MISTRESS 7

6.1K 100 27
                                    

"A-ano po ang itatanong nyo po tita?" Napalunok ako habang sinasabi ang katagaong iyon dahil hindi tulad kahapon ay nakangiti sya sakin. Ngayon kase ay normal lang ang mukha nya at hindi naman malamig.

"Tell me the truth. Totoo ba ang binintang sayo ng mommy mo?" Napayuko ako at pinaglaruan ang daliri ko. Hindi ko alam kung bakit nya naitanong iyon. Dahil una sa lahat ay hindi ko naman alam na napatay ko ang kapatid ko nung mga bata pa kami.

"I think..." Nag alinlangan akong sagutin sya. Napakunot ang noo nya dahil binitin ko ang pagsasalita.

"You think what?" Tanong nya sakin.
"Actually, I didn't know nga din po tita eh. Hindi ko nga alam na napatay ko po yung kapatid ko. Wala po akong maalala na nangyari yun at nagawa ko yun. Pero sabi sakin ni mommy ay n-napatay ko daw po ang kapatid ko" Saad ko at napayuko pa ako lalo

"So? Nagsisinungaling pala ang mommy mo" Napaangat ang tingin ko dahil sa sinabi nya. May sinasabi ba si mommy?

"Nag usap kami kagabi. Binabagabag ako ng totoong nangyari sa kapatid mo kaya naisipan kong makipag usap ng personal sa kanya nang kami lang dalawa" Saad nya.

"And she said. You killed your sister 13 years ago. And she said na sinadya mo raw yun" Wla akong maisip na ganung senaryo.

"Sa totoo lang po, wala akong maalala na nagawa ko yun. Bata pa ko nun at di ko alam na nagawa ko po iyon, masakit sakin oo. Dahil sa nagawa ko yun ay lumayo ang loob sakin ng mga parents ko. Ayaw sakin ng kapatid ko. Kinamuhian ako ni mommy, at higit sa lahat, gusto nila akong mawala, minsan nga inisip ko. What if di ko napatay yung kakambal ko? Siguro mahal ako ng mommy ko. Siguro may kapatid ako na poprotekta sakin. At magkakaroon siguro ako ng masayang pamilya" Hindi ko mapigilang yumuko at umiyak.

Alam ko sa sarili ko na hindi ko sinasadya ang lahat. Naiintindihan ko naman kung bakit galit sakin si mommy. Nawalan sya ng anak at labis syang nasaktan dahil doon.

Nabalik ako sa ulirat nang biglang hinawakan ni tita ang kamay ko at ngumiti ng marahan sakin.

"You don't need to explain Ella, I know di mo sinasadya ang lahat ng yun. I know nilamon lang ng galit ang mommy mo" Mahina nyang saad. Natahimik ako dahil sa sinabi nya at hindi na muling nagsalita pa.

Nag usap pa kami tungkol sa mga bagay bagay. Nalaman ko din na hindi nya iaatras ang kasalan sa pagitan namin ni Drix. She said alos na kung maaari ay pakisamahan ko si Drix para di kami mag away at para walang gulong mangyari.

"Is it really true na naging kayo ni Drix iha?" Natahimik ako sa sinabi nya at alinlangang ngumiti. Hindi ko naman masabi sabi sa kanya na halos naging kami ni Drix ng tatlong taon.

She smiled at me.

"Kaya naman pala, ikaw pala yung babaeng ikinukwento sakin ni Drix lagi. He said na mahal na mahal ka raw nya. He keeps secret about that mystery girl na sisnasabi nya sakin and malalaman ko daw soon. Pero di ko alam kung bakit biglang nawala iyon. Naging malamig na sya at di na masyado g nakiki pag interact sa tao. Even with us. Until one day,ay dinala syang babae. Si Elle" Napayuko ako dahil sa sinabi nya. Pinigilan kong wag umiyak dahil sa narinig ko.

"Nag dududa pa din ako. Kase sabi nya, si Elle daw yung lagi nyang kinukwento sakin noon na babaeng mahal nya. Si Elle daw ang dahilan kung bakit sya ngumingiti noon. Kaya lang, feeling ko parang taliwas yun sa sinasabi ng anak ko. Sa t'wing magkasama sila ni Elle. Alinlangan lang sya kung ngumiti. Hindi din palakibo. Parang may malalim syang iniisip na hindi ko mabasa kung ano iyon. And besides, hindi ako naniniwalang si Elle ang laging tinutukoy nya sakin noon. Sabi nya, tahimik ang babaeng yun pero hindi naman tahimik na tao si Elle. Palasalita ang kakambal mo " Mahabang lintanya nya.

My Twin Sister is my Husband's MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon