04

289 10 7
                                    

Rose's POV

             Inis kong dinampot ang phone ko sa gilid ng mesa at tinawagan ang numero niya.

"Ang kapal mong ayain ako dito para lang paghintayin ako"
Inis na bulong ko sa kawalan.


[Oh?]

"Anong 'oh?' ka dyan Stellvester Ajero? Aba kung nakakalimutan mo, 9:30 ang usapan natin, mag a-alas dyes na!"

Napatingin na sa akin yung mga ibang tao sa resto pero hindi ko na muna pinansin dahil nasa peak pa ako ng irritation, baka sa kanila ko mabuhos yung inis ko sa Ajero na ito.


[HAHAHAHA, bored kana ba?]

"tang**a mo"

[Hala bad! Sumbong kita kay Rain ah!]

Umirap ako ng pagkatalim talim kahit na hindi naman niya nakita at inis na kinuha ang bag ko sa isang upuan.

"Bahala ka sa buhay mo, aalis nako dito!"

Umikot ako patalikod para mag walk out sana kaso nakita ko, tatlong metro ang layo mula sa akin, si Stell. Nakangisi ng malawak sa akin habang nasa tenga pa rin ang telepono.


Asar kong pinatay ang tawag at sinamaan siya ng tingin. Kumukulo dugo ko, oo. Kung di lang talaga kasalanan ang manakit ng gwapo, sasapakin ko na toh.



"Ano pang ginagawa mo dyan? Gusto mo bang kaladkarin kita ulit habang hawak ang tenga mo?" masungit na tanong with taas kilay.


Kanina pa pala siya andyan, talagang ininis lang niya ako. Grrrr.

"Ito na, boss"
Nag salute pa siya bago lumapit sa akin.

Umupo ulit ako pero nakakunot pa rin ang noo. Shit, hindi ako pwedeng mahagard, ang aga aga pa.. Bawal mainis ang maganda, Rose.. Kalma..


"Uy.. Sorry na" hindi sincere na sabi ni Stell at sinundot sundot pa nga ang braso ko.

"Tumigil ka" i snapped.

He smirked while pouted (ha? Tama ba yun? Ano kayang itsura ng ganun?)

He called the waitress and ordered some food for our breakfast. Buti naman, nagutom ako lalo dahil sa kanya eh.

"Anong pag uusapan?" tanong ko, kalmado na ngayon.

"Kain muna tayo.." sagot niya sabay hagod sa tyan niyang gutom na rin ata tulad ko.

"Tsk"

Dinikwat ko muna ang phone ko para maglaro ng ml sana kaso dumating na yung mga pagkain kaya in-open ko saglit ang camera ko para picturan iyon, malagay lang sa ig stories.


"Sama mo'ko" sabi ni Stell nung napansin niya ang ginagawa ko.

Umirap lang ako pero ginawa ko rin ang gusto niya. Nag side view pa kuno kaya nagmukhang stolen picture.

Pero in the end, picture ng kamay naming dalawa na nakahawak sa kanya kanyang baso ng milktea ang nilagay ko sa story ko. Ayokong ipaalam sa lahat na magkasama kaming kumain ngayon ni Stell..


Hindi naman sa ikinakahiya ko siya ah, ang kapal naman ng mukha ko kung ganun. Siya nga dapat ang nagkakahiya sa akin pero hindi..


Ayoko lang na.. Uhm, paano ba toh eexplain, alam mo yung feeling na.. Ayaw mong ishare sa iba kasi gusto mo sayo lang? Slash, gusto mo na ikaw lang ang makakakita nung senaryo o bagay na yun, ganun ba..


I've Been Here (Syclups #3)Where stories live. Discover now