Rose's POV
"Rain, may sasabihin ako.."
Sabi ko agad pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto niya.Bilang usual na ginagawa, nagbabasa na naman siya. Sinara ko muna ang pinto tapos umupo sa gilid ng kama niya.
"Ano yun?" maikling tanong niya.
Magkasama kaming magpinsan sa dorm na ito para mas madali kapag kailangan namin ng tulong galing sa isa't isa.
"Uh.. Ano.."
Lumingon na siya sa akin pagkatapos marinig ang tono ko. She drop her book first before raising a brow infront of me. Alam na kasi niya na kapag ganito ang tono ko kapag nakikipag usap sa kanya, may nagawa akong mali.
Pero hindi naman totally mali yung ginawa kong pagsali sa banda ni Stell diba? Na ano nga ulit yung pangalan..?
Starla yung sinabing name sa akin Stell pero alam ko namang pinagtritripan lang niya ako. Ang galing at ang cool ng banda nila tapos 'Starla' ang name?
"Speak"
Napatalon ang puso ko nung bigla ko nalang marinig yung seryosong tono ni Rain habang nakatitig sa akin. Nakakagulat naman tong babaeng toh.
"Uhh.. Wag ka sanang magagalit ah.."
Ayan, lalo tuloy tumaas yung kilay niya. Huhuhu.
"S-sumali kasi ako sa isang banda.. Banda nila Stell.. U-uhm, vocalist ako.."
Nauutal na paliwanag ko. Parang bata ako na nagpapa alam sa magulang na gumala sa labas, takte."Then?" she asked.
"Wala ng then, yun lang" pinilit kong ngumiti para hindi awkward huhuhu.
"Okay"
Sabi niya bigla at bumalik sa ginagawa niya kanina. Ako naman ang napatayo at lumapit sa gilid niya."Okay? Hindi ka galit? Hindi moko pipigilan?"
Sunod sunod na tanong ko para maniguro.Aba, rare ang ganito. Dati nung sinabi kong sasali ako sa Student's Council, hindi niya ako pinayagan.
"As long as you enjoy it"
She said.WAAAH, pinayagan nga ako!
"Eh bakit nung sinabi kong sasali ako sa SSC, hindi ka pumayag?" naiintregang tanong ko. Hindi ko alam kung bipolar ba siya o may dahilan talaga. Masyado kasing misteryosa itong pinsan kong ito.
"SSC will give you lots of responsibility, Rose. Knowing you, you'll freak out kapag hindi mo na mahandle ang responsibility and duties. Besides, i notice that music can make you relax so it's okay for you to join them. Just please don't neglect your studies "
Mahabang paliwanag niya na ikinangiti ko naman kahit na naluluha na.
See? Kaya gusto kong nasa tabi ko siya palagi kasi alam na alam niya ako. Alam niya kung saan ako mahina, alam niya kung saan ako malakas, alam niya kung saan ako dapat pigilan at kung saan ako dapat itulak.
"Huhuhu, nakaka touch kana Rain ha! Kalmahan mo baka pakasalan kita bigla! Against sa law yun"
Kunwari'y naiiyak na sabi ko sabay yakap sa kanya ng mahigpit kahit na nagbabasa siya.Tinulak naman niya ako sa noo gamit ang index finger at sinamaan ng tingin.
"Rose.. I hope you can remember those words whenever you think of yourself with Josh.."
Natigilan ako bigla pagkatapos niyang banggitin yung pangalan ni Josh. B-bakit bigla siyang nasama sa eksena?
"You're approaching Stell to get closer to him, am i right?" kalmadong tanong niya.
I bit my lower lips and sat down on bed again. She's.. She's kinda right.. Well, she notice everything.
"Rose, hindi kita pipigilan sa mga bagay na alam kong ikakasaya mo.. Pero, Josh is just out of our line.. He.. He already rejected you.. Wake up"
Shit, bakit hindi ako makapagsalita?
Naalala ko na naman tuloy yung time na nasa beach kami.. Yung gabing yun.. Na nireject niya ako..Yung gabing pinakita at pinaalam niya sa akin yung pagmamahal niya kay Annie.. Yung gabing nakasakit sa akin ng sobra.
Annie was Josh's first and current love.. (AN: i will not discuss their story here para hindi ko ma-spoil ang lahat). Now that she's back, the little chance that i have to enter Josh's heart disappeared.
Hindi ko nga din maintindihan eh, dati sabi ko lalandiin ko lang sila for fun.. Bakit ganito na?
"Go back to your room and reflect it yourself. Rest early"
Mahinahong sabi niya, ingat na ingat yung tono niya na parang iniiwasan niyang masaktan ako sa mga salita niya."Osige.. Good night Ms. Rain" i tried to get back my energy to tone to not make her worry about my emotional health.
Ngumiti ako ng malawak bago isinara ang pinto ng kwarto niya at pumunta na rin sa kwarto ko. I sighed and lay on my bed.
I close my eyes and suddenly, Josh's face appeared in my thoughts. His face when he told me how much he love Annie..
Augh! Siya na naman nakikita ko. Kainis. Magpapalit na kaya ako ng mata? Pwede naman siguro diba?
My phone suddenly rang and saw Stell calling me via messenger.
"Oh?" tanong ko pagkatapos kong sagutin at itinaas ang screen dahil video call iyon.
"Ano na namang trip mo at tumatawag ka ng alas dyes ng gabi?" sumulyap pa ako sa wall clock ko para maniguro ng oras.
Nilingon ko naman ang screen nung hindi pa rin siya sumasagot. Nakakunot ito at parang pinagmamasdan ako. Tinaasan ko lang siya ng kilay, anong trip niya?
[umiyak kaba?]
Nagulat ako at tinakpan muna ang camera ko bago nagmamadaling tumayo at pumunta sa harap ng salamin para tignan ang mata ko. Namumula nga na parang galing sa iyak.
Didiretso na sana ako sa cr para maghilamos nung magsalita siya.
[Tss, wag mo nang itago, nakita ko na]
"Si Rain kasi, dinutnot mata ko kaya namumula" pag sisinungaling ko, nadamay pa tuloy si insan.
Hinarap ko na rin ang screen sa mukha ko since hindi ko naman na kailangan itago.
[Hmm..] he sounded unconvinced but he asked no more. Aware kasi siya na ayaw kong pag usapan yung mga ganitong topic.
Naks,dami na rin niyang alam tungkol sa akin.
Bestfriend ko naba siya?"Bakit ka pala napatawag?" tanong ko para alisin ang topic na iyon.
[Uh.. Bukas nalang, kita tayo doon sa malapit na restaurant sa university]
Tumango lang ako ng dalawang beses.
[Maghilamos ka para hindi mamaga yan bukas]
Ngumiti lang ako at okay hand gesture.
[Sige na, matulog ka ng maaga. Goodnight]
Pagpapaalam niya."Goodnig—aba bastos to ah, kinakausap ka pa eh!"
Sigaw ko dun sa phone nung bigla nalang niyang patayin ang tawag. Hmmp!Tinawagan ko rin siya para maghiganti syempre.
[Ano?] taas kilay niyang tanong.
"Ang pangit mo! Bye!"
I laugh because of accomplishment then hang up. Hahaha, matutulog yun nang naiinis sa akin. Hahahahaha. >//////<
YOU ARE READING
I've Been Here (Syclups #3)
FanficFANFICTION FOR SB19STELL Waiting for someone who's not finish loving someone else yet were indeed painful, and risky. But that's the true meaning of love, isn't it? 'Loving' itself was already risky. And I'm willing to risk for her...