Dahan dahang naupo si Drix sa damuhan kung saan walang katao tao. Pagkatapos nyang makita ang babaeng kamukha ni Ella ay kaagad syang nagkaroon ng pag asa at posibilidad na baka buhay nga ang asawa nya...
Tiningnan nya ang papalayong bulto ng nagngangalang Mary. Napangiti sya ng dahan dahan dahil nakaisip sya ng bagong paraan para makasama ang babae. Agad nyang kinuha ang cellphone nya at dinial ang isa sa kanyang secretary.
"Hello sir?" Tanong nito sa kabilang linya.
"Mr. Wyath, I want you to hire Ms. Mary Geronimo" Saad nya sa kabilang linya.Unti unti nya ulit nilingon ang papalayong bulto ni Mary at nakaramdam ulit sya ng pangungulila at lungkot na hindi nya maintindihan...
Dahan dahang napalingon lingon si Elle sa daan. Kailangan nyang mag ingat dahil baka may makakita sa kanya, kinailangan din nyang makasiguro upang walang magsumbong na nakipagkita sya sa ibang lalaki.
Napahinga sya ng malalim bago naglakad papasok sa isang sekretong condo kung saan naisipan nung Carl na makipagkita sa kanya. Naalala nya kahapon nang mag usap sila sa telepono. Tinakot sya ni Carl na kung hindi sya papayag na makipagkita dito ay paulit ulit nitong guguluhin ang buhay nya at idadamay si Drix.
Ibubulgar din nito ang sikreto nya na hindi si Drix ang ama ng bata kundi si Carl. Napahinga sya ng malalim bago naglakad papalapit doon at kaagad na kumatok. Nagdala din sya ng pera dahil kung sakaling manghingi ito ay agad nya iting bibigyan para wag lang maging maingay tungkol sa sikreto nila.
Kumatok sya ng tatlong beses at kaagad itong bumukas. Bumungad sa kanya ang nakangising mukha ng lalaki at walang pasabi syang hinila upang makapasok.
Nang nasa loob na sila ay hindi maiwasan ni Elle ang kabahan dahil alam na alam nyang hindi lang pag uusap ang mangyayari sa pagitan nilang dalawa kundi mas may higit pa doon.
"I thought hindi ka darating?" Natatawang tanong ni Carl. Sinamaan nya ito ng tingin at nagsalita sya.
"Shut up Carl... Ikaw ba naman ang takutin? Tsk! Ibang klase ka tlaga eh noh?" Sarkastiko nyang saad pero matunog na ngumisi lang ang lalaki at binasa pa nito ang labi nya. Imbes na mainis, napalunok ng laway si Elle.
Pinakalma nya ang sarili nya at kaagad na kinuha ang pera sa bag nya at inilapag sa maliit na table ni Carl. Natawa ito pero hindi nya binalingan ng tingin.
"Ohh. A money? Are you kidding me Elle? Really? Did I say that bring some money here?" Napakagat sya ng labi at himinga ng malalim
"Kunin mo na! I know you want all of that! Kaya ayan! Basta panatilihin mong tikom yang bibig mo kung ayaw mong malintikan sakin. Malinaw ang usapan nating ito Carl" Diin at may halong galit na saad at banta ni Elle sa lalaki.
"Tsk! I don't need money" walang gana nitong sagot sa kanya.
"Where's my daughter? I thought dadalhin mo sya?" Kunot noo nitong tanong sa kanya. Napahinga naman sya ng malalim. Akala nya makakalimutan ni Carl ang bata
"She's on the car... Wag mo nang isturbuhin ang anak ko. My daughter doesn't have time for the person like you" Mataray nyang sumbat kay Carl. Tumawa naman ito na may halong sakit...
"Really? Who told you na walang oras ang anak ko sa isang tulad ko? Ikaw ba? Well, para sabihin ko sayo Elle, ako ang tatay ng batang yan!" Diin nyang saad.
"Yes, you are the father, pwede ba wag mo nang ulit ulitin? Nakakasawang pakinggan. My daughter doesn't need you because nandyan na si Drix para tumayong ama nya"
"How about me Elle? Ako yung tatay ng bata... I am the father tas di mo ko bibigyan ng pagkakataong makasama yung anak ko? Ang selfish mo nman! Bakit? Pareho nman nating gawa yang batang yan ah? We shared the same room, the same, night, and the same bed while making that child pero sya yung ama? That's insane!" Hindi mapigilan ni Carl ang hindi masigaw.
"Itong tatandaan mo Elle, walang sikretong hindi nabubunyag. Sa ayaw at sa gusto mo, ipapakita mo ang anak ko sakin kung ayaw mo tayong magkagulo" Galit na tiningnan ni Elle si Carl
"Carl naman! Masaya na ang buhay ng anak mo ngayon, can you just please be happy for us? Wag mo na kaming guluhin, we're now happy" Saad ni Elle
"How about me Elle? Tatanggalan mo ba ako ng karapatan sa anak natin? You're so cruel if yan ang gagawin mo" Sumbat nito sa kanya. Napahinga naman sya ng malalim
"Carl... Please, wag ngayon... Masakit ang ulo ko. I have to go. Saka na tayo mag usap kapag ayos na ang lahat, for now, you need to rest, I know you're tired" Mahinahon nyang saad at tumalikod. Aalis na sana sya nang biglang magsalita si Carl...
"Elle... May nakita pala akong babaeng kamukha mo kanina... I think that's your twin sister" Napatigil sya at dahan dahang napalingon kay Carl na ngayon ay walang emosyong nakatingin sa kanya...
"Who's that lady?" Tanong nya. Bigla syang siniklaban ng kaba nang marinig iyon. Bigla nyang naalala ang naging tagpo nila noon ng babaeng yun.
"Investigate that lady, kung saan sya nakatira or saan sya nanggaling... Malakas ang kutob ko na si Ella yun. Walang hiya tlaga ang babaeng yun, magtatago na nga lang mahuhuli pa. Tsk! Bakit ba hindi nlang sya natuluyan" Naiinis nyang saad...
"Anong akala mo sakin Elle? FBI? I'm not an investigator para utusan mo nyan"
"Pwede ba gawin mo nlang? Kapag ako gumawa nyan, malalaman ni Drix. So mas better kung ikaw ang mag imbestiga sa babaeng yun. Make it sure na hindi sya makita ni Drix dahil pag yun nakita nya, tapos lahat ng masasayang araw ko" Mataray nyang saad tsaka agad na umalis.
"Mary... Ayos ka lang ba? Bakit parang may problema ka ata?" Nagtatakang tanong ni Leni sa kanya...
"W-wala toh... Ayos lang ako... Nga pala... Bakit parang naghahanda tayo ngayon?" Nagtataka nyang tanong
"Darating daw yung mother superior ng kumbento. Yung mas matanda pa kay mither Theresa, yung head ng kumbento na toh" Sagot ni Leni... Natahimik nman si Nary tsaka napatingin sa labas.
Hindi nya maintindihan kung bakit parang may koneksyon sya sa superior ng kumbento na sinasabi ni Leni
Napahinga sya ng malalim at ilinilig ang ulo nya tsaka sya naiiling sa sariling naisip.
"Nga pala, di kita nakita kanina... San ka ba galing?" Bigla nyang naalala na inutusan sya ni Mother Theresa para maglagay ng bulaklak sa puntod ng yumaong si Mother Katrina na noon ay nagsisilbi din sa kumbento
"Inutusan lang ako ni Mother Theresa na maglagay ng bulaklak doon sa puntod. Alam mo din bang umulan nun, ang malas nga buti may dala akong payong" Saad nya... Bigla nyang naalala yung lalaking nakita nya kanina
"Leni... Tas may nakita ako nung lalaki. Umuulan nun at wala syang masilongan kaya inaya ko syang sumilong pero tinawag nya kong Ella. Sino kaya si Ella? Bakit tinatawag nya kong ganun?" Nagtataka nyang tanong sa sarili
"Hala! Baka yun yung pamilya mo Mary... di ba sabi mo noon wala kang maalala paggising mo nun? Tas sabi mo pa nun, may babae ding tinawag kang Ella" Bigla syang napatigil at tsakanaalala yung babaeng kamukha nya na tinawag syang Ella, hindi nya alam kung bakit parang nalulungkot sya na ewan
"Nandito na po si Mother Superior!" Nabalik sya sa ulirat nang biglang sumigaw ang isang bata at kaagad na tunakbopapunta sa gawi ng isang matandang madre na nakangiti.
Hindi nya alam kung bakit nasasabik sya at natutuwa dahil sa pagdating ng madre. Bigla nyang naramdaman na parang matagal nya na itong kilala.
"Magmano tayo dali!" Saad ni Leni. Nauna nmang magmano ang mga bata habang nahuhuli silang mga matatanda...
Nang matapos ang mga ito ay saka din sya nagmano dito
"Mano po Mother Superior, magandang---
"Ella? Ikaw ba yan iha? Naku buti napadalaw ka? Asan sina Hera at Bince? Bakit di mo sila kasama?" Nagtataka syang napatingin sa madre at nagtatanong ang mukha kung sino ang tinutukoy nito.
"Sino po si Hera at Vince?" Taka nyang tanong
BINABASA MO ANG
My Twin Sister is my Husband's Mistress
RomanceWala akong ibang ginawa kundi mahalin sya. Tinanggap ko lahat ng masakit na pagtrato sakin ng pamilya ko at niya. Pero bakit sa lahat ng titirahin nya. Kami pang dalawa! Ang kakambal ko pa! ***Book cover by: Ms. Keilyn Wp