"Hindi pumayag si Drix na umurong ka sa kasal" Napatigil ako sa pagkain ko nang biglang nagsalita si daddy... What?
Naguguluhan ko syang tiningnan at hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Napalunok pa ako. Nakita nya siguro na mukhang naguguluhan ako at parang nagtatanong.
"I don't know kung bakit di sya pumayag, basta ang sabi nya sakin ay ayaw nyang maurong ang kasal" Napahinga ako nang malalim dahil sa sinabi nya. What should I do now?
Pagkatapos kong nabalitaang hindi umurong si Drix sa kasal ay tumawag si tita at sinabi nyang pumunta kami sa bahay nila para doon mag dinner. Naalala ko ang nangyari, muntikan na akong patayin ni Elle dahil lang doon.
Makalipas lang ang 30 minuto ay nakaabot na kami sa bahay nila. Naramdaman ko din ang medyo panlalamig ng palad ko at di ko alam kung bakit kinakabahan ako na ewan.
Nang makalabas sa sasakyan ay sinalhbong kami ni tita na may ngiti sa labi. Yumuko lang ako para di ko makita ang mukha nya dahil hanggang ngayon ay di ko alam kung bakit nahihiya pa din ako sa kanya.
"Hi iha. How are you?" Napaangat ako ng tingin at alinlangang ngumiti sa kanya.
"O-okay lang po ako tita" Yumuko ako ulit dahil nahihiya akong tumingin sa kanya. Inangat nya ang mukha ko at matamis akong nginitian.
"Don't be shy at me. Hindi naman ako galit sayo or what. Actually, kanina pa ko nag aalala sayo" Mahinhin nyang saad sakin. How I wish she was my mommy. Sana kaugali nya si mommy pero hindi eh. Mag kaiba sila at kahit anong gawin ko, hindi sya magiging si mommy
"Are you alright?" Natauhan ako dahil sa tanong nya at ngumiti nalang.
"Wala po tita" Ngiti kong saad sa kanya, she just smiled at me"By the way, we cooked some of your favorite foods iha. Come here. Since naposponed kagabi ang dinner natin. We will do it nlang tonight" Ngiti nya sakin. I just nod.
Naupo naman kami at nagsimula silang magkwentuhan. I still keep quiet dahil wala naman akong sasabihin and besides it's allabout businesses.
"Are you fine now iha? I heard na sinaktan ka raw ni Elle?" Napatingin ako kay tito Dixon nang magsalita sya.
"Really? Elle hurt you? How cruel that twin of yours" Nanghihinayang na sabi ni tita. Hindi naman ata yun sinasadya ni Elle. Baka nilamon lang sya ng galit nya kaya naganun sya sakin.
"H-hindi nya naman po ata yun sinasadya ng kapatid ko. Siguro nilamon lang sya ng galit nya" Kibit balikat kong saad sa kanila. They just look at me and nakikita kong naaawa sila. Napahinga naman ng malalim si daddy at umiwas ng tingin.
"Hindi lang basta sinadya yun. Hindi ako bulag Ella para hindi makita na everytime galit si Elle ikawang sinasaktan nya" Mahina nyang sabi at tumingin sakin. Napayuko nman ako.
"I think hindi din naman sinadya ni Ella ang nangyari sa anak nyong si Elaiza di ba?" Biglang tanong ni tito.
"Yeah, and about that, I don't really know kung sino ang pumatay sa anak ko. Basta naabutan ko nlang nun isang gabi. Wala na ang panganay ko" Ramdam ko ang garalgal ng boses ni daddy.
"I don't have a specific evidence. Dahil na rin siguro sa galit ko, pati sya nasisi at nadamay namin ng mommy nya. Si Elena ang ang nasa bahay noon together with Elle nang nangyari ang incidenting yun" Dagdag pa nya.
"I hope na sana matapos at mahanap nyo na ang hustisya para sa anak nyo. And I hope everything goes well. Naaawa na din ako kay Ella, she's very kind to be hated. At first, alam ko na tlaga na may favoritism si Elena. Sa kilos at trato nya sa dalawang bata, I really know na she treated Elle well than Ella" Napalunok ako ng laway ko.
BINABASA MO ANG
My Twin Sister is my Husband's Mistress
RomanceWala akong ibang ginawa kundi mahalin sya. Tinanggap ko lahat ng masakit na pagtrato sakin ng pamilya ko at niya. Pero bakit sa lahat ng titirahin nya. Kami pang dalawa! Ang kakambal ko pa! ***Book cover by: Ms. Keilyn Wp