Rose's POV
"Uy, ayos ka lang? Nagkaka eyebags kana ah"
Sabi niya at hinaplos haplos pa ang baba ng mata kong nakapikit."Takte, andami kong gawain bilang teacher's assistant. Huhuhuhu"
Wala pa akong tulog! Tapos may practice pa sa banda mamaya! Huhuhuhu.Nasa library ako ngayon kasama si Stell, trina-try ko matulog pero ilang minuto lang ang meron ako.
"You can, uhm, be absent sa practice" sabi niya bago binitawan ang mukha. "You look restless" patuloy pa niya.
Ilang linggo na din akong TA at vocalist ng banda, at aaminin kong nasisiyahan ako kahit nakakapagod. At last, nararamdaman ko na rin yung feeling ng pagiging adult. Feeling ko katulad na ako nila Rain at Paulo na sobrang mature. Atleast hindi ako sumusuko at trina-try ko ang best ko.. Yun naman ang mahalaga eh, ang sarap lang sa pakiramdam..
May isang problema nga lang..
Kakaiba kung makatingin yung professor Ryan na yun.. Parang, uhmm.. Hindi mapaliwanag pero hindi ako komportable sa mga tingin niya sa akin..
Lalo na kapag kakaming dalawa lang sa office. Nakaka-ilang masyado.
"Hoy!"
"Ano ba!" napalo ko tuloy siya sa braso ng malakas. Sumigaw ba naman sa tenga ko.
"Bakit ba tulala ka?"
"Bakit ba naninigaw ka?" inis na sabi ko rin.
"Ito tulala ka nga eh!"
Umirap lang ako at humalukipkip. Epal talaga.
"Aish, oo na, sorry. Alam kong pagod ka kaya nga sabi kong umuwi ka muna at magpahinga.." sabi niya at biglang naging maamo ang boses. Napatingin tuloy ako sa kanya ng wala sa oras.
Takte, nakaka akit yung ginamit niyang boses..
"Hmm fine, apply muna ako ng leave kay Prof Ryan" sabi ko at tumayo na kasama ang mga gamit ko.
"Samahan na kita" tumayo rin siya at sumabay na sa aking maglakad papuntang office.
Nadatnan namin si Prof doon na may tinitignan sa cellphone, mukhang wala ring ginagawa. Nagpaiwan lang si Stell sa pintuan habang ako naman ang pumasok.
"Prof.." pagtawag ko.
Sa akin naman napunta ang tingin niya..malagkit na naman, at ngumiti.
"Oh Rose, andito kana pala. Akala ko may practice ka?" tanong niya at nilapag ang hawak na cellphone.
"Ah, Prof.. Ano sana, uhm.."
"Ano yun? Sabihin mo lang" mukhang ewan yung ngiti niya kahit na gwapo naman siya. Haist, ibang iba sa ngiti ni Stell.. Parang may ibang meaning yung ngiti niya na hindi ko maipaliwanag.
"Mag a-apply po sana ako ng leave ngayong araw" sabi ko agad.
Natigilan siya saglit at ngumiti.
"Hmm, okay then. Gusto mo hatid na kita?" alok pa niya.
"hindi na po prof, alam kong busy ka tska malapit lang yung bahay ko.." sagot ko naman. Kung sa office nga di ko kayang maiwan kasama siya, sa kotsye pa kaya?
"Malapit lang?" pag ulit niya.
Aissh shit.
Tumango lang ako. Nagulat lang ako nung bigla nahulog yung plastic vase na may flower mula sa mesa niya.
YOU ARE READING
I've Been Here (Syclups #3)
FanfictionFANFICTION FOR SB19STELL Waiting for someone who's not finish loving someone else yet were indeed painful, and risky. But that's the true meaning of love, isn't it? 'Loving' itself was already risky. And I'm willing to risk for her...