Unconditionally 32
Matapos ang aksidenteng nangyari kay Yibo at ang pagkamatay ng kanyang anak at ni Mr.Xiao, he fell into coma for almost 3 months. Jiyang and Hao Xuan took care of everything, halos gumuho ang buong mundo ni Jiyang ng malaman niya ang nangyari sa bata. He can't blame Yibo for what happened, alam niyang hindi naman nito ginusto ang lahat, pero halus isumpa parin niya ito. Tinuring na niya kasi si Ayuan na para nitong tunay na anak, kaya masakit pa rin sa kanya ang pagkawala neto. Siya na lang sana ang naiwang alaala nila kay Zhan pero kinuha din pati ito.
" Hon! I want to see Yibo in the hospital, kukumustahin ko lang siya at si auntie, medyo matagal narin akong hindi naka dalaw" wika ni Hao Xuan
" Ganun ba? Sige, go ahead."
" Ayaw mong sumama?."
Jiyang turned around to face his husband, " do you want me to go with you?."
" Bakit di ba pwede?."
" Fine! Sige sasama ako baka magising nayun ngayon." Wika nito at naglakad na papunta sa kanilang silid upang magbihis. Napa iling na lang si Hao Xuan sa tinuran ng kanyang asawa, kahit ayaw nitong sabihin na may galit pa ito kay Yibo, pero halata naman sa mga kinikilos niya.
Sa loob ng ilang buwan Yibo woke up, from his deep slumber, he slowly opened his eyes, and a white ceiling greeted him. Nilibot nya ang kanyang paningin sa buong silid, and when he found a familiar person, he called her.
" Ma." Mahinang tawag ni Yibo sa kanyang ina ." Ma, nasaan ang anak ko at si Mr. Xiao." Wika niya, nagulat si Mrs. Wang sa kanyang narinig ng makita nyang gising na ang kanyang anak, dali dali nya itong nilapitan, "Yibo anak, jusko po buti at gising kana." Naiiyak nitong sabi
" Ma, si Ayuan at si Mr. Xiao, asan na sila ma? Kumusta sila tulungan mo naman akong makita sila," tanong ni Yibo na nag papanic
" Yibo anak, huminahun ka muna ah, tatawagin ko muna ang doctor" Mabilis na tinawag ni Mrs. Wang ang mga nurse at doctor ni Yibo.
Sinuri si Yibo ng kanyang doctor at tinatanong kung nakilala paba neto ang sarili. Ang pangalan nito, edad at san nakatira at ano ang huling naalala niya.
"Kumusta ang anak ko doc?." Nag alalang tanong nito sa doctor
" He is fine, wala naman siyang memory loss, pero we need to run some test just to make sure that he is okay," wika ng doctor
" Ganun ba sige doctor, kayo na po ang bahala."
" Ma kumusta na ang anak ko bakit di niyo pa ako sinasagot?" Na luluhang tanong ni Yibo sa kanyang ina
"Mrs. Wang akoy aalis na at titingan ko muna ang aking ibang pasyente" at sinamahan ni Mrs. Wang palabas ng room ang doctor.
"Doc pwede ko bang sabihin sa kanya ang nangyari sa anak niya?"
"I think its ok, dahil matagal rin bago siya gumising at nailibing narin sila"
"Cge doc maraming salamat"
Pagpasok niya gising parin si Yibo at parang hinihintay ang kanyang sagot sa mga katanungan neto. Umupo siya sa silya malapit sa kama ng kanyang anak, " Yibo anak" malumanay niyang sabi at hinawakan ang kamay ng kanyang anak "dahil sa disgrasyang nangyari sa inyo wala na ang iyong anak at si Mr.Xiao" naiiyak na balita ng kanyang ina sa kanya.
Napaiyak narin si Yibo sa nalaman niya "Mama that's not true, you're joking right?" Napailing na sabi niya.
Hindi makapaniwala si Yibo sa kanyang nalaman at umiiyak lang eto, sinisisi niya ang kanyang sarili at bakit nabuhay pa siya. Lumabas muna ang kanyang mama para tawagan ang kanyang pamilya at ibalita sa kanila na gumising na si Yibo. Matapos niyang makausap ang lolo nito ay bumalik na siya sa silid at nakitang nakatulog eto sa kakaiyak. After a while may kumatok sa kanilang kwarto at bumungad sa pintuan sina Hao Xuan at Jiyang.
YOU ARE READING
unconditionally
FanfictionStory description Marrying you is the last thing i will do in my life. Our first meeting was a cursed you ruined everything not just me but my relationship with emily,i wish you to vanished into my life Yibo said. Hindi ko titiisin ang lahat ng gin...