Thunder's
Hirap na hirap akong buhatin si Lorraine papuntang kotse. Bakit kase ang lakas nang loob nyang uminom hindi naman pala nya kaya
Nakita ko nalang sya na nakahiga sa kalsada kanina. Akala ko nga patay na pero yun humihinga pa. Pag maldita talaga matagal pa mawawala haha joke lang. Mabait naman 'to si Lorraine e kapag ngayong tulog lang
I decide na sa bahay na sya dalhin kesa sa condo nya. Baka paggising nya mag inom nanaman sya at magwala. Mahirap na walang gwapong nakatabi sa kanya na katulad ko
"Sir ano pong nangyare sa kanya?" nandito na kami sa bahay. Nang makita kami nang mga maids ay naglapitan sila. Imbis na tulungan ako tanong sila nang tanong sakin. Close kase ako sa mga maids dito. Si Rain lang ang hindi. Well dati oo ngayon hindi na. Simula nung incident before
"Pakisabe kay Kuya Loy paki park po yung kotse" sabe ko at binuhat na si Lorraine papasok nang bahay. Ano 'bang klaseng babae 'to. Maganda sana napakabigat naman. Hindi naman sya katabaan. Dapat si Rain gumagawa nito e.
Pero hindi pa man ako nakaakyat ay nakita ko si Rain na palabas nang bahay. Hindi nya ako nakita dahil nakayuko sya. Saan nanaman ba pupunta 'to?
"Bro! Saan ka pupunta?" sigaw ko. Pero hindi nya ako nililingon at patuloy pa rin sa paglalakad
"Bro!" sigaw ko ulit. This time humarap sya sakin. He's doing it again. Yung Rain na hindi namin kilala.
Matapos nyang humarap ay umalis na rin sya agad. Bahala nga sya sa buhay nya. Ako na nga 'tong concern sa kanya tapos ganyan pa asta nya. Akala mo sino hari. Gets ko naman kung bakit sya ganun pero sana tulungan nya yung sarili nya. Hindi yung puro kami lang.
Simula nang umuwe ako galing Amerika naging cold na si Rain sakin. Hindi naman kami close pero mas lalong lumayo ang loob nya sakin. Lagi nya akong iniiwasan. Mas ramdam ko nga na mas kapatid pa ang turing nya dun sa Nathan na yun kesa sakin e
Inihiga ko na si Lorraine sa higaan nya. Pati dito kay Lorraine naawa ako. Kung hindi nya lang mahal yung siraulo kong kapatid edi sana masaya sya ngayon. Ewan ko din ba dito kay Lorraine kung bakit masyado syang nagpapakantanga duon eh hindi nga sya mahal. Ay ang sakit sa ulo puro lovelife. Buti ako kagwapuhan ko lang problema ko
Pero nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto. Mukhang nagulat din sya sa nakita nya. Inaalis ko kase yung nakakalat na buhok ni Lorraine sa mukha e. Inalis ko bigla ang kamay ko
"Ah sorry po sir Thunder nakaistorbo po ako. Babalik nalang po ako mamaya" may pinapunta kase akong maid dito para linisan si Lorraine. Hindi naman pwede na ako ang maglinis sa kanya. Baka paluin ako ni mom pag nalaman nya yun
"No. Aalis na rin ako. Tinitignan ko lang kung matino 'tong si Lorraine baka magwala e. Mukhang okay naman" sabe ko. Pero aalis na sana ako nang biglang hawakan ni Lorraine ang kamay ko. Akala ko gising na sya pero tulog pa.
"Rain" sambit nya. Pero agad din naman syang bumitaw. Kumunot ang noo ko. Hanggang pagtulog rin si Rain ang nasa isip nya? Kung pwede lang kunin ang puso nitong si Lorraine gagawin ko e. Dodonate ko sa mga zombies
"Ah sir lalabas po muna ako" pagharap ko sa maid mukha syang kinikilig na natatae na ewan. Maysakit ba 'to?
"No. Linisan mo na si Lorraine. Sa terrace lang ako" tumayo na ako at tumango si terrace. Gusto kong tulungan si Lorraine dahil marami na syang ginawa sa pamilya namin. Halos isuko na nya ang career nya dahil kay Rain. Pero in the end hindi rin sya magustuhan nang kapatid ko. Pero paano ko naman sya matutulungan? Sakit sa ulo mag isip. Siguro puntahan ko nalang sila Treb bukas. Sila malamang alam ang sagot
YOU ARE READING
DESTINY AND FATE (ON GOING)
Genç KurguFate happens. But you have to choose your own Destiny