"I-i'm pregnant" Nanginginig kong saad. He looked at me blankly na parang isang walang kwentang nilalang. Sumandal sya sa may pader ng balkonahe at tsaka walang emosyon akong tiningnan.
"So? Congrats" Maikli nyang saad at tumalikod sakin. Napahinga ako nang malalim tsaka nagsalita ulit.
"You're the father Drix..." Dahan dahan syang napalingon sakin dahil sa sinabi ko. Binasa nya ang labi nya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.
"Really? Ako bang pinagloloko mo? Kelan pa ba may nangyari satin?" Mahinahon pero sarkastiko kong saad. Napakagat ako ng labi ko tsaka tiningnan sya sa mata.
"D-drix, I'm telling you the truth, you're the father of this child... S-sana naman tanggapin mo kahit yung anak lang natin" Mahina kong saad at medyo naluluha na.
"Ginagaya mo ba si Elle? Do you think maniniwala ako sayo? Tsk! Wala akong maalalang ginalaw kita Ella, wala" Diin nyang saad.
"Baka kay Vince ang batang yan, tapos nung iniwan ka at di pinanagutan, ibinigay sakin... Tsk! Masyado mo nmang kinareer ang pagiging asawa mo, to the point na pati anak ng iba ibinibigay mo sakin ang responsibilidad" Napayuko ako at naikuyom ang kamao ko.
"L-lasing ka nung may nangyari satin Drix... Lasing ka nun, sabi mo pa nga, na mahal mo ko. Naalala mo ba yung endearment natin noon na 'love'? Yung yung tinawag mo sakin tapos hinalikan mo ko tas may nangyati satin---
"Enough Ella!" Natahimik ako dahil sa pagsigaw nya. Nanlabo ang mata ko dahil sa luha na nasa mga mata ko.
"Pwede ba?! Just please! Accept the fact na hindi kita mamahalin! Si Elle ang mahal ko si Elle lang okay? And just please, itigil mo na yang kahibangan mo. Wala akong anak sayo at never akong magkakaanak sayo!" Napapikit ako at hindi ko maramdaman ang sarili ko.
Maya maya pa ay nagsalita si Elle. Hindi ko alam na nakikinig sya kanina pa samin.
"I told yah babe... May planong paikutin ka ng babaeng toh! Tsk! Really? You're pregnant? Kaninong lalaki ka ba nagpakamang madumi ka? I guess, kung sino sino lang yang gumagamit ng katawan mo" Ngisi ni Elle sakin.
Nanatili akong tahimik at nagtimpi dahil alam kong buntis sya at ako ang magiging masama pag pinatulan ko pa sya.
"Pwede ba Elle, hayaan mo muna kami. Nag uusap kami ng asawa ko!" Sagot ko sa kanya, sarkastiko nman syang tumawa.
"Asawa? Ikaw? Asawa ka ni Drix? Bakit nasa akin sya ngayon? Bakit kami yung magkatabi? Bakit may anak kami kung ikaw yung asawa? Can you just please accept the fact Ella na ikaw ang kabet dito" Naikuyom ko ang kamao ko
"Ako ang asawa nya Elle! Ako ang nauna! Bakit ba hindi mo matanggap sa sarili mo na ako yung mahal nya?!" Natawa silang dalawa at iiling iling na nakatingin sakin.
"You're just a wife of paper b*tch! Bakit ba nagbulag bulagan ka pa din?" Tuluyan nang lumabas ang luha ko at natagpuan ko ang sariling sinampal sya ng pagkalakas lakas.
Natabingi sya. Pero agad rin akong natabingi nang isang malutong na sampal ang ibinigay ni Drix sakin.
"How dare you to hurt my girl?!" Malakas nitong sigaw sakin. Napaluha nman ako sa sakit. Napapikit ako sa hapdi ng pisngi ko.
"Babe? Are you alright?" Nag aalala nyang tanong kay Elle. Peke nman itong umiyak at kunwaring nasasaktan.
Humawak oa ito sa tyan nya at kunwaring nasasaktan.
"Babe... Paalisin mo na yang babaeng yan dito! Baka kung anong mangyari sa baby natin. Baka mapano pa ko. Baka saktan nya ko babe" Pakiusap nya kay Drix.
"Don't worry babe... Palalayasin ko ang babaeng yan. I swear okay, pahinga ka muna" Saad ni Drix at inalalayan sya paalis doon at pinu ta sa kwarto nila.
BINABASA MO ANG
My Twin Sister is my Husband's Mistress
RomanceWala akong ibang ginawa kundi mahalin sya. Tinanggap ko lahat ng masakit na pagtrato sakin ng pamilya ko at niya. Pero bakit sa lahat ng titirahin nya. Kami pang dalawa! Ang kakambal ko pa! ***Book cover by: Ms. Keilyn Wp