MISTRESS 22

7.5K 129 4
                                    

"Drix, what if magbonding tayo together with Divina! I hope it will be fun!" Masayang saad ni Elle kay Drix na ngayon ay walang emosyong nakikipaglaro sa anak nila. Hindi man lang sya tinapunan ng tingin nito at hinayaan lang na magsalita...

"Drix? Are you listening? Kanina pa ko nagsasalita dito... Back to earth. Ano bang iniisip mo?" Tanong nya sa asawa nya. Bigla namang napatingin si Drix sa kanya at nagsalita

"I'm wondering if Divina is my real daughter... Hindi kami magkahawig" Puna nya sa bata. Bigla namang kinabahan si Elle dahil sa sinabi ni Drix. 'Goshh! Who told him that?' naiusal nya sa sarili nya... Pinagpapawisan na din sya

"O-oo naman, Divina is our daughter love..."

"Don't call me that way Elle. That's not our endearment" Suway ni Drix sa kanya... Natahimik nman sya at umiwas ng tingin.

"O-ohh! I forgot, I'm sorry babe" Pilit nyang pinasigla ang boses nya at hinalikan nlang si Drix sa pisngi at yumakap dito.

Bigla namang gumalaw si Drix at kaagad na hinablot ang braso nyang nilingkisan ni Elle. Ang kaninang masayang mukha ni Elle ay napalitan ng inis pero di nya lang pinakita.

"Wag mo na kong antayin mamaya. Sa restaurant nlang ako kakain" Walang ganang saad ni Drix sa kanya. Napahinga nman sya ng malalim... Bigla nmang nagsalita si Drix

"Elle, do you have any twin sister except Ella?" Napatigil si Elle nang biglang magtanong sa kanya si Drix

"N-no, why?" Di nya maiwasan magtanong dahil tila kinakabahan sya...

"I just found out something, yesterday, when I was in the cemetery to visit Ella's grave, nakita ko yung babaeng... Kamukha nya" Natahimik nman si Elle at hindi makapagaalita dahil sa gulat. Naalala nyang naka encounter din nya yung babaeng yun pero ipinagsawalang bahala nya nlang...

At kahapon, nang magkita sila ni Carl ay sinabi din nitong may nakita syang kamukha ni Ella at Elle. Napatikhim sya at agad na kampanteng nagsalita

"Hayaan mo na yun babe, well, sabi nga nila di ba? Marami tayong kamukha sa mundo" Saad nya at pilit na ngumiti pero hindi ngumiti si Drix at lumalim ang iniisip...

"I hired her at my office" natigilan naman si Elke dahil sa sinabi ni Drix at pilit na ikinalama ang sarili. Panu na sya kapag napunta ang atensyon ni Deix sa babaeng yun? Panu na ang anak nya? Pag nagkataon, alam nyang aagawin ng babaeng yun ang lahat sa kanya...

"What?! Hibang ka ba Zandrix?! Anong gagawin mo sa babaeng yun?! Gagawin mo syang kabet mo?! Zandrix tell me! Am I not enough?!" Hindi nya maiwasang mapasigaw na ikinakunot ng noo no Drix.

"What are you talking about Elle? I just hired her, is there anything wrong with that?" Kalmado at walang emosyon na tanong sa kanya ni Drix. Tumawa naman sya ng sarkastiko at nagsalita ulit.

"Yes! Because I know, gagawin mo syang babae mo!" Tila praning nyang sabi. Napahilot naman ng sentido si Drix dahil sa pinagsasasabi ni Elle.

"Please Elle, stop hallucinating okay? How can I make her as my mistress eh di nga ako kilala nun! Just please Elle, mag isip ka naman! Use your brain!" Galit na saad ni Drix sa kanya. Napahinga naman sya ng malalim bago nagsalita...

"I-i'm sorry, akala ko kase iiwan mo na ko... I thought hindi mo na kami mahal ni Divina" Kunwaring naiiyak nyang saad.

"Elle, just please wag ngayon. I have to go" Saad nito at kaagad na tumalikod sa kanya. Agad nya namang hinawakan ang laylayan ng damit ni Drix na nakapagpatigil sa paglalakad nito

"What?" Halatang naiirita ito sa kanya pero sinubukan nyang ngumiti mula dito

"J-just please, don't come near her... Don't hire her Drix please..." Puno ng pagmamakaawa nyang saad. Taka naman syang tiningnan ni Drix.

"I promise Elle, hindi ako gagawa ng ikakasira ng relasyon natin hmm? Don't worry" Saad ni Drix at hinalikan sya sa noo bagay na ikinangiti nya. Agad na umalis si Drix at napangisi naman sya ng palihim

"Sabi ko naman sayo Ella, mabuhay ka man ng maraming beses, sa akin pa din si Drix. I know ikaw ang babaeng nakita nya. And I won't let mommy know this. Sana di ka nlang bumalik" Saad pa nya at kaagad na lumasok sa loob ng bahay...

Napahinga naman ng malalim si Drix. Dahan dahan nyang nilingon ang nakasaradong pintuan ng bahay nila.

"I'm sorry Elle, I need to hire her, I know Ella will be back, and sorry to say, sya ang pakakasalan ko ulit" Bulong nya at napatango tango tsaka nagpatuloy umalis.

"Mary, pinapatawag ka ng mother superior, punta ka raw sa office nya" Biglang saad ni Leni kaya napatigil sya sa pagwawalis. Agad naman syang napatango at napangiti dahil sa sinabi ng kaibigan

"Sige, susunod ako" Bilin nya at tinapos lahat ng ginawa nya... Agad naman syang pumunta sa ikatlong palapag ng kumbento at kaagad na kumatok sapintuan ng opisina ng mother superior. Ngumiti sya rito at kaagad na pumasok

"Pinatawag nyo raw ho ako?" Magalang nyang saad at tsaka ngumiti rito. Ngumiti ng mapait ang mother superior bago pinaupo sya

"Umupo ka muna iha... May itatanong lang ako sayo..." Saad nito at hindi pa din maialis ang tingin sa kanya... Naupo naman sya sa katapat nitong upuan at tsaka huminga ng malalim

"Ano ho iyon?" Tanong nya dito

"K-kamusta ka na?" Pansin ni Mary na parang naiiyak ang matandang madre... Ngumiti naman sya bago nagsalita

"Ayos naman ho ako mother... Kayo ho kamusta?" Tuluyan nang napaiyak ang madre dahil sa pangungumusta nya. Biglang naalala ng matandang madre si Ella na palagi syang binabati at palagi syang kinakamusta tuwing bumibisita sa kumbento

"H-hindi mo ba tlaga ako naaalala ha? Ella?" Napakunot ang noo ni Mary dahil sa itinawag nito sa kanya ng madre. Nang mabanggit ang pangalang iyon ay kaagad na kumirot ang dibdib nya at parang maiiyak sya dahil sa narinig nya ang pangalang iyon...

"S-sino po si Ella?" Kahit hindi nya alam kung bakit nasasaktan sya kapag naririnig nya ang pangalang yun ay pinili nya pa ding magtanong. Umiiyak naman ng patuloy ang madre dahil hindi nya pa din nya tanggap na hindi sya maalala ni Ella

Maya maya pa ay may kumatok sa pintuan ng opisina nito.

"P-pasok..." Garalgal na saad ng madre. Bigla namang pumasok ang isang lalaki. Ngumiti ito kay mother superior. Napatingin si Mary sa lalaki at hindi nya alam kung bakit pakiramdam nya ay matagal na nya itong kilala...

Hindi pa sya nito nakita... Biglang may pangalang sumagi sa isipan nyana hindi nya alam kung bakit nya nasasabi yun

Unti unting liningon sya ng lalaki at gulat itong nakatingin sa kanya... Nakikita ni Nary sa mga mata nito ang sakit at pangungulila. Hindi nya din maintindihan ang sarili kung bakit pakiramdam nya ay matagal nya na itong nakasama sa buong buhay nya...

Hanggang sa unti unti na nyang naalala ang lahat ng koneksyon nya sa lalaking iyon. Unti unti na nyang naalala ang lahat ng pinagsamahan nila ng lalaking yun. Si Vince, ang matalik nyang kaibigan

"E-ella?..."

"V-vince?..." Puno ng luha ang mga mata nya habang unti unti nyang naalala lahat ng kanilang nakaraan na apat nang taon nyang nakalimutan

My Twin Sister is my Husband's MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon