Chapter 4

93 9 7
                                    

Jeleanne's

"Uy natulala ka dyan"

"H-ha?"

Napakamot lang sya sa ulo nya at napailing. "Sige na pahiram na nang damit mo nang makaalis na ako" alis? Aalis sya agad? Iniiwasan nya talaga si Jake. Ang tagal na nun ha? Baka naiilang lang siguro sya

"Dito ka na magdinner please?" pumasok na sya nang banyo at sinandal ko lang ang ulo ko sa pinto

"Ay nako wag na Jel baka..." natigilan sya nang magsalita ako

"Iniiwasan mo ba si Jake?" ilang minuto ang lumipas bago sya nakasagot.

"H-ha? Of course not. Bakit naman? Tsaka nahihiya lang talaga ako sayo noh pero sige na nga para patunayan ko sayong di ko sya iniiwasan sige payag na ako" sabay bukas nang pinto. Tumawa naman sya dahil na-out balanced ako. Ang galing talaga

"Sino ba naman kaseng dyan ka sumandal? Haha ang epic nang mukha mo" sinamaan ko lang sya nang tingin. Sige tumawa ka lang hanggang gusto mo huhuhu

"Bumaba na nga tayo baka kanina pa tayo hinihintay ni Jake" natulala naman sya pagkabanggit ko sa pangalan ni Jake. May naiisip nanaman tuloy ako >:)

Hays ang awkward. Ang tahimik nilang dalawa. Halos idukdok nila yung mga mukha nila sa mga plato. Ayaw ba nila tignan ang isa't isa?

"Aherm" napatingin naman silang dalawa sakin. Mabuti naman dahil mababaliw ako sa sobra nilang katahimikan

"So... Mag uusap kayo o aalis ako?" sorry naman ha kase naman hindi talaga ako sanay na ganito sila. I mean kung totoong hindi nila iiwasan ang isa't isa bakit sila ganito?

"Hi/Kamusta" sabay pa nilang sabe. Napa face palm nalang ako sa inaasal nila. Parang bagong kilala lang e.

"Okay lang ako" sagot naman ni Ayen. Ngumiti lang si Jake at pinagpatuloy ang kinakain nya

"Ikaw kamusta?"tanong ni Ayen nang hindi tumitingin kay Jake. "I mean kamusta sa dubai"

"Ah okay lang naman duon" tinitignan ko lang silang dalawa. Naiintindihan ko naman kung bakit sila ganito sa isa't isa pero sana bigyan nila nang chance kahit sa friendship namin. Tatlo na nga lang kami ganito pa

"Ah excuse tumatawag si mommy e" umalis muna si Ayen para sagutin yung tawag. Tinaasan ko lang nang kilay si Jake and mouthed torpe. Umiling lang sya at tumawa

Pinapauwe na si Ayen dahil dumating ang lola nya galing Korea. Kahit ayaw ko man na umalis sya e wala akong magagawa. Sa susunod nalang siguro kami magbobonding tatlo

"Pasensya ka na talaga Jel sa susunod promise magtatagal ako" hays alam ko naman na ayaw mo tumagal dahil kay Jake

"Promise ha? O sge na nga baka hinihintay ka na nang lola mo. Ingat"tumango lang sya at saglit na tinignan si Jake sa likuran ko. Hindi ko nakita kung kumaway ba o nag ngitian sila. Sana naman magkasundo na sila

Pagkapasok namin sa loob hindi ko talaga tinantanan si Jake. Kailangan kong malaman bakit ganun sya kay Ayen kase si Ayen gets ko pa kung bakit pero si Jake? Sister lang tingin nya kay Ayen di ba? E bakit na-aawkward sya?

Jake's

"Oy Jakeeeey" napailing nalang ako at naupo sa sofa. Bahala nga sya hindi nanaman nyan ako titigilan. Napaka kulit.

"Ikaw ah ano yon?" tinignan ko lang sya nang anong-pinagsasasabe-mo-look.

"Anong ano yon?" seryoso kong tanong. Dahil ba 'toh kay Ayen?

"Bakit ganon ka kay Ayen ikaw ah ayie may something" tinutusok tusok nya yung bewang. Kainis talaga 'toh si Jel gumagawa nang issue

"Anong ganon kay Ayen? Nanibago lang ako kase ngayon lang kami nagkita" sa mukha nya parang hindi sya naniniwala e. Okay sige nag iba kase sya. Parang mas gumanda sya. Bumagay yung pagkasingkit nang mata nya. Tapos tumangkad din sya. Yun lang naman yun e._.

"Denial ka Jake! Sakin ka pa talaga magsisinungaling huh? Wag ako iba nalang" sabay tulak sakin. Muntik na tuloy ako malaglag

"Hindi nga kase ang kulit mo Jel matulog ka na nga may pasok ka pa bukas e" umalis sya at umakyat sa kwarto. Ang bilis naman nun sumuko ngayon? Mabuti naman para walang istorbo sa panunuod ko

Ano ba yan!? Bakit wala akong maintindihan ngayon sa pinapanuod ko? Matulog nalang kaya ako? Pero hindi pa naman ako inaantok e. Lumabas kaya ako? San naman ako pupunta? Ay ewan manunuod na nga lang ako ulit.

Binuksan ko ulit yung tv kahit na wala pa rin akong naiintindihan. Teka kumain kaya ako ulit? Halos hindi ako nakakain kanina e.

"Ay si ayen kase!" sht. Did I say that in front of my sister? Napa smirk lang sya sakin. Naku idiot. Hindi nanaman ako titigilan nito

"Kunware wala ako narinig" pang aasar nya sakin

"Oh eto" may inabot syang papel sakin na may nakasulat na mga numero at address ata 'toh?

"Ano 'toh?" tumawa lang sya sabay sabing

"Papel yang ghad Jake ngayon ka lang nakakita?" sinamaan ko lang sya nang tingin at nag peace sign sya

"Alam ko papel 'toh pero para saan?" umupo ulit sya sa tabi ko at tinignan ako

"Jake making ka para sayo 'toh at para na rin kay Ayen. Kailangan maging close kayo ulit. O ayan ang number nya at address. Gusto mo tawagan mo sya o kaya puntahan mo para ebribadeh hapeh!" tinaas nya ang mga kamay at pumalakpak. Parang ewan talaga 'toh si Jel di ko talaga alam saan nagmana nang kabaliwan 'toh e.

"Ewan ko sayo matutulog na ako" aalis n asana ako nang pigilan nya ako

"Teka teka hindi pa ako tapos" napa poker face nanaman ako. Ano nanaman ba?

"Ano nanaman?" bigla syang nalungkot at napayuko. Ano nanaman 'bang nangyare? Bipolar e?

"Please help Ayen" what? Ako tutulungan ko si Ayen pero bakit? Tsaka bakit ako?

"Bakit? Anong meron kay Ayen?" nilagay nya ang dalawa nyang kamay sa balikat ko.

"*sigh* Ikaw nalang ang alas ko" natatakot ako sa mga tingin nya ha? Parang may binabalak syang hindi ko magugustuhan

"Alas saan?" bakit hindi nalang nya kase ako diretsuhin e.

"Alas para mabuo ulit ang puso ni Ayen" ha? Bakit sino ba sumira nang puso ni Ayen?

"Sino ba nakasira?" huminga ulit sya nang malalim. Binatukan ko nga binibitin ako e.

"Aray! Para saan yun?" nagtaka pa sya. Half baliw half human talaga 'tong kapatid ko e.

"Nang bibitin ka kase sa kwento mo. Ano 'bang gagawin ko para makatulong?" ngumiti sya nang malapad at binulong sakin ang gagawin ko. Nanlaki ang mga mata ko. Wtf? Kailangan ko ba talagang gawin yun? Kaya ko ba? Pero nakikusap na 'tong kapatid ko sakin. Lahat daw gagawin nya pumayag lang daw ako. Bahala na nga

DESTINY AND FATE (ON GOING)Where stories live. Discover now