17

207 7 0
                                    

Rose's POV

             "Jusko daddy, kung alam mo lang! Ikaw nga unang lalaking iniyakan ko eh!"

Malakas na sabi ko sa kanya habang nagbabalat ng mansanas.


"Sure ka ba? Na si tito ang UNA mong INIYAKAN?"
Pang aasar naman ni Rain na nasa kabilang gilid ng kama ni daddy at chini-check ang dextrose niya.


"Shut up"


Marahan namang tumawa si daddy na tahimik lang kaming pinapanood. Tatlong linggo na rin after ng operation niya at isa't kalahating linggo na siyang gising. Thank God at hindi siya na-coma. Para akong muling nabuhay nung nalaman kong gising na siya, parang akong yung nagising sa pagkakatulog at bumalik yung sigla ko.




"Ahhh"
Sabi ko para ibuka rin ni daddy ang bunganga niya na agad ko naman sinubuan ng apple.



"Tama na anak, busog pa ako.."
Sabi naman ni dad habang nginunguya ang mansanas. Ngumuso naman ako at inilayo na ang hawak kong pagkain para hindi mabigla ang tyan ni daddy.



"Buti nalang talaga at tulog ako nung time na yun, hindi ko makikita ang mga luha niyong tatlo ng mommy niyo"
Sabi niya bigla sa amin.


"Tito sa susunod, ang sasabihin mo dapat, 'hindi na iyon maulit para hindi kayo ulit umiyak'. Maling phrase naman yang napili mo"
Biro ni Rain at tinabihan ako.


"Oo nga naman. Parang gusto mo pa kaming umiyak eh.."
Segunda ko naman.


Tumawa ulit siya at inangat ang kamay na walang aparatos at tinap ang ulo naming dalawa ng pinsan ko na parang kapatid ko na.


"Salamat mga prinsesa ko.."
Pagkasabi niya nun ay biglang may kumatok sa pinto. Sabay sabay kaming napalingon doon at nakita ang gwapong mukha ni Stell na may dalang prutas at pagkain.



"Speaking of someone you should be thankful of, tito, it's him"
Bulong ni Rain kay daddy habang ako'y naiwang tulala at nakatingin pa rin kay Stell na nakangiti sa akin.


"Una na ako, may palit na sa shift ko eh. Tito, palakas ka pa ha!"
Rain waved goodbye before outwarding from my dad's ward. Tuloyan naman ng pumasok si Stell at nilapitan kami.



"Good afternoon po tito.." sabi niya. "Good afternoon, Rose"


Ngumiti ako at tumango. Tumayo muna ako at pumunta sa mini sala ng ward para hayaan silang magkwentuhan. These days, nagiging malapit sila sa isa't isa dahil nga panay pa rin ang dalaw ni Stell dito. Nag aalala na nga ako sa pag aaral niya..



Baka nakaka abala na pala kami ng hindi ko nalalaman. Pati sa banda.. Ilang practice at performance na ang hindi namin na a-attend-an ni Stell, naguguilty na ako kapag nakakasalamuha ko si Daniel. Hindi ko alam kung galit ba siya o ano kasi naman palagi siyang seryoso. Instrumental lang ang natutogtog nila dahil nga parehas na wala ang mga vocalist. Buti nalang lowkey lowkey lang yung mga tinutugtogan nila, hindi masyadong formal.




"Kamusta po pakiramdam niyo? Dinala ko na po pala yung pinaluto niyo sa aking kare-kare.. Kaso unti lang kasi balaw pa sa inyo ang oily foods"
Rinig kong sabi niya.


"Salamat, ijho. Nako, baka nakaka-abala na ako at naaapektuhan ang pag-aaral mo ha.."
Sagot naman ni daddy.


Hindi na muna ako nakinig sa mga usapan nila at tinignan ang mga designs na pinasa sa akin ng mga lower year na designers din, ako kasi ang taga check ng lahat bago ipasa sa mga profs at leaders.

Natabonan din ako ng gawain sa university pero dahil nga gising na si daddy, ginaganahan na ako ulit at sa palagay ko nama'y matatapos ko ito sa nakalaang oras.



Tumigil lang muna ako sa ginagawa ko nang bigla ko nalang marinig ang pangalan ko mula kay daddy.


"Po? Ako na po tito, mabigat yun, baka hindi mabuhat ni Rose. Ako na po.."
Biglang sabi ni Stell. Hindi ko alam yung tinutukoy nila kasi hindi naman ako nakinig.



"Ha? Ano ba yun? Samahan na kita"
Offer ko naman na inilingan lang niya.


"Kita mo toh?" tinaas pa niya ang braso niya at pinalabas ang muscles. "Kaya ko toh". Ngumisi pa siya bago lumabas sa ward para kunin ang bagay na hindi ko alam kung ano.


"Yabang talaga" bulong ko naman bago hinarap si daddy.

Kumunot ang noo ko at tinaas ang kilay nang makita ang nakangiting si Daddy habang tinitignan ako.

"What?" kaswal na tanong ko.


Senenyasan naman niya akong lumapit kaya ginawa ko at umupo sa tabi niya. Sinandal pa niya ako sa dibdib niya kaya lalo akong nagtaka.


"That boy is so nice" he suddenly said.


Lihim akong napangiti at tumango bilang pagsangayon.


"You're right, dad.. He's so good"
Pagkatapos nun ay hinarap ko siya at nagsimulang ikwento ang nangyari before and during his operation.





"Si Stell.. Siya yung nakasama ko nung nalaman ko yung pagkakaospital niyo, siya yung kasama ko nung nalaman ko yung tumor niyo, siya yung kasama ko nung nagdedesiyon palang kami ni mommy kung itatake ba namin ang operation or not, siya yung kasama ko nung down na down ako, siya yung kasama ko nung oras ng operasyon mo, yung oras na nag aagaw buhay ka't hindi ko alam ang gagawin ko.. Siya ang kasama ko.. "



Hindi ko mapigilang mapangiti habang sinasabi ang lahat ng iyon sa daddy ko. Nata-touched ako tuwing inaalala ko ang lahat ng iyon.




" Siya yung taga cheer up ng pisikal, mental, at emosyonal na kondisyon ko. He cooked for me, he handled my projects for me, and he never leave me when I'm overthinking.."





Napatingin ako kay daddy na makahulogan na ang ngiti sa akin, parang nang aasar na ewan. Inalis ko muna ang ngiti ko at binago ang topic para hindi masyadong halata na kinikilig ako sa mga nangyayari sa pagitan namin ni Stell.





" Pero syempre, andyan din ang Syclups at Dammies. Yung auntie ni Ken na super galing na doktor pumunta dito para lang sayo. Nagbigay din ng emotional support ang lahat, kapag kailangang magpahinga ni mommy o ako, sila ang papalit dito para bantayan ka. Para ngang nagkaroon ako bigla ng kapatid habang pinapanood silang alagaan ka at si mommy. Silang lahat ang nagpalakas ng loob ko, dad.. "





Kilala na ni daddy ang buong Syclups pati ang banda. Sinong nagkwento? Syempre si mommy na tuwang tuwa nung nagising si daddy.






"Ang tanong.."
Sabi niya bigla kaya napatigil ako.



"Anong tanong dad?"

Umayos siya ng upo at hinawakan ang dalawang kamay ko.




"May.. May pag asa ba sayo si Stell? Bilang son-in-law ko ba.."


Nanlaki ang mata ko sa gulat at napanganga pa. Hindi ko inaasahan ang tanong na iyan ni daddy dahil kahit na kailan, hindi ko yan tinanong sa sarili ko.

Kaibigan ko si Stell..




Pero kahit naman ganun, alam ko na sa sarili ko ang sagot... Malinaw na malinaw, a hundred percent..








It's.. It's the opposite of my answer before..





I've Been Here (Syclups #3)Where stories live. Discover now