayos pa ako. Pag uwe ko sa bahay naligo ako agad nag p.e kase kami kanina at malamang mag aamoy pawis ako kung hindi ako maligo. Sinabihan ko din si Ayen na uuwe muna ako. Baka kase umalis na sya papuntang Korea pag nalate ako nang konti
"Oy duwende bilisan mo nandito na sundo mo!" sigaw ni Jake. Teka. Sundo? Sinundo ako ni Ayen?
Mabilis akong bumaba at nakita ko syang nakaupo sa sofa. Sa itsura nya mukha na talaga syang mangingibang bansa. Iiwan nya na talaga ako huehue. Mamimiss ko talaga si Ayen
"A-ayen anong ginagawa mo dito?" sumimangot sya bigla. Ano ba 'tong ginagawa ni Jake panay titig kay Ayen alam ko mamimiss nya rin ang kaibigan ko
"Sinusundo ka. Bilisan mo na nga" tumayo sya sa pagkakaupo at hinila ako palabas
"Teka Ayen hindi ba natin isasama si Jake?" tanong ko. Bigla syang huminto at tumama ako sa likod nya. Ang bilis nya kase maglakad tapos biglang hinto. Bakit ba sya biglang humihinto? Dahil ba narinig nya pangalan ni Jake?
"Inaya ko sya kanina pero tumanggi sya. Tayo nalang daw haha yaan mo na okay lang yan. Ayaw naman talaga nya ako i mean gusto nya lang magbonding tayo bago ako umalis" halatang pilit naman yung tawa nya. Isa pa 'tong si Jake trying hard ipakita na hindi nya gusto si Ayen. Ramdam ko naman na nasasaktan si Ayen sa ginagawa ni Jake sa kanya. Ay ewan ko sa kanilang dalawa. Mabuti nalang wala akong lovelife sa ngayon
Tumigil kami sa isang resto. Destiny ang name. Siguro in love na in love yung may ari nang resto na 'to. Pagpasok sa loob puro sayings and quotes about love. Vintage yung designs. Puro kahoy ang upuan at lamesa. Then sa bawat lamesa may isang bowl na puro papel kukuha ka dun then kung ano makuha mo yun daw ang magiging tadhana mo. Eh? Galing naman nang gumawa nito.
Pagka order ni Ayen napagtripan kong kumuha ako nang papel. Trip ko lang. Ano kaya magiging tadhana ko?
There will be a revelation in your life that can change everything.
"Huh? Ano namang ibig sabihin nun?" pagkasabe ko nun biglang kinuha ni Ayen yung papel na hawak ko. Bigla syang natigilan at namutla. Maysakit ba sya?
"Okay ka lang ba Ayen?" tumango tango lang sya at nilapag sa lamuesa yung papel
"Wag ka nga magpaniwala sa papel Ayen. Ginawa lang yan para utuin yung mga customer. More gimik more customer di ba?" siguro nga ganun yun. Pero bakit parang kabado sya? Baka gutom lang siguro si Ayen
Nung hinain na samin yung pagkain parang ayoko na kainin. Kase ang ganda nang presentation parang pang food dining. Nakakamangha. Pag ako nagtatry gumagawa nito sa bahay always epic fail e.
"Tititigan mo nalang ba yan? Sayang naman kung di mo kakainin" buti pa si Ayen kinakain nya yung pagkain nya. Habang ako pinapaunti unti sayang kase 'yung itsura for sure matagal 'to ginawa
YOU ARE READING
DESTINY AND FATE (ON GOING)
Teen FictionFate happens. But you have to choose your own Destiny