Jeleanne's
"Goodmorning class so aware naman siguro kayo na may bago tayong transferee right?" pagkasabe nang teacher namin nung biglang nagtilian yung mga babae. Psh. Para namang sobrang big deal nung tao na 'yun. Siguro gwapo 'yun? Hindi naman sila titili kung hindi di ba?
"So I'd like you to meet Thunder Clad Lei. Lei you may introduce yourself" sobrang tahimik nung klase. Parang hinihintay nila 'yung pagdating nang Thunder na 'yun. Sa sobrang pagka bored ko tumingin nalang ako sa labas nang bintana baka isipin isa ako sa mga babaeng sabik masilayan 'yung mukha nun. Kamusta kaya si Ayen? Puntahan ko kaya sya mamaya? Pumasok kaya sya?
"I'm Thunder Clad Lei. 18 years of age. From JSU" sabay tili nung mga babae. Siguro nga gwapo. Ang husky kase masyado nang boses nya. Pag angat ko nang tingin di ko expected na makikita ko sya. Teka? Anong ginagawa nya dito? S-sya ba 'yung transferee?
O_O
"Ikaw?!" sigaw ko. 'Yung cheesecake kahapon
"Oh hello there strawberry" bati nya sakin. I rolled my eyes. As if naman na masaya akong makita sya. Matapos nya akong takutin kahapon at pagtawanan?
"Hala magkakilala sila"
"Oo nga. Paano nangyari yun? Di ba transferee si Fafa Thunder?"
"Nakakainggit kilala na agad sya ni Thunder"
"Tapos may tawagan pa sila! Omg i'm hurting"
Napa poker face nalang ako sa mga narinig ko. As if naman na masaya ako dahil magkakilala kami.
"Can I sit beside that girl. Miss?" sabay turo sakin. Sana wag pumayag sana wag pumayag sana wag pumayag
"Yes sure" nabagsak ko nalang yung ulo ko sa desk. Oh no. Ayoko katabi 'yan nakakainis
>_<
"Hello strawberry! I didn't expect magkaklase pala tayo" nakatitig lang ako sa board at hindi sya pinapakinggan. Bahala ka dyan magsayang ka nang laway mo kung gusto mo
"Uy pansinin mo naman ako nagalit ka ba dahil nasayang 'yung cheesecake mo kahapon? Sorry na pffft" okay kalma Jel wag mo syang pansinin maiinis ka lang. Concentrate
"Strawberry naman pansinin mo naman ako. Sayang naman kagwapuhan ko kung hindi mo man lang ako nililingon" naiinis na ako sa kakastrawberry nya. Tsaka cheesecake pa sya nang cheesecake. Thunder pala name nya! Bakit ba ako naniwala sa bwisit na 'to?
Sa sobrang inis ko napupunit na pala'yung notebook ko sa sobrang diin ko magsulat. Ang daldal kase nitong katabi ko di nya ba ramdam ayaw ko sya kausap?
"Miss may I go out?" paalam ko. Pumayag naman at lumabas na ako. Di ko alam kung kakayanin ko pang makatabi 'yun. Ngayon nga di ko kinakaya e paano nalang sa mga susunod na bukas?
"Oh Jeljel ano ginagaw mo dito may--" bigla ko syang niyakap. So pumasok pala sya? Mabuti naman at nakita ko sya. Aalis na kase sya bukas. Mabilis lang naman yung 3 months di ba?
"Ayen buti pumasok ka pupuntahan sana kita e" sabe ko. Bigla nman syang sumimangot
"Nagcucutting class ka ba? Nako sino nagturo nyan sayo si Jake ba?" sabe nya. Bigla naman akong napangiti. Jake pala ha?
"Hindi Ayen nagpaalam kaya ako. May nakakainis kase akong katabi. Bago transfer dito sa school natin. Ewan gusto ko na palipat nang upuan" bigla bigla binatukan nya ako. Ano mali dun sa sinabe ko?
"Abnormal ka talaga. Dahil lang dun papalipat ka? Wag ka nga paapekto. Wag mo pansinin mapapagod din yun inisin ka" naisip ko lang. Paano ako di papaapekto kung daldal sya nang daldal saken?
YOU ARE READING
DESTINY AND FATE (ON GOING)
JugendliteraturFate happens. But you have to choose your own Destiny