Rose's POV
"Pustahan tayo ng unang itatanong nila, dali"
Excited na sabi ko kay Rain habang nakatutok pa rin sa kalsada ang tingin dahil nga nagdri-drive ako.Ilang segundo na ang nakalipas pero hindi pa rin siya sumasagot kaya nilingon ko na siya..pero syempre saglit lang, madisgrasya pa kami e, sayang lahi naming maganda.
"Hoy, kinakausap kita"
Sabi ko ulit.Nakakunot lang ang noo nito na mukhang galit na galit pero sa kalsada lang naman siya nakatingin. Binadtrip na naman ba ito ni Justin? Bakit lukot lukot na naman ang mukha?
"Rose"
Pagtawag niya sa akin bigla."Oh?"
"Totoo bang may bumastos sayong professor?" seryosong seryoso na tanong niya habang naka glare pa rin sa kung saan.
Napalunok nalang tuloy ako ng wala sa oras.
"A-ah.." Takte, sasabihin ko ba? Eh kahit alalahanin ko lang yun, kinikilabotan na ako.
"Is it a fucking yes or no?" sobrang emphasized lahat ng words niya at mukhang nang gagaliiti ang ngipin.
"Y-yes.. Pero—"
"At may 'pero' ka pa talaga?! What's his name?!"
Shit, sabi na. Magagalit siya agad huhuhu, hindi ako natatakot para sa akin, natatakot ako para sa Ryan na yun. Jusko, oo tatahi-tahimik lang itong si Rain pero sobrang nakakatakot yan kapag nagsimula siyang mag-hold ng galit or inis sa isang tao.
Alala niyo ba yung time na jinu-judge siyang ng ibang tao nung nagkaroon ng issue ang relationship nila ni Jah? Nung tinalk back niya yung feelingerang babae? Jusko, higit pa dun ang kaya niya.
Rain can drown you in your own sea, i swear!
"Nahandle naman na ni Stell yun, Rain. Don't worry na, tska isa pa, more cautioned na ako ngayon, i can protect myself"
I said to calm him down.Baka bigla siyang mag rant dito eh.
"Damn that professor, walang kwenta"
She cursed in silence. Natawa tuloy ako, ngayon lang ulit siya nagalit ng ganito.Narealize ko tuloy na..andami pala talagang nag aalala sa akin. Andaming masasaktan kapag nasaktan ako, andaming magagalit kapag may nambully sa akin at etc.
Nangunguna doon si Stell...
"You're still sticked to Ajero? Rose, i don't want to meddle, but if you're really just approaching him to get closer to Josh, then please stop it. You're just using him and you'll hurt him eventually. You're not like that, do you understand?"
Pinalobo ko ang pisngi ko dahil sa mga narinig ko. Hindi ko tuloy alam agad ang sasabihin, pero isa lang ang alam ko..
Hindi naman talaga.. Hindi ko ginagamit si Stell kahit na ganun ang parang outlook. Kapag kasi malapit kami ni Stell, nalalapit na rin si Josh sa akin pero hindi talaga ganun.. Nung una, oo.
Pero I'm approaching him now because.. Because i want to, i like to. I noticed that I'm getting excited and excited whenever he asks me out, he's interesting and a very very good friend.
"Andito na tayo." sabi ko nalang nung makita ko na ang gate ng bahay namin.
Oo nga pala, nakalimutan kong sabihin, my parents asked us out for a dinner, kaya bumyahe pa kami ng halos tatlong oras para lang maka-uwi.
"We're home, we're homeee!!"
Sigaw ko nang makapasok kami ng sala. Wala tao sa terrace, at sala pero may tunog ng nagluluto sa kusina. They were surely them.Dumiretso sa kusina si Rain para magmano, sigurado, habang ako na anak mismo, umupo muna para dumampot ng apple.
Hahaha, takte, ampon kaya ako tapos si Rain talaga yung anak? Haist, makatayo na nga at mano na rin sa kanila.
"Mommy, daddy" sabi ko sabay halik sa mga pisngi nila habang nagluluto.
"Wow, new to ah" komento agad ni daddy.
"Hmm, baka may nakaing kung ano at biglang naisipang mag mano" segunda naman agad ni mommy.
"Grabe kayo sakin ah" i said and pouted. Napailing iling naman si Rain at bumalik na sa sala.
"How are you, my princess?" daddy asked while i was in their between, watching them.
"Living like a princess, dad"
Sabi ko kasama ang isang malawak na ngiti.Tinignan naman ako ni mommy ng nakakunot ang noo at pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa, hahaha she's always like that. I miss them so much.
"Your smile is a little fishy.. Rose Quenirry, umamin ka nga.. May boyfriend kana ba?"
Nanlaki ang mata ko sa biglaang tanong na iyon ni mommy at natawa nalang ng wala sa oras.
Boyfriend? Seriously?
Oo, malandi ako pero wala nuh! Taken na yung taong gusto ko.. I'm,.. I'm still uninterested with something or somebody.." Ano? Meron na nuh? Ayaw mo sabihin? Osige, tatanungin ko si Rai—"
"Wala po 'my, busy ako" i said and wink at her.
"Ano namang kinabu-busy-han? I know that studying don't make you busy"
Komento pa ni mommy na ikinatawa naman ni dad."'My, may banda ako. Guess my position.." sabi ko sa kanilang dalawa sabay taas baba ng kilay.
"Banda? Talaga? Kailan pa?" namamanghan namang tanong ni daddy.
"Uhm, maybe almost a month ago, i think?" i said, trying to remember the day when i join them.
"Drummer? Magaling ka sa drums nung bata ka eh.." sagot ni mommy at pumitik pa talaga ng daliri.
"Nope" sabi ko at umiling.
"Guitarist? Or pianist?" tanong pa ni daddy.
Umiling ulit ako ng sunod sunod.
"My ghod Mr. And Mrs. Quenirry, mukha ba talagang professional sa instruments ang magandang anak niyong si ako?" tanong ko.
"I'm a vocalist" medyo proud na sabi ko habang inaalala yung time na pinakilala ako ni Stell sa banda nila bilang recruit niya as a vocalist.
"Vocalist?!" sabay na tanong nila.
Aba, hindi nila pinaniniwalaan ang sarili nilang anak?
"Ha, ha, ha... No way. There's no way you'll be a vocalist. I must ask Rain" -mommy
"Great idea, hun. Let's go" -daddy.
—_—
-_-
So ano, ampon talaga ako?
"She's telling the truth, tita, tito.." napalingon naman ako sa gilid ng kusina at nakita si Rain doon na kumukuha ng tubig.
"Oum, pinayagan nga ako ni Rain eh"
"Kailan kapa natutong kumanta, anak?" natutuwang tanong ni daddy at inakbayan na ako.
Hahaha, nakakaproud tuloy.
"Hindi ko din naman alam na may talent pala ako sa pagkanta... Stell helped me to figure it out.."
YOU ARE READING
I've Been Here (Syclups #3)
FanfictionFANFICTION FOR SB19STELL Waiting for someone who's not finish loving someone else yet were indeed painful, and risky. But that's the true meaning of love, isn't it? 'Loving' itself was already risky. And I'm willing to risk for her...