MISTRESS 11

6.1K 92 29
                                    

"Ella I know your not okay. Sa ikinikilos mo alam ko nang hindi. You don't need to force yourself to be okay. Nandito naman ako eh. Bakit palaging si Drix yang nasa isip mo? Ako yung nandito Ella! Ako yung nar'yan para sayo hindi pa ba sapat yun? Bakit palaging sya lagi? Ano bang meron sya na wala ako? Tell me?"

"V-vince..." Ano bang pinagsasasabi nya? Bakit ba sya napunta dyan?
"What are you talking about? Vince bakit ka umiiyak? Ano ba yung sinasabi mo?" Naguguluhan kong tanong sa kanya.

Umiwas sya ng tingin at kaagad na tumayo at tumalikod. Hindi sya naglakad palayo. Nanatili lang sya sa kinatatayuan nya.
Unti unti akong lumapit sakanya at kaagad syang niyakapa patalikod. Walang malisya yun dahil kaming tatlo ang gumagawa nito sa isa't isa. A friendship comfoting ang tawag namin dito. Hindi ko alam pero si Vince ang nakaisip ng korni na bagay na toh.

Hinawakan nya ang kamay ko at tsaka dahan dahang ngumiti sakin at humarap. Niyakap din nya ko ng mahigpit.

"Sorry naman Vince. Sorry kong ang tigas ng ulo ko. Wala eh, marupok tong kaibigan mo" Natawa sya sakin at natawa din ako dahil sa sinabi ko. Ang rupok ko tlaga. Kahit anong taboy ni Drix balik pa din ng balik.

Niyakap ko sya ng mahigpit at doon ko ipinilig ang ulo ko. Maya maya pa ay nagulat ako nang biglang may nagsalita sa may pintuan.

"What a nice scene" Unti unti kong tiningnan kung sino yun at nakita ko si Drix at Elle na nakatayo sa may pintuan. Ngumisi si Elle samin habang si Drix naman ay seryosong nakatingin saming dalawa.

Unti unti akong humiwalay sa yakap ko kay Vince at alinlangan akong ngumiti sa kanila. Baka isipin nila na lalaki ko si Drix.

"Oh! You don't even tell me Ella na may boyfriend ka pala. Hi! How are you? My name is Elle. Ella's twin sister" Nanatili akong tahimik habang si Elle naman ay panay ang salita.

Tiningnan ko si Vince at nakita ko ang pagtiim ng bagang nya at ganyn rin si Drix. Magkakilala ba sila? Magsasalita na sana ako nang biglang magsalita si Drix.

"Who are you?" Malamig at seryosong tanong ni Drix kay Vince. Nanatili namang tahimik si Vince at di nagsalita... Nanatili ding malamig ang tingin ni Drix at tiningnan ako namng seryoso pero agad ding bumaling ang tingin kay Vince.

"You don't need to know" Malamig na sagot ni Vince sa kanya. Nanatili kaming tahimik ni Elle at hindi kami nagsalita.

"I think he's my twin sister's Boyfriend babe... Hayaan mo na sila. By the way, enjoy with Ella" Napakunot ang noo ko dahil mukhang iba ang ibig sabihin ni Elle. Ngumiti naman si Elle at tsaka bumaling ng tingin sakin saka pasimpleng umirap. Napakuyom ang kamao ko.

"Leave us. Ella, mag usap tayo" Malamig nyang saad at umalis. Kunot noo ko nmang tingingnan si Elle pero naiirita lang umirap sakin at tsaka umalis.

Tumingin ako kay Vince at tsaka ngumiti naman sya at nagpaalam sakin. Wala akong nasabi sa kanya dahil walang salitang lumalabas sa bibig ko at natatakot din akong magsalita.

Napahinga ako nang malalim at tsaka sumunod kay Drix. Wala akong magagawa at isa pa ay asawa ko sya at kailangan ko syang sundin at pagsilbihan.

Sumunod ako kay Drix. Dahan dahan lang akong naglakad at tsaka pumunta kung nasaan sya. Nakita ko syang nakatayo sa may balkonahe at tsaka nakatingin sa mga bulaklak sa garden namin.

Nang maramdaman nya ang presensya ko ay kaagad syang lumingon pero ibinalik ang tingin sa garden.

"What's your relationship with that guy?" Malamig nyang tanong sakin. Gusto ko sanang sabihin na magkaibigan lang kami ni Vince pero baka sabihin nya saking nagsisinungaling ako dahil minsan lang naman nyang makita si Vince noon.

My Twin Sister is my Husband's MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon