12

252 11 0
                                    

Rose's POV

               Ramdam ko na ang pagdampi ng sikat ng araw sa mukha ko nang maalimpungatan ako mula sa tulog. Kanina pa din tumutunog ang phone ko dahil sa mga message, i wonder kung si Rain na naman iyon na pati afternoon nap ko eh iniisturbo.



Inabot ko ang phone ko sa bedside table at doon nagulat. Hindi pala si Rain ang kanina pa text ng text.. Si Stell pala!



Stell: you up?


Stell: ang tagal mong gumising, wala kang ambag sa bahay niyo


Stell: dika na makakatulog mamaya nyan


Stell: advance merry christmas, Rosas..



Utomatiko akong napangiti at napatampal ng noo. Dec. 24 kasi ngayon, at disperas ng pasko mamaya.. Nagtipa naman ako ng reply at muling humilata sa kama.



Rose: isturbo talaga nito



After some moment, tumunog ulit ang phone ko. Sigurado, si Stell iyon.



Stell: sleepyhead



Rose: ngayon lang ako nakakapagpahinga ng ganito sir, so would you please let me rest more?



Wala akong ganitong tulog sa manila eh. Madalas kaming puyat ni Rain, kapag naman uuwi, nag aaral pa rin ang ginagawa namin.. Hayss...


Stell: get up, may pupuntahan tayo..


Napaupo naman ako dahil sa nabasa ko at napangiti sa excitement.


Rose: waahhhh talaga?! Saan?! Ngayon naba?! Teka di pa ako ligo!

Inayos ko na muna yung higaan ko, ilang minuto rin yun pero wala pa ring reply si Stell kaya nag message ulit ako.


Rose: ano baaaa, answer my question!!



Rose: uyy, saan tayo pupunta?



Takte naman nito oh, bigla bigla nalang di nagrereply..


Sa inis ko, napagdesisyonan kong tawagan nalang siya para direksyahan na ang tanungan. I was about to call his number when someone suddenly spoke behind my room's door.




"Daming tanong, kung gumaya kana edi mabuti"



Nanlaki ang mata ko dahil boses ni Stell iyon.


What the heck? So all this time na nag uusap kami through phone, nasa labas siya ng kwarto ko?!


Lalabas na sana ako kaso nakita ko sa peripheral vision ko ang human sized mirror kaya nahakbang ako pabalik.


Anong klaseng ayos toh? Gulo gulo buhok tapos para akong bulubi.. Jusko, no way!


"Maghihilamos lang ako!" sigaw ko para marinig niya at kumaripas ng takbo sa cr.


Naghilamos nga ako, nag lagay ng powder sa mukha, nag lip gloss (yung binili namin ni Stell dati), kunting maskara sa eyelashes at ayos ng eyebrows...


Ayan.. Okay na siguro yan..

Nag approve sign ako sa salamin at lalabas na sana..kaso..


"Don't settle for less, Rose"


Ayun, bumalik na naman ako sa harap ng salamin at kinuha ang lipstick ko at ginawang blush on, yung light lang para pantay sa kulay ng balat ko.



I've Been Here (Syclups #3)Where stories live. Discover now