20

223 12 0
                                    

Rose's POV

             "Jah, penge naman ako!"
Sigaw ko at sinubukan pa siyang habulin pero nakatakbo na ang loko dala ang french fries niya.



"Nasa tabi lang tayo ng counter oh! Bumili ka ng iyo"
Sabi pa niya at binilatan ako. Sinamaan ko naman siya ng tingin at nagkibit balikat.


Nasa canteen na naman kami, back to normal, back to school. Sobrang lapit na ng graduation.. Medyo unti na rin ang ginagawa dahil computing lang naman ang pinagkaka-abalahan ng mga profs..





"Pag andito na si Stell, yare ka sa akin. Di rin kita bibigyan!"
Pagmamaktol ko na parang bata. Ilang saglit lang pagkatapos kong banggitin ang pangalan niya ay bigla nalang siyang lumitaw sa entrance at seryoso kaming nilapitan.



"Uyy Stell!" bati ko at tumayo para akbayan siya. Hindi siya kumibo at diretso lang ang tingin kay Paulo.


"Papers," maikling sabi niya. Kinakausap niya si Paulo..


"Oh, sorry. I didn't brought it here. Nasa office"
Sagot naman ni Paulo.


Nagulat ako kasi bigla nalang niyang inalis ang pagkaka-akbay ko sa kanya at nagsimula na namang mag lakad paaalis. Actually, hindi lang ako, ang mga kasama ko rin.



"Stell!" sigaw ko pa para huminto siya. Huminto nga siya pero hindi siya humarap sa amin. Nanatili siyang nakaharap sa harap. He's acting weird..


"Libre moko ng french fries!" nakangiting sabi ko bago inismiran si Jah at ipagmalaking may bibili na ng pagkain ko. "Si Jah kasi ayaw mamiga—"



"I don't money and time. I'm busy"
He suddenly said with a cold voice before finally leaving the canteen.


Napakurap ako ng ilang beses bago nakipagtinginan sa kanilang lahat. Nakakunot ang noo ni Ken at Paulo habang nagkikibit-balikatan naman sila Jah at Josh..




Nakatingin rin sa akin si Rain na parang tinatanong ako kung anong nangyari, eh maski nga ako hindi ko alam.



"Hayaan niyo na.. Baka busy"
Sabi naman ni Paulo na sinang ayonan ko naman. Ganun naman talaga yun si Stell kapag busy, nagiging seryoso bigla..




"Haist, wala tuloy akong french fries.."
Sabi ko at ngumuso nalang sa kawalan. Pinagtawanan naman ako ni Jah kaya sinamaan ko siya ng tingin.



"Rain oh," sumbong ko pa at kumapit sa braso niya. "Wag mo na ngang sagutin yan kahit kailan, ang damot eh!" sabi ko pa at tuloyan ng kinalimutan ang kakaibang pakikitungo ni Stell kanina.




"Ito namang cousin-in-law ko 'di na mabiro.. Syempre may isang box pang nakalaan sayo kaya hindi kita binibigyan ng nakuhanan na.."
Pekeng sabi niya at lumapit pa sa akin para umakbay.




Sus! Pa good shot lang ang loko..





Unti unting nawala sa labi ko ang ngiti nung maalala kong nakalimutan ko palang sabihan si Stell na may praktis kami mamaya para sa kakantahin namin sa valentines.



"Takte" bulong ko sabay paalam at takbo paalis. Sana hindi pa siya nakakalayo, ang hirap pa naman niyang hanapin these days.. Halos tatlong araw din siyang lulubog lilitaw sa amin.





Magpapakita lang siya ng ilang segundo tapos aalis rin agad, hindi ko tuloy alam kung may problema ba yun o ano...



Luminga linga ako sa corridor ng mga taga economics at nagbabakasakaling makita siya. Pero ilang ikot na ang nagawa ko, wala pa rin..



I've Been Here (Syclups #3)Where stories live. Discover now