MISTRESS 10

7.3K 100 18
                                    

Tulala ako sa kawalan. Nang makauwi ako ay agad kong ikinulong ang sarili ko sa kwarto. Hindi ko mapigilang kabahan dahil sa kalagayan ko ngayon. At isa pa, hindi mawala sa isipan ko ang sinabi ni Drix na hindi nya iuurong ang kasal dahil pahihirapan pa nya ako.

Wala akong magawa, sa una pa lang talo na ako. Kinuha ko ang isa kong diary at isa isa ko itong binuklat. Napangiti ako sa aking mga sinulat noon. Naalala ko dati na dito ko isusulat yung mga naging araw namin ni Drix. Naalala ko nung kami pa noon, nabasa nya ito at hiyang hiya ako dahil sa nabasa nya kaya pinagtatawanan nya ako.

Napangiti din ako ng mapait dahil sa isang iglap. Mula nung makita nya si Elle ay nagbago ang pakikitungo nya sakin. Palagi din nyang tinatanong sakin kung kamusta si Elle at kung ano ang mga social media accounts nya or kung ano ang mga hobbies at paborito nito. At first ay nabahala ako. Pero habang patagal nang patagal ay nagdududa na ako sa kinikilos nya dahil may mga kaklase ko na ang nagsasabi na may kinikitang babae si Drix.

Until nahuli ko sila. Kinausap ko sya ng masinsinan at tinanong kung ano yung nakita ko. Akala ko mag eexplain sya sakin o mag sosorry pero I'm wrong! I'm literally wrong. Dahil bigla na lang sya nakipag break sakin without any words coming from him.

After a week, nabalitaan kong, Elle and Drix are currently dating. And you know what hurts? Mas sinuportahan ng marami ang relasyon nila. I forgot to tell you that Drix and Elle is a campus crush. Marami ang nagshi ship sa kanila.

Hanggang ngayon ay di pa din ako maka move on. Magmula nong naghiwalay kami ni Drix, hindi na ako nag boyfriend ulit. Drix is definitely my first love and my first heartbreak.

Nung naging kami pa. Tago ang relasyon namin it's because my parents doesn't want me to have a boyfriend. We're currently 2 years nung naghiwalay kami. Minsan naitanong ko din sa sarili ko. Am I not enough? Pangit ba ko? Minsan ko din na naitanong yun sa sarili ko but I always end up cheering myself up and sabihing, magkamukha kami ni Elle.

And yes, were Identical twins, magkamukha kami. I'm an introvert and she's very approchable and extrovert. Besides, she's pretty and confident. While me? Ayokong maging confident dahil sinasabihan lang ako nina mommy at daddy na, it's just a waste of time.

Kapag may achievements ako sa school. They'll saying that I cheated or whatever. And worst di pa pinaniniwalaan. My life really sucks up!

I always wondering. What if mag suicide ako? Malulungkot ba sila? But at the end of wondering such things. Nawawalan ako ng tapang magpakamatay. Paano ako magpapakamatay kung lagi kong naiisip ang mga kaibigan kong naging parte ng buhay ko?

Gusto ko pa silang makasama that's why hindi ko naitutuloy. My mom, simula pa noon, gusto nya na kong mawala. Everytime na may family day sa school namin, she always prefer to support Elle than me.

Si daddy naman, he's always busy. Minsan lang sya magkaroon ng time and if meron man. He would spend it together with mommy and Elle. Minsan nga naiisip ko kung minahal ba nila ako o pinapahalagahan a nila yung tulad ko but I found nothing. But the answer is no. A very big no.

Because of this, natuto akong tumayo para sa sarili ko. Natuto akong magpakatatag sa piling ng mga totoo kong mga kaibigan na alam kong hindi ako iiwan at hindi magsasawa akong suportahan sa lahat.

Masaya ako kahit papaano. Dahil kahit malas ko sa mga magulang ko, nakatagpo naman ako ng mga kaibigan ko na kahit dalawa lang ay alam kong totoo at maaasahan.

Sana di sila magbago. Sana kahit maghiwa hiwalay na kami ay hindi magbago ang pakikitungo nila sakin. Sana palagi kong makasama sila hanggang sa huling yugto ng buhay ko.

Hindi ko napansin na naisulat ko na pala lahat sa aking diary ang nasa isipan ko. Ito ang gusto ko eh. Ang nasa tahimik na lugar para maisusulat ko ang mga nasa isipan ko.

My Twin Sister is my Husband's MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon