MISTRESS 15

11.1K 160 51
                                    

Napangiti ako nang mapait nang makalabas ako ng bahay. Agad na sumalubong sakin ang malamig na simoy ng hangin. Ngayong gabi ako aalis sa puder nila. Napatingin ako sa malaking bahay namin ni Drix. Masasabi kong, walang kasiguraduhan kong makakabalik ba ko sa lugar na yan o habang buhay na kong hindi babalik at habang buhay silang kakalimutan.

Napahinga ako nang malalim tsaka nagaimulang maglakad. Kinapa ko ang bulsa ko at nakita ko ang wallet ko. Binuksan ko ito at nakita ko ang 5,000 pesos. Sa totoo lang, alam kong hindi to kasya, alam kong kulang toh pero dahil wala pa kong nakukuhang trabaho ay titiisin at titipirin ko muna ito.

Napahawak ako sa aking di kalakihang tiyan. Hinaplos ko iyon at nakaramdam ako ng panibagong pag asa na magbibigay sakin ng lakas para magpatuloy at wag sumuko sa buhay.

Nagsimula akong maglakad, may dala akong maliit lang na maleta at isang back pack habang naglalakad sa kadiliman ng gabi. Siguro mangungupahan muna ako dahil wala naman akong condo at kung meron man ay hindi ko din ito kukunin dahil alam kong mahahanap nila ako.

Habang naglalakad ako sa tahimik na lugar na ako lang mag isa ay medyo nakaramdam ako nang kaba na hindi ko maipaliwanag. Pakiramdam ko ay parang may sumusunod sakin.

Mabibigat na hininga ang pinakawalan ko bago magpatuloy. Nang malapit ko nang marating ang bus stop ay doon ko namamalayan na medyo dumarami na ang aumusunod sakin. Napahinga ako ng malalim bago naglakad ng madalian...

Pero habang naglalakad ako ng madalian ay para namang may humahabol sakin sa likuran. Naiiyak akong nagdasal ng taimtim. Jusko! Sana naman walang mangyaring masama samin ng anak ko... Habang patuloy akong naglalakad ay may biglang humawak sa balikat ko na syang ikinagulat ko.

"Miss... Akin na lahat ng pera at alahas mo" Agad akong siniklaban ng takot sa narinig. No!

"Pre... Mukhang mayaman to eh... Marming pera toh"
"Miss akin na yung pera mo"

Napailing iling ako at tsaka aalis na sana dahil sa takot nang biglang hablutin ng lalaki ang back pack ko. Napasigaw pa ako dahil sa takot at nanlaban pero tatlo sila.

Itinulak ako nung isa dahilan para mabuwal ako sa lupa at doon ako matumba. Namilipit ako sa sakit na hindi ko maintindihan kung ano.

Pilit ko pa sanang isalba o kunin ang isa kong bag nang makita ako nang isa at tsaka ako itinulak. Napaupo ulit ako pero hindi pa sila nakontento. Kinapa nila ang bulsa ko at doon nakita ang singsing namin ni Drix at ang mga alahas ko. Kinuha din nila ang wallet ko... Iiwan na sana nila ako nang makita kong may pinag uusapan sila. Nanlabo ang mata ko at inalintana ko ang sakit sa tiyan ko.

Maya maya pa ay pinatayo ako ng isa at sinaksak ng paulit ulit. No! Ang baby ko! Wag! Gusto ko sanang sabihin yan pero hindi na ako makapagsalita dahil sa sakit.

Binitawan nila ako kaya natumba ako. Napaubo ako sa sakit ng tiyan ko at naiiyak sa nangyari sakin. Maya maya pa ay naaninag kong may lalaking pumulot ng bato at diretsahang pinukpok ng paulit ulit sa ulo ko.

Hindi ko kinaya ang lahat at naramdamanko nlang na nilamon ako ng dilim.

THIRD PERSON POV

Sa kalagitnaan ng gabi nandoon si Mang Danilo habang naglalako ng kanyang paninda. Pasado alas 8 na ng gabi nang papauwi na sya sa kanila.

Nang nasa kahabaan na sya ng bus stop ay may naaninag syang mga kalalakihan ang mukhang may ginawang masama. Napailing nlang sya at sasawayin na sana ang mga lalaking yun pero nagsitakbuhan na ang mga ito.

Nakita nyang nagkalat ang gamit ng biktima at tutulungan nya na sana nang mabigla at siklaban sya ng takot dahil sa kalagayan ng babae.

Maraming saksak ang natamo nito at duguan na rin ang ulo nito. Hinawakan nya ang pulso nito at nakompirma nyang buhay pa kaya agad nyang tinawagan ang kaibigan nyang yanod malapit sa lugar.

My Twin Sister is my Husband's MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon