NASA kwarto ako ngayon nakatingin sa labas... Pilit ko pa ding pinapakalma ang sarili ko dahil sa naging tagpo kanina... Nag aalala ako. What if ipaatras or ipatigil nila ang planong pagpapakasal namin ni Drix?
What if... Natigil ako sa pag ooverthink nang biglang may kumatok sa kwarto ko, kaagad ko itong binuksan at nagulat ako nang biglang isang malutong na sampal ang natanggap ko... Napakagat ako sa labi ko
Nang tingnan ko ito ay mukha ni mommy andg agad na bumungad sakin... Mukha ni mommy na galit na galit ang nakasalubong ko...
Napaigik ako sa sakit nang bigla nyang hilain ang buhok ko at kaagad akong kinaladkad papasok sa kwarto ko... Inis nya ding binitawan ang buhok ko
"Pabida ka talaga" Naiirita nyang sabi sakin. Nanatili naman akong tahimik at hinihintay ang sunod nyang gagawin at sasabihin sakin
"Alam mo bang nang dahil sayo ay muntikan nang magpakamatay si Elle" Napatingin ako sa kanya at nanlaki ang mga mata ko... Nakaramdam ako ng konsensya... Kahit naman palagi akong inaaway ni Elle ay mahal ko pa din naman sya...
"N-nasaan po sya..."
"Don't act like you're concerned... I know na gusto mong mawala ang kapatid mo... Nanalo ka lang ngayon Ella, you'll win at first. Pero kay Elle pa din ang huling halakhak... You're just a piece of tr*sh here! Sana natuluyan ka nalang nang sakalin ka ni Drix!" Singhal nya sakin
Yumuko nlang ako at kinagat ang pang ibabang labi ko... Pinipigilan kong huwag sumbatan si mommy. Pinipigilan kong ilabas ang mga galit ko na dapat noon pa lang ay dapat inilabas ko na...
Nabalik ako sa tamang wisyo nang biglang sampalin ng mahina ni mommy ang pisngi ko... Napatingin ako sa kanya...
"Once na kinakausap kita, harapin mo ko... Tingnan mo ko!" Giit nyang sabi sakin...
"Bukas na bukas din... Aalis ka, pupunta ka ng states" Awtomatiko akong napatingin kay mommy dahil sa sinabi nya sakin... No! Ayoko!
"Gusto mo namang magkaayos tayo di ba? So, dapat mong sundin ang iuutos ko" Saad nya... Tumingin naman ako sa kanya kung totoo ba ang sinasabi nya and confirmed... Totoo nga...
"A-ano po iyon?" Tanong ko sa kanya... Naglakad sya papunta sa kama ko at naupo dito
"Ibigay mo si Drix kay Elle... Yan ang dapat mong gawin kung gusto mong magkaayos tayo" Malamig nyang saad...
"M-mom..."
"I'm serious about this case Ella... Kapakanan ng kapatid mo ang inaalala ko rito" Bigla namang kumirot ang dibdib ko dahil sa sinabi nya... She only cares for Elle and baliwala lang sa kanya ang nararamdaman ko
"P-paano naman po ako? Paano po kapag binigay ko si Drix kay Elle? A-anong mangyayari sakin?" Tanong ko sa kanya...
"Magkakaayos tayo ano pa ba? Yun naman yung gusto mo di ba? Pipilitin kong pakisamahan ka at di sasaktan kapag ibinigay mo si Drix sa kapatid mo" Napahinga naman ako ng malalim
"P-pag iisipan ko pa po" Mahina kong saad... Si Drix ang nakasalalay dito... Ayaoko syang bitawan pero kinailangan dahil si mommy, gusto kong makasundo sya...
"Pag isipan mong mabuti... Baka mag sisi ka. I don't accept no answer... Tandaan mo yan" Mahina nyang saad kaya napatango ako...
Nang umalis sya ay kaagad ako napahinga ng malalim at dahan dahang napaupo sa aking kama... Dapat ko na sigurong ibigay nalang si Drix kay Elle... Ayoko na ng gulo
"What?! Ikakasal ka kay Drix?! OMG!!" Malakas na sigaw ni Hera... Napatigil naman sa pagkain si Vince at tiningnan ako... Nang makitang nakatingin sya sakin ay nginitian ko sya...
BINABASA MO ANG
My Twin Sister is my Husband's Mistress
RomanceWala akong ibang ginawa kundi mahalin sya. Tinanggap ko lahat ng masakit na pagtrato sakin ng pamilya ko at niya. Pero bakit sa lahat ng titirahin nya. Kami pang dalawa! Ang kakambal ko pa! ***Book cover by: Ms. Keilyn Wp