Chapter 2

181 13 3
                                    


(A/N: This chap contains harsh words. Read at your own risk)

Jeleanne's

Naglalakad ako sa hallway nang makasalubong ko si Alex. Tatawagin ko sana sya nang bigla syang hablutin nang isang babae. Teka pamilyar sakin ang itsura nya ha?

Maputi. Singkit. Maikli buhok. Maiksi palda at halos kita na ang kaluluwa dahil sa dalawang butones na nakabukas nyang blouse.

Confirm. Si Annika nga. Pero bakit sila magkasama?

Susundan ko sana sila nang makita ko si Ayen na papunta sa direksyon nila. Hindi sila nakita ni Ayen dahil nakayuko sya at inaayos ang notes nya. Hindi sila pwedeng magkita. Alam ko masasaktan si Ayen pag nagkataon

"Hi" halos mahulog nya yung mga gamit nya dahil sa biglang pagsulpot ko.

"Gosh Jel bakit ka ba nanggugulat?"napatawa naman ako sa reaksyon nya. Ang cute nya talaga kapag nagugulat. Nagtataka lang ako bakit pa sya pinakawalan ni Alex. Hays soon marerealize nya malaking kawalan si Ayen

"Sorry aayain sana kita kumain eh. Samahan mo naman ako please?" nag pout pa ako para lang sumama sya. Please Ayen para sayo din 'toh

"Nako ayan ka nanaman kapag pagkain ang bilis mo. Pupunta akong library may pinapakuha si Mam Lusi" (Lusi short for Lucifer haha sama kase nang ugali sagad sa buto)

Nalungkot naman ako kunyare para maawa sya sakin. At syempre dahil malakas ang charms ko napasama ko sya sakin yes.

"Tara" sabay hila ko sa kanya. Halos magkandapa dapa sya at mahulog ang mga gamit nya. Grabe talaga 'tong si Ayen ang tindi nang pagka nerd kulang nalang tawagin ko syang walking library sa dami nang dala nyang libro araw araw. Halos lage nakadukduk sa mga libro nya kulang nalang pumasok sya dun. Hindi pa masyado nakikipag usap sa iba. Para 'bang umiikot na yung mundo sa pag aaral? Ganun

Canteen

Nakatitig lang ako sa kanya habang kumakain. Maganda naman si Ayen. Sexy sya kung hindi sya madalas magsuot nang malalaking shirts. Matalino. Mabait at magalang. Pero bakit ganun? Sinasaktan lang sya nang Alex na yun?

"Oy tigilan mo 'yang ginagawa mo. Hindi ako makakain nang maayos tsaka kala ko ba gutom ka? Bakit hindi ka kumakain?" tinaasan nya lang ako nang kilay. Hays mataray talaga 'toh sakin. Pero once sya na yung inapi sasabihin nya lang sakin 'hayaan mo na sila' o kaya 'lumayo na tayo baka magkagulo'. Konti nalang talaga mababatukan ko na 'toh kahit idol ko pa sya.

"Oo na po nanay" inismiran nya lang ako at nagpatuloy sa pagkain. Parang may gusto akong gawin mamaya. Nakakamiss kase e. Matagal na rin ako nagpakabait ibabalik ko na 'yung totoong ugali ko. Yung totoong ako

"Bakit hindi ka pa sasabay sakin? May pupuntahan ka pa ba?" umiling lang ako.

"Uuwe na muna ako masakit tyan ko e huhu" I lied. May kailangan talaga akong puntahan pero hindi ko muna pwedeng sabihin sayo Ayen. Tsaka na kapag nalaman ko na ang totoo.

"What? Gusto mo samahan kita? May clinic naman e" umarte ulit ako na sobrang sakit nang tyan ko. Sobrang worried naman sya sakin. Sorry Ayen kailangan ko pang magsinungaling sayo

"O sge na mukhang sobrang sakit nang tyan mo. Mag ingat ka text mo ako kapag okay ka na. I'll visit you after class" tumango lang ako at tumakbo palabas. Okay saan na ng aba ako pupunta? Okay naalala ko na. 

Gone Bay

Tinignan ko nang mabuti kung nasaan sila. Narinig ko kase kanina pupunta sila dito. Halatang walang magandang dulot sa kanya yang babaeng yun nakuha pa mag cut nang clas. Lahat gagawin ko malaman ko ang totoo once malaman ko. Tsaka ko kakalbuhin yang babaeng yan gamit blade.

Aha. Nakita ko rin kayo. At mukhang tama ang hinala ko. Ang Annika na yan ang dahilan nang lahat. Humanda ka talaga saking babae ka

"Alex!" sigaw ko. Halata namang nagulat sila sa pagdating ko. Sige lang magulat kayo dahil nabisto na kayo sa kalandian ninyong dalawa

"J-jeleanne" umupo ako sa harap nila. Mukhang gulat na gulat sya base sa reaksyon nya. Huling huli kase sa aktong panglalandi e. Kanina pa nangangati 'tong kamay ko at gusto ko silang sampalin dalawa sa kagaguhang ginawa nila sa kaibigan ko. Pero sige may awa ako at makikinig ako sa eksplanasyon nila

"Alex kamusta? Ano ka ba hindi mo man lang ako na informed. Si Annika na pala ang bago nyong yaya" I said in sarcasm.

"Aba" tumayo si Annika para sugurin ako pero pinigilan sya ni Alex. Mabuti nga sayo masyado ka kaseng epal e. Epal sa storya nila Alex at Ayen

"Pwede ba Jel ayoko nang gulo" ngumiti lang ako sa kanya. Gago ba sya? Niloko nya kaibigan ko tapos ngayon ayaw nya nang gulo? Sira ba ulo nya?

"Tang ina mo. WALA KANG KARAPATAN NA SAKTAN SI AYEN. MINAHAL KA NYA ALEX. PERO ANO GINAWA MO? ETO ANG ISUSUKLI MO SA KANYA? LOLOKOHIN MO SYA? TAPOS SASABIHIN MO AYAW MO NANG GULO?" he smirk. At may gana pa syang umasta nang ganyan. Sana talaga nakinig sakin si Ayen dati eh. Kung nakinig sya sakin dati edi sana hindi sya sinaktan nang gagong 'toh

"Hindi ko na sya mahal Jel mahirap 'bang intinidihin yun?" Ganun lang? Ganun kabilis? Habang yung kaibigan ko miserable sa pagkawala nya sya naman nagpapakasaya sa bago nyang babae. Dahil sa inis ko nasugod ko si Annika at sinabunutan ko sya. 

"Hindi mahal? At sino na mahal mo? Yang babaeng yan? Tss. Kung alam ko lang na yan ang standard mo sa babae sana di mo nilapitan si Ayen. Masyado naman kaseng mataas si Ayen kesa sa babaeng katabi mo!" sigaw ko habang patuloy sa pagsabunot dito sa hitad na 'to. She deserve what I'm doing right now. Kulang pa 'to sa mga pangloloko na ginawa nila kay Ayen

"Ano! Masaket? Wala pa yan sa kalahati nang sakit na nararamdaman ni Ayen" nakahawak lang si Annika sa buhok nya at halos magdugo na ang init nya kakasabunot ko. Mabuti nga sa kanya

"Aray tama na nga!" sigaw ni Annika. Inaawat kami ni Alex pero hindi ako nagpatinag. Dapat lang yan sa kanya. Gusto nya pagawan ko pa sya nang rebulto e. The mang aagaw of the year. Oh di ba? Kabog yun

Sa pagaawat samin  ni Alex bigla akong nasubsob sa semento. Aba! Wala silang karapatan gawin sakin yun

"Tama na please Jeleanne tama na" I rolled my eyes. Tama na? Baket? Kung sabihan ko syang tama na din. Wag na nya saktan si Ayen. Magagawa nya ba?

Ngumiti lang ako at tumingin sa kanilang dalawa.

'"Tandaan nyo 'toh magpakasaya kayo ngayon pero sa susunod hindi ko na kayo papayagan. Kailangan miserable din kayo. Hindi pwede si Ayen lang" tumayo ako na parang walang nangyari. Taas noo akong humarap sa kanila. Kase alam ko sa sarili ko wala akong ginagawang masama. I'm just giving a treatment na bagay sa kanila. Eh sila kaya? Kailan magkakaron nang konsensya?  Aalis na sana ako nang magsalita si Alex

"Mahal ko si Annika. At pwede ba sabihin mo dyan sa kaibigan mo mag move on na sya dahil hindi ko na sya mahal" hindi ko sya nilingon at nagpatuloy na ako sa paglalakad. Tandaan mo 'to Alex. You don't deserve someone like Ayen

Pagkarating ko sa bahay laking gulat ko nang datnan ko si Ayen na nakaupo sa sofa at masama ang tingin sakin. I'm dead

DESTINY AND FATE (ON GOING)Where stories live. Discover now