"Sign this paper" Nanginginig kong hinawakan ang papel na binigay sakin ni daddy. Pinatawag nya ko ngayon dahil hindi na nya kayang wag maituloy ang kasalan sa pagitan namin ni Drix
Nababahala din ako dahil baka malaman to ni Elle and mommy. Baka malaman nila toh at baka magalit sila sakin. Kinakabahan kong tiningnan si Daddy. Seryoso ang mukha nya at kalmado nya akong tiningnan.
"Sign that paper Ella. Kailangan na yan" Mahinahon nyang saad sakin. Nagdadalawang isip ako. Hindi ko alam kung anong kahahantungan nito. Iniisip ko si mommy at ang alok nya sakin na magkakaayos kami kapag sinunod ko sya at ibinigay ko si Drix kay Elle.
Napahinga ako ng malalim.
"I know nagdadalawang isip ka. Narinig ko ang pinagkasunduan nyo ng mommy mo nung isang gabi. Please anak. I know na hanggang ngayon ay umaasa ka pa din na magkakasundo at mamahalin ka ng mommy mo. All of your life sinusunod mo sya. Just please, sarili mo na muna ang isipin mo sa ngayon" Malakas ang kabog ng dibdib ko habang sinasabi iyon ni daddy sakin. Oo at, umaasa pa din ako na sana ay mahalin ako ni mommy, na sana ay makita nya ang halaga ko.
Tama si daddy, I should choose my happiness, kailangan kong piliin muna ang sarili kong kaligayahan. Ito ang pinapangarap ko at nandito na. Kung ano man ang magiging kahihinatnan ng magiging desisyon ko ay tatanggapin ko.
Dahan dahan kong pinirmahan ang marriage contract na binigay ni daddy sakin. Pero napatigil ako nang makita ang isang pangalan na wala pang pirma. Iyon ay ang pangalan ni Drix at ang pangalan ni mommy.
Kinakabahan ako dahil baka hindi ito pirmahan ni mommy, kinakabahan ako sa katotohanang baka pati si Drix ay umatras. Napahinga ako ng malalim. Sa huli ay wala akong nagawa, ibinigay ko kay daddy ang papel at nginitian sya ng may kasiguraduhan.
Tulala ako sa kawalan habang tinitingnan ang labas ng bahay namin. Wala si Elle ngayon, si mommy nagpapahinga at si daddy at nasa office.
Habang abala ako sa pagmuni muni sa labas ay biglang may nabasag sa may sala namin. Awtomatikong siniklaban ako kaagad ng kaba at takot dahil sa aking narinig. Pagtingin ko sa baba ay nakita ko si Elle. Nagbabasag ng gamit namin at umiiyak.
Kinakabahan ako at baka tungkol ito sa marriage contract na nakita nya. Kinakabahan din ako dahil baka nakita nyang pumirma ako.
"Anak kumalma ka!" Tarantang saad ni mommy at ramdam kong nilapitan nya si Elle.
"That girl! That girl mommy! She signed the marriage contract! I hate her ahhhh!" Sigaw nya at may narinig na naman akong nabasag. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko at hindi ko alam kung kinakabahan ba ako dahil sa pagdadabog nya o dahil sa alam kong anumang oras ay susugurin nya ko.
"What happened? Elle magsalita ka. Tell me!" Malakas na saad ni mommy. Kinakabahan kong isinara ang pintuan ng kwarto ko at nilock iyon. Umupo ako sa kama at dahan dahang kinuha ang isang libro at pinilit ang sarili kong magbasa nalang
Maya maya pa ay isang kalabog ang aking narinig. Pilit na pinupukpok ni Elle ang pintuan ng kwarto ko at umiiyak na nagwawala sya.
"ELLA! LUMABAS KA DYAN! GET OUT! HARAPIN MO KO! ANONG KARAPATAN MONG PUMIRMA?! DI BA SABI KO SAYO WAG NA WAG KANG PIPIRMA DAHIL AKIN SI DRIX?! OPEN THIS GODDAMN DOOR!" Napatakip ako ng tenga dahil sa sigaw ni Elle. Kinakabahan ako sa kung ano ang maaari nyang gawin.
"Ella? Ella? Ella? Open this door at kausapin mo ang kapatid mo" Rinig kong katok ni mommy sa pintuan ko. Hindi p din ako lumabas dahil nandito pa din yung kaba sa dibdib ko.
Hanggang sa naramdaman ko nalang na parang may pumukpok sa doorknob ng kwarto ko. Kung hindi ako nagkakamali ay isa yung martilyo.
Nagulat ako nang mabukasan nya yun. Masama nya kong tiningnan na may halong mga luha sa mga mata at galit na galit akong sinugod.
BINABASA MO ANG
My Twin Sister is my Husband's Mistress
RomanceWala akong ibang ginawa kundi mahalin sya. Tinanggap ko lahat ng masakit na pagtrato sakin ng pamilya ko at niya. Pero bakit sa lahat ng titirahin nya. Kami pang dalawa! Ang kakambal ko pa! ***Book cover by: Ms. Keilyn Wp