chapter 29

457 25 43
                                    

Unconditionally 29 

Continuation…

Hapon na ng dumating sina Yibo at ang pamilya nito sa ospital. Nakatulog na si Ayuan sa pagod dahil sa kakaiyak nito, nakahiga ito sa isang sofa sa loob sa silid ni Zhan kasama ang kanyang lolo. Na abotan nila Yibo ang tatlo na nakaupo sa labas ng kwarto, ng makita nila si Yibo at ang kasama nito, agad silang tumayo sa kinauupoan nila.

"Good afternoon." Bati ni Jeha sa mga ito

"May I know who you are?." Tanong ni Mrs. Wang kay Jeha 

Inilahad ni Jeha ang kanyang kamay kay Mrs. Wang.." hi I'm Jeha, Zhan's friend." Pakilala niya sa mga ito 

" Really?." Mataray na wika ni Mrs. Wang 

"Mrs. Wang, pasensya na pero it's none of your business kung ano ako ni Zhan, coz the last time I check hiwalay na sina Zhan at ang anak mo," hindi maiwasan ni Jeha na sagutin ang ginang dahil sa tono nito sa pag sagot sa kanya.

"Hiwalay lang sila, but not divorce though Zhan signed it already, hindi naman tinuloy ng anak ko ang pag file nito, kaya..." 

" Ma! That's enough, hindi tayo nandito para makipag away sa kanila. They called us because of Zhan, kaya please lang." Saway ni Yibo sa kanyang ina, nag sagotan na kasi ang dalawa kaya inawat na niya ito. 

" Tita! Sorry pero gusto kong ipaalam sayo na pinatawag namin kayo para makita si Zhan. We just want to fulfill his wish kaya please, bawasan mo ang panghihimasok sa buhay niya. Minsan mo na yan ginawa but this time hindi na kita hahayaan," tiimbangang sabi ni Jiyang.

Si Fox na ang nag guide kina Yibo papasok sa kwarto ni Zhan, iniwan na nila ang dalawa sa labas ng silid, dahil kung sasama pa ito sa loob baka kung saan pa aabot ang sagotan nilang apat. Pag ka pasok nila nakita nilang tulog ang dalawa sa may sofa. 

" Is that Yibo's son?." Turo ni Mrs. Wang 

" Let me correct you auntie, that's Xiao Zhan's son." Na tahimik si Mrs. Wang sa sinabi ni Fox, hindi na rin nag komento si Yibo at ang kanyang lolo. Nilapitan nila si Zhan na nakahiga sa hospital bed nito.

" He really lost a lot of weight, and he looks like he's in pain right now." Mahinang sabi ni old Wang ang lolo ni Yibo

 "Xiao Zhan! Patawarin mo ako, dahil hindi man lang kita na protektahan. Patawarin mo ako kung hinayaan ko lang ang apo ko na saktan ka at apihin. I maybe too late to say sorry, but please allow me to say it. Pinili kita para sa apo ko dahil alam kong mamahalin at aalagaan mo siya. Mabait ka na bata, i was so envy of your father dahil nagkaroon sila ng isang maganda at mabait na anak. At dahil sa kagustuhan ko na maging parte ka ng pamilya namin, sapilitan ka naming ipinakasal kay Yibo, not knowing that you will end up like this. We're really sorry Zhan Zhan,." Naiiyak na sabi ni Old Wang kay Zhan hindi na nito napigilan ang maiyak, habang hawak-hawak nito ang kamay. 

" Pa! Hindi mo kasalanan ito, ako ang dapat sisihin nito. Kung maayos ko lang na sinaway si Yibo, siguro hindi magiging ganito ang lahat. Naging pabaya akong ina sa kanya, hinayaan ko lang ang mga kagustuhan ni Yibo ang masusunod."

" Kahit anong sisihan ninyo diyan, hindi na natin maibabalik ang lahat, kaya tama na ang mga yan, hindi kayo pinapunta dito para sisihin ang mga sarili ninyo." Wika ni Mr. Xiao, na gising ito ng marinig niya ang ingay nila. Karga nito ang apo sa kanyang mga bisig na natutulog pa rin."Nandito kayo para kausapin si zhan. Alam natin na naririnig niya tayo, we need to wake him up. Wag natin hayaan na umalis si zhan sa ganyang ayus, na hindi man lang natin nakakausap." Wika  nito 

Napansin ni Yibo ang bata na karga-karga ni Mr. Xiao, nakita niya na kamukha niya ito noong bata pa siya. Pero maamo nga lang ang mukha nito, dahan dahan niyang nilapitan ang ama ni Zhan,at hinawakan ang bata.

unconditionallyWhere stories live. Discover now