Ngumiti ng maluwag si Ella nang inanunsyo na sya at ang iba pa nilang kasamahan ay ganap na madre na. Napatakip pa sya sa bibig dahil sa saya. Pero deep inside. Nasasaktan sya...
Pagkatapos ng pagbibinyag sa kanya bilang isang madre, agad na nagsihanda ang lahat upang maiwelcome ang mga bagong madre na maninilbihan sa loob ng kumbento... Masayang tinahak ni Ella ang pasilyo habang kasabay nya si Leni na ngayon ay isang ganap na madre rin. Mas lubos syang nagpapasalamat sa tumulong sa kanya na si Mother superior...
Nag makalabas sya sa may bulwagan ng kumbento, doon nya nakita ang mga mahal nya sa buhay. Nakangiti ito sa kanya habang masayang tiningnan sya... Walang makalamang sa malawak na ngiti ni Ella... Unti unti nyang nilapitan ang mga magulang at ang mga naging kaibigan na naging parte ng kanyang buhay
"Mommy Daddy! Elle!" Nakangiti nyang sigaw at agad na yumakap sa kanyang pamilya... Hindi nya naman mapigilang maging emosyonal dahil sa kauna unahang pagkakataon, kahit konting panahon, ay naransan nyang magkaroon ng maganda at masayang pamilya...
"Anak! Congratulations! Proud na proud si mommy sayo! Ang ganda mo nak!" Puri ng mommy nya habang hinahawakan ang kanyang suot na pang madre... Mas lalo namang lumawak ang ngiti nya nang magsalita ang daddy nya
"Oo ng anak! Sabi ko sa inyo eh! Manang mana sakina ng anak ko! Ang ganda! Congrats nak! Sa wakas! Natupad na rin ang pangarap mong toh" Maluha luhang saad ng ama nya...
"Mommy, Daddy, hindi ko po to maaabot kung hindi nyo ko pinagbigayan, maraming maraming salamat po sa lahat! Wala ako dito kung wala po kayo!" Masaya nyang sagot...
"Ella... Congratulations!" Napalingon sya sa nagsalita. Si Elle. Ang kakambal nya... Ngumit sya ng malawak at nigakap ng mahigpit ang kapatid...
"Salamat din Elle..." Hinugot nya galing sa puso ang pagpapasalamat sa kapatid. Konting panahon lang ang naging pagkakataon nila, pero alam ni Ella na panghabang buhay na yung tatatak sa kanya
"You're always welcome! Ano ka ba?!" Natatawang saad ng kapatid at pinahiran ang luhang tumulo sa mga mata nya...
"I'm so happy for you Ella... Sayang lang, I thought magkakapamangkin pa ko but I'm wrong, kase hindi ka naman pala mag aasawa" Napahinga sya ng malalim nang maalala at pumasok sa isipan nya si Drix... Ngumiti sya sa kapatid at nagsalita...
"Oo... Hindi ako mag aasawa, kase, alam ko at tanggap ko na ipinanganak lang ako sa mundong toh para magsilbi at ikasal sa diyos..." Nakangiti nyang saad
"Ganyan mo ba kaidolo ang tita mo at ginaya mo sya? Pareho kayong tatandang dalaga" Kahit masakit ay pinilit na magsalita ni Herald.... Una palang ay ayaw nya na tlagang magmadre si Ella dahil naaalala nya ang babaeng mahal nya na iniwan sya...
"Hi Ella! OMG! Congratulations!" Napangiti sya nang batiin sya ni Hera... Nasa tabi nito si Vince na malawak din ang ngiti...
"Thank you Hera! Thank you sa inyo dahil hindi nyo ko kinalimutan" Buong puso nyang sambit sa mga nakangiting kaibigan
"Ano ka ba! Syempre magkakaibigan tayong tatlo..." Nakangiting ani ni Hera
"Ella... Congratulations! I know, marami ka pang pagdadaanan sa journey na pinasok mo... But still, me and Hera will always be there for you, no matter what" Nakangiting saad ni Vince... Malinaw na sa kanya na hindi kayang suklian ni Ella ang pag ibig nys dito... Oo, sabihin na nating, torpe sya pero para sa kanya... Ang hindi pag amin ay isang katatagan, kahit di man alam ni Ella na sekreto nya itong minamahal mula sa malayo, palagi nyang ilalagay sa puso nya ang salitang, si Ella lang, at wala nang iba, ipinapangako din nya na kung makatagpo din sya ng babaeng mamahalin nya, mananatiling nakauna at may puwang pa din si Ella sa puso nya...
BINABASA MO ANG
My Twin Sister is my Husband's Mistress
RomanceWala akong ibang ginawa kundi mahalin sya. Tinanggap ko lahat ng masakit na pagtrato sakin ng pamilya ko at niya. Pero bakit sa lahat ng titirahin nya. Kami pang dalawa! Ang kakambal ko pa! ***Book cover by: Ms. Keilyn Wp