Rose's POV
"Mom, alis na po kami ah. Tawag nalang kayo kung may kailangan kayo, okie? Don't hesitate!"
Pagpapa alala ko pa sa mga magulang ko.
Nagpumilit kasi si mommy na siya din daw ang magbantay kay daddy kahit ngayong gabi lang. Pinayagan ko na rin since umu-okay na ang condisyon nila kaya hindi na ganun mabigat ang trabaho ng magbabantay.
Dati, noong kami ni Rain ang nagbabantay, labas dito hanap doon ang peg namin dahil kailangan ng hour-to-hour checking ni dad. Ito namang mga doktor na toh, kung saan saan pa nagpupupunta kaya halos nalibot na namin ang buong hospital nung kami ang stay.
"Mag ingat kayo!"
Paalala pa ni daddy habang kumakain ng orange.Oo, 'kayo', dahil kasama ko ngayon si Stell.
Sanay na ako na palagi niya akong sinasamahan, sanay na sanay na ako sa presensya niya which is good dahil wala naman ata siyang balak na lubayan ako. Hahaha."Ano yang iniisip mo at muntik ka pang mauntog, ha?"
Naglalakad na kami palabas ng ospital. At oo, muntik na nga akong mauntog. Kung hindi lang niya itinakip ang palad niya ay paniguradong may bukol na ako kahit di pa ako nakakauwi sa dorm.
"Wala naman" sagot ko at hinawakan ang kamay niyang nasa noo ko pa rin hanggang ngayon.
"Wala kang iniisip? Impossible naman yan. Tri-nay ko ng gawin yan, yung wala akong iisipin kaso lalon—"
Natigilan siya sa paglalakad at agad na namula habang dahan dahang tinatanaw ang magkahawak kamay namin sa baba.
Lumipat sa akin ang titig niya. Halatang gulat pa rin siya at ramdam ang kaba, kahit base lang sa kamay niyang nakahawak sa akin.
Bumilis ang tibok ng puso ko habang tumatagal ang titigan naming dalawa. Parang sinisisid talaga namin at sinusubukang alamin ang iniisip ng isa't isa.
Bakit kaya ang tanga ko?
Bakit ang manhid ko?
Bakit ngayon ko lang naramdaman ang feelings na ito ni Stell para sa akin?
Bakit ngayon ko lang napansin na kakaiba na ang lahat sa pagitan namin..?Hindi sa nag a-assume ako, pero simula noong sinabi niya sa aking 'Palagi akong nandito', hindi ko na mapigilang alalahanin ang lahat ng senaryo sa buhay ko kung saan naroon siya.. Tapos mapapasabi nalang ako ng,
'Oo nga nuh, he's been always here when i needed someone to be here..'
"Stell.."
Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang bigla nalang magsimulang pumatak ang sunod sunod na ulan. Ngayon lang namin napansin na makulimlim pala ang langit.
Sabay kaming nabasa kaya taranta siyang naghanap ng masisilungan para sa akin. Wala na kaming magagawa dahil nasa gitna kami ng ospital at ng parking lot. Wala ring kaming masisilungan kaya itinawa ko nalang at enenjoy ang ulan.
"Rose, tumakbo kana sa parking lot!"
Sigaw niya para marinig ko dahil malakas na ang ulan. This rain was unexpected. Wala ngang sinabi sa balita na uulan eh."I want to enjoy it!"
Sigaw ko naman at nagtatalon talon."Hoy baka madulas ka!"
Tumakbo siya agad palapit sa akin at hinawakan ako sa dalawang balikat. Nagulat ako dahil sobrang lapit pa niya sa akin. Kahit na malakas ang ulan, malinaw na malinaw pa rin sa akin ang mukha niya, pati yung mata niyang mahilig tumitig sa akin.
YOU ARE READING
I've Been Here (Syclups #3)
FanfikceFANFICTION FOR SB19STELL Waiting for someone who's not finish loving someone else yet were indeed painful, and risky. But that's the true meaning of love, isn't it? 'Loving' itself was already risky. And I'm willing to risk for her...