30

269 13 0
                                    

Stell's POV

             Itinapon niya ang sarili niya sa sofa pagkatapos naming makapasok at agad na bumuntong hininga.

"Kapagod mag alaga ng bata.."
Reklamo niya at nagtakip ng unan sa mukha. Natawa naman ako habang inaalis ang sapatos at nilagay sa shelf. Lumapit na rin ako at lumuhod sa harap niya para tanggalin ang sapatos niyang hindi na niya natanggal dahil sa pagod at inilagay iyon sa shelf.




"Just take it as a practice love, malay mo bigyan na rin tayo ni Lord this year"
Biro ko naman.


Agad siyang bumangon at kumatok katok sa mesa habang pinanlalakihan ako ng mata.
"My ghod Stell! Ano ba yang pinagsasasabi mo?!"


Lalo lang akong natawa sa reaksyon niya. Tarantang taranta talaga siya nung sinabi ko yun. Well, biro lang naman yun at alam kong hindi talaga biro ang magpalaki ng bata lalo na pag hindi pa kami handa.




Galing kami sa bahay nila Paulo at Zailee, we obviously took care of their child, of their hectic and importunate child.



Kumuha ako ng towel sa cr bago muling bumalik sa sala para tabihan siya. Yung towel ko talaga ang kinuha ko para maiwan doon ang amoy niya. We've been living with the same roof, and guess what? It's a mess.


Mess at first. Andami pala naming pagkakaiba when it comes to home habit and arrangements, we often have little arguments because of that but after some days, we got used to each other's way. We learned how to adjust naturally for each other.




Living with my girl is one of the most precious dream i've ever had. Feeling ko, lalo akong nagiging disiplinado at responsableng indibidwal. Hindi na ako katulad ng dati na careless sa personal decisions and things. Ngayon, isinaaalang-alang ko na ang kapakanan niya tuwing gumagawa ako ng desisyon o plano para sa future.





Laging siya ang una kong iniisip kahit na sa pagbili ng kama, kung makakatulog ba siya ng mahimbing doon or kung makakakuha ba siya ng sapat na tulog.. Mga ganung bagay na talagang ikinakatuwa ko.




It makes me happy because it always makes me realize how i love Rose so much.



"Upo ka muna, love. Pupunasan ko muna yang pawis mong natutuyo na. Bilis"
Wika ko nang makaupo ako sa tabi niya.


Ngumuso naman siya pero umupo rin lang pagkatapos. I travelled my hands under his cloth to wiped her sweated back. This kind of physical contact is already normal for us as a couple since we already done...'that'



"Bakit ang bango mo pa rin kahit pinagpapawisan kana?"
Seryosong tanong ko naman.


Tumawa siya at hinampas pa ako sa hita..

Inalis ko na rin ang kamay ko nung matapos at mabilis na nagnakaw ng halik sa gilid ng pisnge niya bago nagmamadaling pumunta sa kusina. Napapangisi pa ako habang naglalakad.



"Mag bihis kana ah! Don't catch a cold!"
Paalala ko pa.



Tinanggal ko lang ang hoodie ko dahil medyo naiinitan na ako bago sinindihan ang kalan. I am going to cook, topless.



Nag cut lang ako ng mga ingredients habang nagpapakulo ng tubig at nag-search pa sa internet ng unique style of spaghetti. Dinamihan ko na dahil alam kung gutom ang mahal kong ilang oras ring nag alaga ng bata.



"Wow naman chef, mukhang masarap ah.."

Napalingon ako sa likod nung marinig ko ang boses ni Rose. Natawa ako dahil nakatingin siya sa katawan ko nung sinabi niya yun.


"Sabi ko magbihis kana eh"
Sagot ko nalang.


Yumakap siya bigla mula sa likod ko kaya bigla nalang akong nakaramdam ng kung anong bagay na kumikiliti sa tyan ko. Ganito naman palagi itong sistema ko kapag kasama ko siya.



"Tinuyo mo naman na yung pawis eh.."
She said and her cuddling tone.


"Hmm, kahit na. Mabilis kang siponin sa ganyan"

I put down my cooking tools and face her. She's already pouting now that gave me the urge to kiss her intimately.

"Just wait me there"
Sabi ko sabay halik sa noo niya bago siya marahang itinulak papasok ng sofa. "Behave" sabi ko pa.


Bumalik na ako sa kusina at nagluto na nga ng lulutuin ko. Gumawa na rin ako ng fresh apple juice gamit ang blender at inayos na ang mga iyon sa mesa. Naligo na rin ako at nagpalit ng pambahay since mukhang naeenjoy na ni Rose ang panunood.


I grab my alarm clock and set some reminder time. Nagsindi rin ako ng tatlong maliliit na kandali, just enough to call it a candlelight dinner.


Inayos ko rin ang tatlong rosas na nasa gitna ng mesa at napangiti. Perfect.



"Love, kain na"
Tawag ko sa kanya. Hindi rin nagtagal ay narinig ko na ang mga yabag niya papalapit.


Napabuka pa ang bibig niya habang pinagmamasdan ang mga nasa mesa. "Wow..."


Umupo na siya agad sa tapat ng uupuan ko at napapalakpak pa sa excitement.

"Ang ganda naman niyang arrangement mo sa spaghetti. Parang nakakapanghinayang na kainin"
Biro niya.


I am glad that she like this simple dinner for this night. Well, she is always like this even before. She seems complicated and hard outside, but so simple inside.


"Let's eat"
Pag aaya ko at inayos ang plato niya para mahainan.


"You know what.." she said while watching me fill her plate. "Hindi ko na alam kung sino ang babae sa bahay na ito. Look, ikaw ang taga luto, taga laba pa, tapos taga walis likeeee, anong role ko dito?"

Madramang sabi niya habang nagbibilang pa sa daliri. Tumawa naman ako at umiling iling. I lean closer to her ear and whispered,



"Your only role here is to love me.."

A smile grew in her smile and push me back to my seat. "whatever"
Umirap pa siya pero kita ko pa rin ang ngiti sa labi niya.



Tahimik kaming nagsimulang kumain. Gaya ng inaasahan ko, gutom na gutom nga ang mahal ko. Nakadalawang plato siya eh, take note, puno yung plato.


After that, we went to our balcony with our juices in our hands. Humiga kami sa sofa'ng naroon at pinanood ang mga bitwin sa langit. The city light was also dazzling us in a good way. This is my favorite scenery every night with her.




A bit quiet but still so romantic.



"This is our 1,095th times watching these lovely stars, right?"
She asked between the silence. I smiled and nodded as a respond and then wrap my amrs on her.



"1,095 nights, 3 years, 36 months, and million of i love you's"
Wika ko rin habang pinapakiramdaman ang bawat pag tibok ng puso niya. Hinigpitan ko ang yakap ko at nilapag nalang ang basong hawak ko para lalo siyang mayakap.



Tumunog na ang alarm clock na si-net kanina sa loob kaya napatingin siya sa akin. Unti unti ring nagkaroon ng matamis na ngiti yung labi niya nung marealize kung anong ibig sabihin nun.



She kissed me passionately on lips for seconds and lay her forehead on mine.

We smiled in unison and said the same words in the same time,





"12 am. Happy 3rd Anniversary, love"

I've Been Here (Syclups #3)Where stories live. Discover now