Chapter 10

77 9 0
                                    

Jeleanne's

Boring.

Ilang araw ko nang hindi nakikita si Ayen. Nag away nanaman ba sila nung Alex na yun? Kapag nakita ko talaga 'yung lalaking yun papatulan ko na 'yun kahit babae pa ako. Wala tuloy akong kasama kumain ngayon. I have friends naman pero mas feel ko talaga kasabay si Ayen e uwaah uwaaah.

Nga pala ngayon 'yung date namin ni Rain pero hindi ko alam kung anong oras at kung saan. Wala na talagang mas we-weird pa dun kay Rain. Pero ewan ko ang gaan nang loob ko kapag kasama ko sya. Wew me genen

Wait. Kung itex ko kaya si Ayen kung bakit sya hindi pumasok ngayon? Yah bright idea minsan talaga nagagamit 'tong utak ko hahaha.

*Typing*

"Ayen bakit di--- aray!" binabasa ko kase yung text habang tinatype ko pero hindi ko naman natype yung aray nasigaw ko. Bwisit kase 'tong nakabangga ko sa dami pa naman itong sobrang kinaiinisan ko pa

"Ang lawak lawak nang quadrangle bakit dito ka pa dumaan!" bulyaw ko. Aga aga nakakainit nang dugo.

"Binili mo na ba 'tong school para sabihan ako kung saan ako dapat dumaan? Tsaka ikaw ang may kasalanan sino ba kaseng nagsabe na magtex ka habang naglalakad. Di gumagamit nang utak" di pinalagpas nang tenga ko ang huli nyang sinabe. Ako di gumagamit nang utak? Aba talagang sinusubukan ako nitong lalaking 'to

"Anong sinabe mo!" sigaw ko.

"Ayoko na ulitin. Maglinis ka nga tenga mo ts" inis nyang sabe.

I frown. Ang kapal talaga nang pagmumukha nito. Umalis na sya at binangga ako. Aba walang modo. Napasigaw nalang ako sa inis sa kanya. Pasalamat ka mahal ka ni Ayen kundi ingungudngod ko 'yang pagmumukha mo sa semento.

"What happened girl?" tanong ni Cherry. She's my former classmate since first year. We're friends but not that close.

"Aish nothing. My unggoy lang na sumira nang araw ko" i said while rolling my eyes. Nakakainit talaga sya nang dugo kung may powers lang ako baka binugahan ko na nang apoy yun sa inis ko sa kanya

"Chill. Si Alex ba?" napatingin ako sa side. How did she know?

"Nakita ko kayo kanina sa quadrangle e. Ang qt nyo nga tignan. Know what bagay kayo" nanlaki ang mga mata ko sa sinabe nya. Jusko lahat na sabihin nya wag lang yan kinikilabutan ako e

"WHAT?" I squealed. Alam na alam nang mga estudyante dito sa school na sagad ang pagkagalit ko sa lalaking yan. Lage kase kami nagbubulyawan kapag nagkikita kami. He is my worst enemy pero kapag andyan si Ayen syempre behave ako ayoko magalit si Ayen sakin.

"Hehe wala po" she acted like she don't say anything. The thought of being with him I feel like i'm going to vomit. Nakakadiri talaga ew.

>_<

*Kriiiiiiiiiiiiiiingg*

Mabilis naman nadismiss yung klase. Hays mabuti naman kase gusto ko na umuwe. But wait, nasaan na nga pala si Rain.

"Ay shokoy ka!" nakita ko si Rain sa may gilid ko. Minsan nga tuturuan ko sya kung paano magpapakita sakin nang hindi nanggugulat. Wala pa nga kaming one month magkakilala pero magkakaron na ako nang heart attack sa pagsulpot sulpot nya bigla.

"Ano ba yan Rain nakakagulat ka" sabi ko. Nakatitig lang sya sakin. Hindi nanaman ba nya trip magsalita?

"Tara na nga teka hindi pa ako nagpapalit uwe muna tayo" aya ko sa kanya. Nakasimpleng white shirt sya na may pikachu then shorts. Ito na ba ang bagong outfit kapag nakikipagdate? Well not bad, gwapo pa rin naman si Rain sa outfit nya. I admit gwapo talaga si Rain. Ang puti puti nya nakakahiya naman sa balat ko ._.

DESTINY AND FATE (ON GOING)Where stories live. Discover now