Lorraine's
"I think you should take a rest for a while. Gisingin nalang kita pag dinner na okay?" I give her the sweetest I could give him. He hesitantly nod at me. Parang marami syang iniisip. Naguguluhan. Kasalanan 'to nang babae kanina e. Umaagaw eksena pa. Sino ba kase sya sa akala nya?
"Ouch! Are you blind?! Di mo ba ako nakita at ako pa bubungguin mo?" i rolled my eyes while holding my head. Dumadagdag pa sa inis ko 'tong hampas lupang 'to e
"Sorry po mam di ko sinasadya" pagkasabe nyang yun ay yumuko sya. Anong gagawin ko sa sorry nya. Nabunggo nya na ako? Ang kitid nang utak
"Sorry? Eh kung ipasisante kita at sabihin kong sorry! Tanggap mo?" nanlaki ang mata nya sa sinabe ko. Nakakasira nang araw kainis
"Di naman po kayo yung nagpapasweldo sakin e"mahina nyang sabe. What? Aba kala mo 'to kung sino. Isa lang naman sa mga palamunin dito sa bahay nang mga Lei (Ley)
"Sumasagot sagot ka na?" sasampalin ko na sana 'tong hampas lupa na 'to nang biglang may nagsalita at nagpapaigil sakin. Ts. Anong ginagawa nya dito?
"Yo sup Dory?" pinaalis ko na 'yung katulong na nangbwisit sakin kanina. Kase for sure itong dumating mas maiinis ako
"It's Lory. Not Dory. Pwede ba Thunder. Wag mo ako inisin. I had avery bad day today" pumunta akong kusina at naghanap nang ingredients para sa lulutuinko. Nakalimutan ko mag grocery dahil sa nangyare kanina. Sana merondito sa fridge
"Ano ba Lory hindi ka pa nasanay? Kelan pa? pag napagtanto mong tunay kang isda?" lumingon ako sa likod at inangat ang kutsilyong hawak ko. Hindi ba talaga sya titigil sa pang aasar sakin?
"Joke lang. Pwede ba ako makitikim nyang niluluto?"
"No"
"Ay damot neto. Sige na"
"I said no"
"Ano ba 'yang niluluto mo?"
"Sinigang"
"Hala. Bakit mo niluluto 'yang kalahi mo?"
"Shut up"
"Inis ka na?"
"No"
"Edi iinisin pa kita" di na ako nakapag pigil at hinabol ko sya habang may hawak akong maliit na caserole. Ipupukpok ko 'to sa ulo nya para tigilan nya ako. Dahil hindi ako matatapos hanggang andyan sya.
"Lumapit ka dito Thunder!" sigaw ko. Pero ang bilis nya tumakbo kaya hindi ko sya naabutan. Nakapasok na sya duon sa guest room at mabilis na nalock
"Hoy lumabas ka nga kulog! Bubugbugin kita" padabog akong kumatokpero di nya binubuksan
"Lalalala bahala ka dyan di ko bubuksan! Nyenyenye" huminga ako nang malalim at umalis na. Okay kalma Lory. He is just a conceited monkey. Wag ka masyado ma istress. Remember lulutuan mo si Rain. Kailangan mo maging kalmado. Kase baka pumangit lasa nang lulutuin mo
Bumalik na ako sa kusina at nagpatuloy sa pagluluto. Mabuti nalang hindi na lumabas yung kulog na yun dun. Kundi kakalbuhin ko talaga sya
After nang paghihiwa at paghalo nang mga ingredients. Natapos din sa wakas. Sana maging okay na nito si Rain. Ito kase ang isa sa mga paborito nya. Syempre kapag luto ko. Mahilig kase sya sa sour foods.
"Rain?" tawag ko. Nandito ako sa tapat nang kwarto nya. I decided na dito nalang kami kumain nang dinner sa kwarto nya tutal dito naman ako kumakain minsan pag tamad sya bumaba at kapag hindi sya nawawala bigla
Nang hindi sya sumasagot ay binuksan ko ang pinto. Good thing bukas ito. Natutulog pa rin kaya sya? Gisingin ko nalang
"Rain? Eto na yung soup mo. Gising ka na yan" nilapag ko muna sa side table yung pagkain.
YOU ARE READING
DESTINY AND FATE (ON GOING)
Teen FictionFate happens. But you have to choose your own Destiny