10

242 10 0
                                    

Rose's POV

                "Hello mga eraps! Anong ganap ngayon?" masiglang bati ko pagkaupo-pagkaupo ko palang sa table nilang apat.


"Wala naman, susubo na sana ako kaso isturbo ka" pagbibiro ni Stell kasi may hawak siyang kutsara na nakatutok na sa bunganga niya.


Nasa canteen ako ulit ngayon kasama sila Rain at yung apat sa Syclups, except si Paulo.


"Eh? Si Nase nasaan?" tanong ko at lumingon lingon pa.



"Bakit? Pipikotin mo? Nako, too late Rose. Inlababo na yun" sabi naman ni Justin at nakipagtawanan kay Josh.

Haist, ang gwagwapo naman...



"Inlababo? Hala kanino?! Bakit di ako updated?! Ang daya mo ah, di mo kine-kwento sa akin"
Sabi ko sabay suntok sa braso ni Stell dahil siya ang kinakausap ko..



"Takte, eh kapag naman kasi magkasama tayo, ikaw lang ang palaging allowed na magsalita, tsk" sabi pa niya at itinulak ang noo ko.



Sasagotin ko sana ulit yung pambabara niya nung bigla sabay sabay na umubo yung apat.


"Ehem! Ehem!"

Napatingon kami ni Stell sa kanila at kumunot ang noo. May virus ba silang apat? Sabay sabay na may ubo?


"Wag niyo namang i-spoil yung love story niyo. Tska na kayo magyabang dito kapag may label na, ok?" sabi naman ni Ken na kanina'y tahimik lang.

Ha? Ano daw?


Dahan dahan naman ako lumapit kay Stell at bumulong, katabi ko lang kasi siya.

"Mukha ba talaga tayong mag jowa?"
Natatawang tanong ko.

"Ewan ko" bulong niya din sabay kibit balikat at sabay na naman kaming natawa.


Sila naman ang napakunot ng noo habang tinitignan kami, marahil nagtataka sa kabaliwan namin. HAHAHAH di ko talaga mapigilang matawa lalo na't si Stell ang katawan ko.



"So ano, asan nga si Pinuno?" tanong ko nang mag cooldown na ang tawa namin. Naki inom na rin ako sa juice ni Stell kahit nainuman na.. Sanay na ako eh.


"Inlababo na nga, kaya andoon, kasama yung bebs niya" sagot naman ni Justin habang ngumunguya at nakatitig sa pinsan ko.


"Sabihin mo yung exactly location, kung hindi, hindi mo ulit makikita ang magandang mukha ng pinsan ko"
Sabi ko sabay takip ng mukha ni Rain na naka poker face na naman.



"You! — bakit ba gusto mo malaman? Baka gulohin mo lang date ni Pablo eh.."


Inirapan ko lang siya at umalis na doon, tinawag pa ako ni Stell pero hindi na ako bumalik. Hmmp, kung ayaw nila sabihin, ako ang hahanap..


Gusto ko kasi talaga makita yung babaeng nakasungkit ng puso ni John Paulo Nase, hahaha.

Patuloy lang ako sa paglalakad sa corridor nung maramdaman kong may sumusunod sa akin. Tumigil muna ako at mabilis na lumingon sa likod.



I was stunned because i was smash with something the moment i turn around. Para akong nahampas sa pader pero ang totoo, sa dibdin ni Stell na ngayon naka tayo pala sa likod ko.



My heart beat became a race when our gazes met.. Shit, ito na naman.. Bakit kaya ganito palagi ang nararamdaman ko kapag sobrang lapit ko kay Stell?



Palagi nalang akong kinakabahan na ewan, mas nangingibabaw sa thoughts ko yung tunog ng puso ko, kainis.



"Ginulat moko!" sabi ko at pabirong tinulak siya palayo. Hindi ko na kasi matagalan yung pagwawala ng puso ko, takte.


Hindi siya sumagot at napapikit ng tatlong beses. Namumula rin ang pisngi niya na parang nakakain ng maanghang.


"H-hoy!" takte, ang awkward nito ah..




"A-ah, ha? Aish, tara na nga, hanapin natin si Paulo. May sasabihin rin ako sa kanya"
Sabi niya bigla sabay akbay sa akin at naglakad paalis sa pwesto na yun.




"Eh bakit di ka nagsasalita kanina? Balak mo na naman akong gulatin nuh!"
Sabi ko sabay hampas sa dibdib niya.



"Aray!" sigaw niya sabay sama ng tingin sa akin. Hahaha, mukhang napalakas ata hampas ko.




"Kailan pa pala nagkaroon ng bebe si Pinuno? Milagro yun ah.."

"Malay ko, busy din kaya ako"



Tinignan ko naman siya ng nakunot ang noo at tinulak habang tumatawa.


"Ano namang kinabu-busy-han mo! HAHAHAH"

Nakarating kami ng caféteria inside school at nakita ang nakangiting mukha ng babae kay Pinunong Nase.


"Ilang gabi kong pinag isipan yun eh..." wika nung babae.




Wait... She's familiar..


Takte..

"Si Zailee?!" sabay na bulong namin ni Stell habang nakatingin sa iisang direksyon.


Nagkatinginan kami habang laglag pa rin ang kanya kanyang panga tapos balik ng tingin sa kanilang dalawa.. Ngayon ko lang nalaman na ganito pala ang type ni pinuno.. Kakaiba!



Hindi ko din akalaing seseryosohin ni pinuno si Hidalgo, jusko, winarningan ko na siya dati ah..


Nagulat kami nung bigla nalang silang tumayo at humarap kaya nagkaharapan kaming apat.



Awkward naman akong ngumiti at kumaway sa kanilang dalawa habang si Stell ay nagpapanggap na tumitingin ng pagkain kaya ako ang naiwan dito.


"Ah, h-hi pinuno..! Hi, Mrs. Nase—ay este, Zailee.. Hi"
Bati ko at palihim na napakamot ng batok.

Inis kong hinila si Stell para umalis na, takte ang awkward masyado doon



"Ang peke mo ah, iniiwan moko sa mga critical na sitwasyon!" reklamo ko sa kanya habang naglalakad kami paalis.




"AHHAHAHA critical na sitwasyon daw.."












(AN: putcha, hirap na hirap na akong tumapos ng isang chapter  T^T)

I've Been Here (Syclups #3)Where stories live. Discover now