Stell's POV
"Tita, wag na pong matigas ang ulo, magpahinga na po kayo para bumaba po ng unti yung dugo niyo.."
Mahinahong pangungumbinsi ko sa mommy ni Rose na ngayo'y tulala na naman katulad ng anak niya.
Nasa ospital na naman ako para samahan silang mag i-ina. Andito rin si Rain, Jah, at Ken habang paparating palang si Paulo at Josh.
"Mom.. Listen to him.." halos walang buhay na wika ni Rose.
Napapalibotan na ng itim ang mata niya at namumutla na rin dahil nga ayaw niya pa ring kumain ng tama. Binigyan sila ng isang araw ng doktor para magdesisyon para sa padre de pamilya nila kaya naiintindihan ko kung bakit parehas silang tulala.
Minsan naiinis na ako eh, naiinis na ako sa sarili ko. Wala akong magawa, wala akong matulong. Palagi ko nalang nasisilayan yung iyak at luha ni Rose..
Sobrang naaawa ako para sa kanilang tatlo dahil biglaan ang lahat tapos kailangan pa nilang magdesisyon sa isang limitadong oras.. Hindi din kasi pwedeng mag sayang ng oras, buhay ni tito ang nakataya dito.
"Rose.. Rain.."
Pagtawag bigla ni tita dun sa dalawa. Lumingon naman sila agad sa direksyon namin."Magiging okay rin ang daddy niyo diba? Diba mga anak?"
Napakagat ako ng sarili kong labi nang makita ang pigil na iyak ni tita kasabay ng kay Rose na siyang lumapit agad sa mommy niya at yumakap.
"Magiging okay rin ang lahat mommy" she said. Rain joined the hug and tap her cousin's and auntie's shoulders.
"Malakas si tito.." she also said.
Nagkatinginan nalang kami nila Ken at Justin na wala ring magawa dahil sa biglaang sitwasyon. Dumating na rin sila Josh at Paulo na may dalang mga pagkain at prutas para sa kanila na hindi pa kumakain ng tama.
"Tita, narinig ko pong 60% percent ang success rate ng operation. Sapat na dahilan na po iyon para maniwala kayong magiging maayos ang lagay ni Mr. Quenirry. I can call the best doctors here in Philippines to hold the operation IF you want to"
Sabi ni Ken kay tita.
Ken is from a family of doctors so he knew all the circle and identities of great doctors here including his family.
"We've got you here, tita. Don't worry"
Segunda naman ni Justin na tinanguan ako.Kahit na hindi ko alam ang mararamdaman dahil sa presensya ni Josh dito, hinayaan ko nalang. Alam ko naman kasi na puro ang intensyon niya at andito rin para sumuporta katulad ko.
"Salamat sa inyong lima ha.."
Hinarap kami ni tita habang mugto mugto pa rin ang mata. "Sana lang gising si Rome ngayon, masisiyahan yun na makitang may ganitong klaseng kaibigan ang dalawang prinsesa namin.." sabi pa niya.."Tita, Rose and Rain were the only ladies in our circle. They were already a family to us kaya itong ginagawa namin? Wala lang ito.."
Sabi naman ni Paulo na ikinangiti ko.I look at Rose who's now about to cry. Dinampot ko ang panyo ko sa bulsa at lumapit sa kanya para punasan ang luhang papatak pa lang. Ilang araw na siyang umiiyak, nag aalala na ako na baka maapektuhan rin ang katawan niya.
"Hey, stop crying na.." i used the sweetest voice i can have just to comfort her. Gusto kong magbiro para sana mapatawa man lang siya, but i now this is not the time for jokes.
"I got your back, Rose"
I hug her and make her feel my warmth. Naramdaman kong unti unting nababasa ang dibdib ko kaya marahil ay umiiyak na naman siya ng tahimik.Hinaplos haplos ko ang likod niya para patahanin. While hugging her, i can't help but to listen to my fast and loud heartbeat. This is the first and longest hug we had, at sa ganitong sitwasyon pa talaga..
"Tita, ihatid na po kita"
Sabi ni Josh.Humiwalay na sa akin si Rose at nilapitan ang mommy niya.
"Rest assured mom, andito kaming lahat.." she said and kissed her mom's forehead.
I often see her being jolly and carefree in daily basis, this side of her now is rare. The serious, fragile, and sweet side of Rose.. She's so strong.. She's so tough.. I admire her so much..
I.. I like her so much.. Dati pa.. Unang kita ko palang sa kanya, ramdam ko na yung pamimilis ng tibok ng puso ko. Unang sulyap ko palang sa kanya, alam kong magiging importante na siya sa akin ng panghabang buhay.
She's so unique and different, she can make me happy, sad, excited, furious, jealous, and everything i thought i would never be.
This feeling is as risky as an operation. The results is always unknown. The stake is always big. The process is always important.
Alam kong mahirap ang magmahal sa taong hindi pa tapos mag mahal ng iba.. Pero anong magagawa ko? Hindi ko naman kayang kontrolin ang dadamdamin ko eh.. Kung kaya ko lang, matagal ko na sana siyang nakalimutan.. Pero hindi..
Bawat ngiti niya, tawa at tingin niya, lahat yun tumatatak sa isip ko. Ngiti man niya kanina, kahapon, last week, last month, o kahit pa last year, lahat yun naka ukit sa memorya ko..
So seeing her crying and weeping now..really breaks my heart and soul.
"Nakapag desisyon na kami ni mommy kagabi.."
Biglang wika niya nang makitang tuluyan ng nakaalis si tita kasama si Josh. Kaming anim nalang ang natitira."We will hold the operation.. We will take the risk.."
I stared at her gloomy eyes and secretly smiled. You're so strong, my love..
"Don't worry now Rose, andito kaming lahat. Kasama mo kaming lahat"
Justin comforted."Magpalakas kayong dalawa ng loob, yan ang kailangan ni tito ngayon."
Sabi naman ni Paulo kay Rain at Rose."Come, let's share our powers and positivities to each other, hurry!"
Nilagay ko sa gitna naming anim ang kamay ko na naghihintay na patungan din nila ng kamay nila.
"You're so childish, Stell"
Ken sneered."I am not. Hurry!"
Ipinatong naman din nilang lima ang mga kamay nila sa kamay ko kaya napangiti ako. I stared at Rose's eyes before showing a cheering smile."Sama sama nating haharapin ito.." bulong ko sa kanya.
Kaya at last,.. nakita ko na ulit ang ngiti niya sa sitwasyon naming ito..
YOU ARE READING
I've Been Here (Syclups #3)
FanfictionFANFICTION FOR SB19STELL Waiting for someone who's not finish loving someone else yet were indeed painful, and risky. But that's the true meaning of love, isn't it? 'Loving' itself was already risky. And I'm willing to risk for her...