MISTRESS 20

10.8K 154 21
                                    

"Hello? Who's this?" Kunot noong tanong ni Mr. Dela Cruz sa telepono. Abala sya sa pagpirma sa mga papeles na kakailanganin para sa salary payment ng mga trabahante nya...

"Hello Mr. Dela Cruz, do you know me?" Napahinto sya sa ginagawa nya nang biglang nagsalita ang hindi nya kilalang boses sa kabilang linya. Napaseryoso sya at kaagad na dahan dahang umalis sa kinauupuan...

"What do you need?" Malamig nyang tanong

"Do you know Elle Dela Cruz?" Mas lalong kumunot ang noo nya dahil binanggit ng lalaki ang pangalan ng anak nya

"She's my daughter, why?"

"Ohhh. So you're her father... Hi dad" Nagulat sya sa itinawag sa kanya ng lalaki at ang mas ikagulat nya ay ang sunod nitong sinabi

"I'm the father of Elle's child" Natulala sya sandali at hindi nagproseso sa utak nya ang sinabi ng lalaki ..

"What are you talking about Mr.? I don't know you. Tell me! Who are you?" Diin nyang tanong pero isang matunog na ngisi ang pinakawalan nito mula sa kabilang linya...

"Uulitin ko pa ba? I said, I am the father of Elle's child..." Saad nito

"Liar... Zandrix Salcedo is her husband, so what are you talking about na ikaw ang ama ng apo ko?"

"Remember the linked video na kumalat sa social media 4 years ago? Well, it's me and Elle having s*x" Doon nabuo ang lahat ng hinala nya noon pa man...

"I heard na ang kakambal nya ang napagbintangan... Poor Ella... Ella is her name right?" Nainis si Herald kaya kaagad nyang ibinato ang phone nya sa dingding kaya naman ay nabasag ito...

Agad nyang kinuha ang jacket nya at lumabas ng opisina. Kaagad syang umuwi sa bahay upang kumpirmahin kay Elle kung totoo ba ang lahat ng iyon...

Bigla nyang naalala ang linked photo noon na si Ella ang sumalo pero hindi nya alam kung sino sa dalawa nyang anak...

Napahinga sya ng malalim at tsaka sumakay sa kanyang kotse...

"Vince, may sakit ka ba?" Biglang napalingon si Vince sa katabi nyanh si Andrew nang magsalita ito. Nagtataka sya nitong tiningnan...

"Wala naman, don't mind me. Masama lang ang pakiramdam ko" Mahina nyang sagot. Natawa naman ng mahina ang katrabaho nya

"Wala daw tas masama ang pakiramdam. Tsk! Dahil ba yan sa babaeng mahal mo na namatay 4 years ago?" Napalingon sya sa katrabaho na ngayon ay nagtatanong sa kanya...

Napahinga sya ng malalim at tsaka sya napatango

"I think hindi sya magiging masaya kapag nakita ka nyang nagkaganyan, bro. Matagal na yung patay. Sabi nga nila, it's better to move on kesa naman magkulong ka dyan sa kalungkutan mong yan" Pangaral ni Andrew.

Napatingin sya sa labas ng bintana tsaka wala sa sarili syang nagsalita

"N-nakita ko sya..." Kunot noo syang tiningnan ng katrabaho

"Sinong nakita mo?"

"Si Ella"

"Ella? Sya ba yung kinukwento mo sakin na mahal mo? Tas hindi ka pa nakakaamin ng nararamdaman mo sa kanya tas namatay sya?" Napatango sya dahil sa tanong ni Andrew.

Sa loob ng apat na taong pangungulila kay Ella ay si Andrew lang ang laging kumakausap sa kanya... Madalas na syang tahimik bagay na mas lalong kapansin pansin sa kanya...

"M-masakit pa din kase..." Panimula nya at nag uunahang tumulo ang mga luha... Napahinga naman ng malalim si Andrew tsaka nagsalita

"Bro... It's better to move on... Matagal na yung patay... Kailangan mo na syang pakawalan" Payo nito sa kanya... Tiningnan nya si Andrew tsaka nagsalita

My Twin Sister is my Husband's MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon