22

242 10 0
                                    

Rose's POV

            "Sa susunod, ayusin niyo agad kapag may problema kayo. Para hindi maapektuhan ang buong banda"
Seryoso pero mukhang hindi naman nangsisisi na sabi ni Daniel sa akin.



Nahihiya nalang ako ngumiti at tumango. Yumuko ulit ako at napahigpit sa hawak kong mikropono.



"I should also congratulate you, naraos mo kahit na hindi tayo nakapag-plano.."
Sabi niya pa sabay tapik ng braso ko. Hindi ako umimik kasi hindi naman yun totoo eh, inaasahan ko na ang sitwayong iyon..



Hindi naman yun biglaan eh.. Ilang araw na siyang umiiwas.. At hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung bakit.. Gustong gusto ko ng magtampo, kasi nakakasakit na yung ginagawa niya..kaso paano pala kung kasalanan ko yung pag iwas niya?





Kailangan kong malinawan bago ako magdesisyon ng kung ano ano. Bumuntong hininga nalang at umupo sa isang gilid ng room hanggang sa isa isa na silang nagpa-alam paalis.



Nanatali lang ako doon sa music club at tinignan ang picture naming lima na nasa shelf. Ang Dammies Band kasi ang pioneer ng music club kaya halos lahat ng andito ay konektado sa amin...




Nakita ko na naman tuloy yung mukha ni Stell, yung ngiti niya...


"Wews, hahaha, bakit bigla bigla ka nalang nagbabago?"
Pagak na tawa ko sabay sundot sa mukha niya doon sa frame.. "Hindi ako sanay, Stell.."




Nagmumukha na akong tanga doon, mag isa sa isang tahimik na kwarto tapos nagsasalita at tumatawa pa.
"Ano, may problema kaba? Ayaw mo naba sa amin? Sa akin? Kaya ka umiiwas? Ano, Stell?"




Namumuo ulit yung luha sa mata ko tuwing naaalala ko yung mga malalamig na tingin niya sa akin, yung biglaang pagbabago ng pakikitungo niya.





"Lalo mo namang ginugulo isip ko eh.."
Napahikbi ako kahit na hindi pa man ako umiiyak.. Ewan, parang may tumutusok sa puso ko dahil sa mga ginagawa niya..



"Tska sino yung babae, ha! Magpaliwanag ka nga! I need your explanation Stell... I need... Y-you"



Napayuko ako at sumalampak sa sahig sabay yakap ng sariling tuhod. Nanatili akong tahimik doon, nag iisipin ng kung ano ano... Valentines day.. Sinumpa ba ako sa araw na toh? Sobrang layo sa ine-expect kong valentines ko..




I thought I'm going to receive chocolates, or letters, or even just a rose like my name..from him. Pero kabaliktaran naman ang natanggap ko..





Hindi ko alam kung saan nagsimula iyong habit ko na sa kanya na ako palaging sumasandal, kapag may Sitwasyong, siya agad ang una kong naiisip na kasama o puntahan... Sa tuwing nakakarinig ako ng love song, siya na agad ang naiisip ko. Sa tuwing nag iisip ako about sa future ko, kasama siya sa mga imahinasyon ko...






Naka move on naba ako kay Josh ng tuloyan? O minahal ko ba talaga si Josh? Kasi, hindi naman ako ganito nung siya ang ginugusto ko eh.. Hindi ako ganito kalala nung siya...




Ngayon lang ako naging ganito..at dahil yun kay Stell...






Dahan dahan akong napa angat ng ulo nang marinig kong tumunog ang phone ko. Tinignan ko ito at nakita ang message ni Paulo.. Nag aaya silang kumain sa malapit na restaurant para daw macelebrate din naming pito ang valentines day. Masaya ako na tinuturing na talaga nila kaming parte ng Syclups. Parang kapag binanggit mo ang name ng group nila ay magcli-click rin agad ang pangalan namin ni Rain.





I've Been Here (Syclups #3)Where stories live. Discover now