Jeleanne's
"What? payag ka na?" nakatitig lang sya sakin tsaka biglang umalis. Hala. Ano nangyare duon? Hays ano na gagawin ko ngayon? Paano ko na matutulungan si Ayen?
Nanlulumo akong pumasok sa kwarto at nahiga sa kama. Nakatitig lang ako sa kisame. Think Jel think. Hindi 'toh pwede. Kung ayaw ni Jake edi ako nalang ang gagawa nang paraan. Pero ano ngang paraan? Ang hirap naman nito. Kasing harap nung nag-mo-move on ako.
Ayen's calling...
Bakit kaya tumatawag si Ayen? Gabing gabi na ha?
"Hello?"
[Jeljel]
"Oh may problema ba? Napatawag ka gabing gabi na"
[Jel susuportahan mo naman ako sa lahat di ba?]
"Ha? Oo naman. Bakit ano ba yun?"
[*sigh* wala Jel sge end ko na kitakits tom]
Eh? Anong meron? Bakit bigla akong kinabahan? Ako lang ba 'yun o mayron talaga?
"Ay palaka ka" napahawak ako sa dibdib ko at napatingin sa pinto
"Ang gwapo ko naman para maging palaka no?" sinamaan ko lang sya nang tingin at binato nang unan
"Woah woah bakit ka ba nambabato?" tumayo ako at tumingkayad para maabot ang mukha nya. Sorry naman ang liit ko kase para sa height nya e
"E bakit hindi ka kase KUMAKATOK!" sigaw ko.
"Pffft HAHAHAHAHA" tinigil ko na ang pagtingkayad ko at hinampas sya sa braso. Bakit ba sya natatawa azar.
"Bakit ka tumatawa HA!" umiling iling lang sya at sinara ang pinto. Kase naman may iniisip yung tao dito bigla bigla nalang nanggugulat ._.
"Bakit ba haybad ang munti kong kapatid?" alala nyang tanong. Aba. Ako munti? EDI SYA NA MATANGKAD AKO NA MUNTI
"Wala may iniisip lang" naupo ako sa kama at huminga nang malalim. Di ko na alam ang gagawin ko. Gusto kong gawan nang pabor si Ayen pero hindi ko alam kung sa paanong paraan
"Payag na ako" ha? payag saan?
"Payag na ako na ligawan si Ayen" what? really? gagawin nya ba talaga yun?
"Sigurado ka? I mean baka super napipilitan ka lang" sabi ko.
"ayaw mo ata sige w--" niyakap ko sya nang mahigpit. Ito na ba ang mga sagot sa dasal ko. Kyaaah thank you talaga Jake super mo akong pinasaya
"Aray oo na sge. Pag di mo ako binitawan di na talaga ako papayag" nabitawan ko sya bigla at pinisil nalang ang pisngi nya sa sobrang saya ko
"Super thank you talaga Jake. Lahat talaga gagawin ko. Ipagluluto kita. Ipapalantsa ko mga damit mo o kaya massage kita kahit ano" siguro kung nasa normal na Jeleanne ako hindi ko 'toh sinasabe pero wala e ginawan nya ako nang sobrang laking pabor kaya dapat lang na ibalik ko 'yon sa kanya
"Isa lang naman ang gusto ko" tumalikod sya sakin at halatang may iniisip. Ano kayang iniisip nya? Parang kinakabahan ako ha pero sige kahit ano
"Gusto ko magkaboyfriend ka na" nanlaki ang mga mata ko sa sinabe nya. Wtf? Boyfriend? Ayun talaga? Wala'bang iba?
"Pero Jake bakit naman 'yun pa ang gusto mo? Wala ka 'bang ibang naiisip na medyo madali hehe" alanganin kong sabe. Ngumiti muna sya bago magsalita
"2 years had passed. Siguro panahon na para humanap ka nang bagong mamahalin Jel. I mean alam ko naman na hindi mawawala ang pagmamahal mo sa kanya pero gusto ko kase makita kang masaya" panahon na ba? Para magmahal ako nang iba? Pero kase natatakot ako. Na baka maulit uli 'yong nangyari
Sa sobrang pag iisip hindi ko na napansin na lumabas na pala nang kwarto si Jake. Siguro nga tama sya. Hayaan ko ang sarili kong magmahal ulit.
Nagising ako sa liwanag na nanggagaling sa bintana. Ano ba naman yan sino ba nagbukas nang bintana ._. sinasara ko yun gabe gabe ha?
"Oy munting prinsesa gumising na po kayo late ka na" sht. Late? Kahit kailan hindi ako nalalate
Tumayo agad ako at mabilis na tumakbo papuntang banyo. Halos hindi na ako nakapanghilod nang maayos sa sobrang kakamadali. Bakit hindi ko narinig yung alarm? Ganun kasarap yung tulog ko kagabe? Mabilis akong nagbihis at bumaba na sa hagdan. Lalabas na sana ako nang pigilan ako ni Jake.
"San ka pupunta?" luh? Adik lang? hindi ba obvious? Minsan talaga may pagka walang common sense 'tong kapatid ko e.
"Mag-sa-shopping Jake. Ganito ka aga" nagpoker face lang sya sakin at tinuro ang silya na nasa tabi nya
"Upo" teka bakit nya ba ako pinapaupo? Kitang late na ako e.
"Pero late na nga ako" kainis naman ang aga aga e. Pasalamat ka talaga Jake ginagawan mo ako nang pabor kundi kanina pa kita nasapak
"Basta umupo ka" tamad akong bumalik sa sala at naupo. Bahala na nga mamaya ang kulit kase nitong kapatid ko e.
"Kaen" para naman akong puppet na sumunod. Wala e sya boss alipin lang ako ajujuju
Kumain lang kami nang tahimik. Buti pa sya nakakakain nang maayos ako hindi. Feeling ko naiihi ako na nangangati e. Hindi kase ako mapakali sa silya ko. Gusto ko na lumabas at pumasok sa school
"Late na ako"umiling lang sya at nagpatuloy sa kinakain nya. Anong hindi e. Eh 5:45 am na. Wait. 5:45? Tumingin ulit ako sa orasan at pati sa wrist watch ko. Baka naman naantok lang ako. Pero hindi 5:45 pa lang nang umaga pakshet na pakbet
"Jaaaaaaaaaaaaaaaaaake!"
Simangot akong hinatid ni Jake papuntang school. Arrrrgh! Di porque ginawan nya ako nang pabor gagantuhin nya ako ._.
"Tigilan mo na nga 'yang pagsimangot mo sumasayad na" natatawa nyang sabe sakin. Sa susunod talaga titingin muna ako sa orasan bago ako maniwala sa pinagsasasabe nya
Inismiran ko lang sya at tawa pa rin sya nang tawa. Sige lang pag naging kayo ni Ayen sisiguraduhin kong magagantihan na kita bwahahaha. Pinapatay na kita sa utak ko Jake walangya ka talaga kahit kailaaaaaan.
"Nga pala sabihan mo si Ayen 3pm sa park" napalitan nang ngiti ang pagsimangot ko kanina. Whoo mukhang seryoso na talaga si Jake sa panliligaw kay Ayen. Tumango tango lang ako at malapad na ngumiti. Pero syempre si Jeleanne ako kaya hindi ako papayag na hindi makaganti sa ginawa nya sakin. Jusko naantok pa ako at ang aga nya ako ginising.
"Jeleaaaaaaaaaaaaaaaaaaaane!"
Tawa lang ako nang tawa habang tumatakbo papasok nang school. HAHAHA Pinitik ko lang naman sya nang noo. Ayaw na ayaw nya nang ginagawa ko 'yun dahil makakasira daw sa mukha nyang gwapo. (ew noh? hahahahaha)
Napatigil lang ako sa pagtakbo nang may nabangga ako. Ayan kase Ayen tawa pa ._. mamaya isa sa mga siga nang school yang nabangga mo. Magso-sorry na sana ako pero napatigil ako nang malaman ko kung sino ang nabangga ko
"Jel" banggit nya sa pangalan ko.
"Ano ba yan ang aga aga sinisira mo araw ko" aalis na sana ako nang napatigil ako sa sumunod nyang sinabe sa akin
"Kami na ulit ni Ayen"
YOU ARE READING
DESTINY AND FATE (ON GOING)
Teen FictionFate happens. But you have to choose your own Destiny