27

249 8 1
                                    

Rose's POV

             "Kahit na anong gawin at sabihin mo Rain, hindi ako tatayo dito at sasama. Inuulit ko, 'NO.WAY.'"

Mariing sabi ko sabay flip ng hair. Muli akong sumandal sa sofa at hindi pinansin ang presensya nila sa gilid ko.

"Just a simple meet&catch up, Rose. You're so stubborn. People might think that you are bitter for not going there"
Rain said as i saw her crossing her arms in my peripheral vision.


"Then let them think what they want to think. I will not go there, period"


Kanina pa kasi nila ako pinipilit na sumama daw sa reunion ng Syclups. Reunion na naman jusko, madaming nangyayaring hindi umaayon sa gusto ko kapag reunion ang pinupuntahan ko. Madaming unexpected things, ayoko na mag risk. Tama na ang reunion ng Dammies last week, ayoko na talaga.


"Don't force me to drag you there from here, Rose.."
Nagbabantang sabi ni Rain.


Sus, alam ko namang trina-trap lang nila kami ni Stell. Siguro Bachelor party na rin niya iyon dahil next week na ang kasal niya..



They maybe wants us to meet for a closure before his wedding. Sa totoo lang, hindi naman na kailangan eh.. As you can see, tinatanggap ko na. Unti unti ko ng tinatanggap lahat ng nasa reyalidad. At kung pwede lang, ayoko ng marinig ng paulit ulit ang pangalan at ganap niya dahil parang palagi lang akong bumabalik sa zero.





I am close to 'forgetting' ..but unfortunately, not on 'moving on'.


"You can't scare me, Rain"
Matapang na sabi ko at pinagtuonan nalang ng pansin yung tv'ng hindi naman naka-on. Desido na akong hindi pupunta kahit na anong mangyaring gyera dito sa bahay.


"Okay, don't tell me that i didn't warned you later ah"

I made face to copy her reaction. "Yeah, whatev—AAAHHH! Zaijan! Ibaba mo'ko! AAHHHHH!!!"



Halos mahulog sa sahig ang puso ko nung bigla nalang akong binuhat ni Zaijan patalikod at walang tigil akong binuhat palabas ng bahay habang sa loob ng kotsye.




"ZEIA!!! PIGILAN MO TONG GAGONG BOYFRIEND MO!!!! AHHHH"
Puro nalang tili ang nilalabas ko habang tumatawa naman silang dalawa na as if close na close sila.




Nginisian lang ako ng nang-aasar ni Zaijan at ni-lock ang pinto ng kotsye para hindi ako makalabas.




"You're so evil, Rain Quenirry!"
Sigaw ko mula sa loob ng kotsye pero binilatan lang ako nung bruha. Nakita kong nagtanguan silang tatlo bago sumakay sa isa pang kotsye sila Zaijan at Zeia.



Tinignan ako ng nang-aasar ni Rain bago siya umupo sa driver's seat. Sinamaan ko naman siya ng tingin pero hindi siya kumibo at pina-andar na ang kotsye.




"Seryoso, Ulan? Ni hindi nga ako bihis oh!"
Reklamo ko at itinuro ang sarili.


Naka gray sweater lang ako at black denim short. Oo, medyo styled yung sweater..but still so casual! Haharapin ko ang grupong iyon tapos ganito ang lagay ko? Nabansagan pa akong FASHION designer nito ah!




" You're beautiful, don't worry. Tayo tayo lang naman ang andoon, stop being polite. It's so not you"
She mocked and laugh. Umirap ako sa hangin at humalukipkip nalang.




Ngayon ko lang din narealize na halos lahat ng ganap ko sa pilipinas simula noong naka-uwi ako ay konektado sa kanila..sa kanya...



Gusto ko lang namang mabuhay na ng tahimik, ayoko na ng issue, pagod na akong masaktan.. Sobrang mapaglaro naman ng tadhana...


I've Been Here (Syclups #3)Where stories live. Discover now