MISTRESS 3

7.5K 123 19
                                    

"I saw the linked video na kumalat sa social media. Pati banaman sa internet ibinabalandra mo yang kaland*an sa katawan mo?!" Napaiyak na naman ako. No! That's not me

"D-daddy, that's not me po... Si Elle po yun" Natahimik naman si daddy at tumingin kay Elle na ngayon ay kinakabahan at masama ang tingin sakin. Why Elle? Takot ka? Kasi totoo?

"Elle? Totoo ba ang sinasabi ng babaeng toh? Tell me. Don't lie Elle. Alam mo ko magalit" Napalunok naman si Elle at takot na tumingin. Nakatingin din si mom sa kanya...

"D-dad, nagpapaniwala ka ba sa babaeng iyan? You know naman na m*landi sya" Saad nya pa at pinagtanggol ang sarili nya

"Tell them the truth Elle, sabihin mo yung buong katotohanan. Buong buhay ko yung kasalanan mo inaako ko " Saad ko habang umiiyak... Nakaluhod ako ngayon at tinitingnan sya sa mata...

Umiwas naman sya ng tingin.

"Why can't you just accept the fact na ikaw yun?! Bakit ba pinagbibintangan mo ko Ella? You know what? You're so attention seeker tlaga!" Galit nyang saad at dinuro ako...

Nagulat ako nang bigla syang umiyak...

"M-mommy, Daddy, I swear, sya yun, not me... I don't do s*x with other guy" Umiiyak nyang saad...

"Honey, I think Elle's telling the truth, you know naman na di yan magagawa ng anak mo... That girl! Yan ang may kasalanan nito eh" Galit na sabi ni mommy at tiningnan ako ng masama... Why always me? Bakit ako na naman? I don't do anything?

"Mommy, sya yung babae na nasa video. Why can't you just accept the fact na sya yun? Na si Elle yun?" Nagulat ako nang bigla akong sampalin ni mommy...

"Wag na wag mong sabihan ng ganyan ang anak ko! You just a t*ash here! You don't have the rights para pagsabihan sya ng ganyan!" Galit nyang sabi at tiningnan ako ng masama...

"TUMIGIL NA KAYO!" Napatahimik kami dahil sa sigaw ni daddy... Hindi ko aakalaing magagawa nyang sumigaw. Tahimik na tao si daddy, kahit galit ay hindi nya magagawang sumigaw man lang. Kung galit sya sa iyo ay kakausapin ka nya ng masinsinan...

Ngayon ko lang sya nakitang sumigaw tlaga.

"Magsitigil kayo kung ayaw nyong palayasin ko kayong lahat sa pamamahay ko" Mahinahon ngunit alam kong alam kong giit nyang sabi... Napatahimik naman kami dahil sa sinabi nya... Maya maya pa ay nagsalita si mom

"Ang babaeng yan ang dapat palayasin dito" Saad nya at tiningnan ako ng matalim... Hindi ko alam at hindi ko maintindihan kung bakit sobrang galit si mommy sakin... Kumpara kay daddy, mas takot ako kay mommy, palagi syang galit sakin

"Mommy..." Magsasalita na sana ako nang biglang nagsalita si daddy...

"Ella. Para wala nang gulo. Akuin mo nalang ang video na kumalat" Para akong binuhusan ng tubig dahil sa sinabi ni dad... Why? Hindi ako yung may kasalanan...

"Pero daddy... Hindi ako yun... That's not me po.." Humihikbi kong saad... Nanatili namang tahimik si Elle at parang malalim ang iniisip...

"Yeah I know. Pero wala na tayong magagawa anak. All you need to do it para ma save ang company natin ay ang akuin ang kasalanan na yun at sabihin na hindi mo sinasadya ang nasa video na nandoon" Mas lalong nanikip ang dibdib ko dahil sa sinabi ni daddy... Bakit ko naman aakuin? Hindi ako yun...

"Bakit naman aakuin? Eh sya naman tlaga ang babaeng nasa video na iyon. M*kati!" Nangangalaiting sabi ni mommy sakin... Hindi naman ako makapaniwalang nakatingin sa kanya...

"Mommy naman..."

"Don't call me mommy, wala akong anak na m*landi! Wala akong anak na m*kati! At higit sa lahat, wala akong anak na walang k*enta!" Singhal nya sakin... Di ko naman maiwasang masaktan...

Sarili kong mommy sinasabihan ako ng ganun... Kahit nga ibang tao sasabihan akong basura... Wala na ba tlaga akong kwenta? Bakit ba kase ayaw nila sakin?

Inis na umalis is mommy at sumunod si daddy... Lumapit naman si Elle sakin at agad na nagsalita...

"Maybe you're now asking yourself kung bakit galit sila sayo... Siguro kase wala kang k*enta? Wala kang ambag? Or... You're just a trash lang tlga" Sabi nya...

"If I were you, lalayas ako sa bahay... O hindi kaya ay magpapakamatay ako" Dagdag pa nya... Yan pala ang iniisip nya sakin. Pwes! Hinding hindi ko gagawin yun sa sarili ko..
Never kong inisip na magpakamatay o saktan ang sarili ko

"And why would I do that? Hindi naman ako kagaya mo na sira*lo" Saad ko... She just glared at me...

"Well, let's see... Let's see kung saan hanggang kaya ng pride mo... I'm warning you Ella. Hindi lahat ng gusto mo nasusunod... I have mom and dad's favor... Ako ang pinapaburan" Nagmamalaki nyang saad sakin...

"Wala akong pakealam... Sayo na ang atensyon nina mom at dad... Saksak mo sa baga mo" Singhal ko sa kanya at kaagad na umalis...

Kinakabahan ako papasok sa university... I'm sure na sasalubong na naman sakin ang mga bully. Ano pa bang aasahan ko? Wala akong kakampi sa halos lahat ng estudyante dito... Sina Hera at Vince lang ang mga kaibigan ko rito...

Huminga muna ako ng malalim bago dahan dahang pumasok at yumuko... Ramdam kong tiningnan ako ng iba... Rinig ko ang bulung bulongan nila...

"I heard na nakipag s*x sya sa random guy... Yuck! Kadiri sya"
"Bakit ba di sya na eexpel?"
"Mayaman kase ang pamilya nila kaya ganun"
"Look at her! Hindi ba sya nahihiyang humarap dito?"

Marami pa akong mga panghuhusgang naririnig mula sa kapwa ko mag aaral... Halos lahat sila ay may ayaw sakin... Napatingin ako sa grupo ng mga nerds na tahimik lang sa gilid...

Nang madako ang tingin ko sa kanila ay kaagad silang umiwas ng tingin... Napangiti ako ng mapait... Gusto kong makipag kaibigan sa kanila pero hindi nila ako pinapansin... Alam ko rin kung bakit

Alam kong iniutusan at tinakot sila ni Elle at sinabing sasaktan sila pag nakipag kaibigan sakin...

Nagulat ako nang may isang malamig na bagay na bumuhos sa ulo ko... Nagtawanan ang lahat... Kita kong tuwang tuwa sila dahil nasaktan ako... Na nadumihan ang uniform ko... Pinipigilan kong wag maiyak...

Pero di ko kinaya... Bumagsak ang mga taksil kong luha at napayuko na lamang

"You know what guys? This twin of mine is a sl*t! A wh*re... Mak*ti" Malakas na sigaw ni Elle... Nandididri namang tiningnan ako ng mga estudyante...

"Have you seen the video na kumalat sa internet? Well, sya yun... Ang k*ti noh?" Mapang husga nyang saad sakin...

"Hindi ba ikaw yun? Ikaw yun Elle... Ikaw yun!" Hindi ko mapigilang sabihin iyon sa kanya

"So you're accusing me na ako ang babaeng nasa video? Ikaw yun Ella... Ikaw yun! Wag mong ipasa sakin ang kasalanan mo" Sigaw din nya sakin...

Sinampal ko sya sa magkabilaang pisngi... Hindi ako makapag timpi at sinabunutan ko na sya... Ramdam ko din na parang inaawat kami ng iba... Pero ang mas naramdaman ko ay ang mga sabunot sa buhok ko na hindi ko alam kung kanino galing...

Naitulak nila ako... Napaupo ako sa sahig ng hallway at nakita kong tinulungan nila si Elle... Nagkaroon ng pasa sa pisngi si Elle... May nakita akong kalmot mula sa kanya... Wasak na din ang naka braid nyang buhok...

Ramadam kong nagdurugo ang ilong ko... Galit akong nakatingin sa kanya... Hindi ko alintana ang mga sugat na nasa katawan ko... Oo alam kong mahapdi pero ipinag sawalang bahala ko iyon... Nakatingin lang ako sa kanya ng masama...

"Look what you've done b*tch! Nasugatan si Elle dahil sayo" Galit na sabi ni Angelica... She's the class president of Section D

Hindi ko sya pinansin...

"Eh ako ba? Tiningnan nyo man lang ba kung masugatan o hindi... May sugat din ako at  yang impaktsng yan ang may kasslanan..." Galit kong saad at nakipagsukatan ng tingin kay Elle na ngayon ay masama ring nakatingin sakin...

"What's happening here?" Kaagad akong napalingon sa baritonong boses na narinig ko.

D-Drix?

My Twin Sister is my Husband's MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon