010

26 0 0
                                    

010

That kiss again?!

"Gusto kong gumala," tawa ni Jessica sa gilid ko. I am annoyed by her presence dahil palagi nalang siyang nang-aasar.

"I tried to warn you," I told her. Winarning-an ko na siya na 'wag nalang mag study eh, I memorized everything pa naman. Dinala dala niya pa ako dito sa resto.

"Ha? Ba't naka english ka?" tanong niya sabay upo sa gilid ko.

Ewan ko, simula noong nakita ko si Papa with his new family. Biglaang nag iba ako, dinagdag pa si Leon na wala nang oras sa akin dahil palaging maraming ginagawa. Maraming ginagawa o nandun sa girlfriend niyang mataas ang kilay sa 'kin.

"'Wag mo nga akong pakialaman, magstudy ka nalang d'yan," I said with no emotions.

I was crossing my hands when I saw Jessica staring at me, sinusuri ako ng babaeng ito. "You know what gurl, I think you're heartbroken. Ano nangyare sa 'yo?"

Ito na nga eh, I don't want her to interrogate me, because I'm worried na baka siya ay magproblema din. I don't want to give people problems and hardships in life. "Shut don't mind me, finish that first."

Thank God, she stopped. I held my cellphone tight, stopping myself to post in social media. Ayaw ko kasing maging open masyado sa mga tao. I know how social media works, judgements, bullying, inclusion, and all. Sometimes it's beneficial to many, by connecting with others.

But social media does not make me happy.

"Uy Ame, una na ako ah? Gabi na kasi, kung gusto mo mag stay sa resto na 'to the whole week, dito ka nalang 'wag kanang uuwi."

Narinig ko pa ang sarkastiko niyang tawa, I held my patience more high. Ayaw kong umaway ng babae kaya ang ginawa ko sinamaan ko nalang siya ng tingin at nagpaalam na din.

Napatingin ako sa oras sa cellphone ko, it's 9 na pala, ni hindi ko man lang namalayan. Katabi ng oras ay may nakita akong mensahe, it's from my sister.

Alyssa:

Ate, matutulog na ako. I love you always ate💞

Napangiti ako. Kabila ng ginawa ng mga parents ko, I'm still thankful na binigay nila sa 'kin si Aly, I mean she deserves to be treated well. Pero minsan siya din ang nagiging dahilan ng mga galit ko. Beyond everything, she's still my favorite buddy and my sister. Tulad ng sabi nila, your sister is your worst enemy sometimes, pero siya din ang nalalapitan mo kapag may problema ka.

Oh so enough. I don't want drama today. Gusto ko maging iba. To be free and limitless. Sana ako yung babaeng kahit hindi masaya ngayon, nagawa kong maging malaya.

"Miss, magsasara na po kasi ako. Hindi kapa po ba uuwi? Alas dose na po kasi eh," sabi niya at may paduro pa sa wall clock na nasa gilid.

"I know," saad ko sa mababang boses. "Give me my bill na."

She smiled. "Okay po maam."

I know this resto, hindi ito nagsasara ng alas dose. I thought this is 24 hours? Yung taga bantay lolokohin pa ako eh suki na ako ng pangloloko.

Dang it.

Bumalik yung babae at binigay na sa 'kin yung bill. I enhaled pagkatapos kong magbayad. Parang hindi... ko kayang tumayo eh. Napadami ata nainom ko na soju. Umalis na ako sa lugar na yon ng may pahawak hawak sa ulo ko. Ha, pucha, parang iba na ata nakikita ko. Maputi na.

Naglalakad lang ako not minding if the place can be detrimental to me. Nakakatakot kasi parang ako nalang mag-isa sa daan. While waiting for a taxi, nagring yung cellphone ko sa bag.

Kinuha ko 'yon at hinigop yung sipon ko. Damn.

"Hello? Ametyst? Asa'n kaba? Puntahan kita, I need to buy something. T'saka nagsumbong sa akin si Alyssa, natatakot na siya sa bahay n'yo."

Huh, the nerve of you to forget something today...

"Nasa Fine Arts Center ako nagdraw drawing ng posporo," bara ko sa kaniya.

I heard him tsked. "Ametyst... Go home now, or tell me your address. Come on," he sighed.

Huh, come on inamo. Baka may mangyari na naman sa atin! I just don't get it, bakit parang iba na yung gusto ko sa'yo, palala na ng palala.

"Hey, saan ka?"

I sighed, "Nasa Freedom's Resto ako, puntahan mo na ako."

I heard him stiffle a laugh, "Yown."

I grunted, is that enough to make him happy? Busy naman siya sa iba eh! Bakit sa 'kin na naman ulit!

Pinatay ko ang tawag at umupo sa gilid ng poste. Pumikit ako at hindi na alam ang susunod na nangyari. I woke up nalang sa isang kotse, and paglingon ko, he is here... the man I've been waiting for.

Ano?! What the...

"Ame, tanga ka talaga. Ba't ka natutulog sa karsada ah? Baka kung mapano ka?" He asked after he saw me moving.

"Wala namang nangyari eh, tsaka..." I pouted. Looks like I'm really not good with alcohol. Ang bilis kong ma tumba amp. "Wala kabang nakalimutan?" I asked him.

He turned his face on me, turning the steering wheel too. "Oh yeah, happy anniversary to our friendship Ametyst."

I smiled, "Ang tagal mo mag greet ah? Gano'n kaba kabusy?"

"Uhm yeah, I was too busy with mom kanina. Nagbake kasi siya," he said. Naguilty tuloy ako. "Anyways, kumusta na pakiramdan mo? Gusto mo bang pumunta ng park? Let's watch the sea together."

I only scoffed and nodded at the same time. Gusto ko na ayaw. Baka madala na naman ako sa bugso ng damdamin ko at patay, may maganap na naman.

Minutes later I saw me and him sitting at the park. Ang tahimik and I only see him being sad too. Tumayo siya at parang nahimasmasan ako. "Uy, sa'n ka?"

He yawned, "May kukunin lang."

Tumango ako, "Okay."

Ilang segundo bumalik siya habang may dala dalang can. "Ice coffee lang dala ko, I'm sorry I did not brought anything. Malayo din kasi-"

I caught the can in his hands. "Thank you."

Is being free okay?

Tumahimik ang paligid ulit. Humming I laid my head to his shoulders. Gusto ko munang maging malaya...

Pero andito siya? Pa'no?

"Leon, are you scared?"

Napatingin siya sa 'kin kaya malapit na malapit yung mga mukha namin sa isa't isa. He didn't even tried to ditch my eyes. "Scared of what?"

I held his face, "Kissing a drunk girl?"

He chuckled, "Uh no, but I do have a girlfriend."

I am shameless. We're just bestfriends at walang tutumbas don. Sino pa ba ang gusto ng ganitong pahina? Siya lang ba? Kasi ako... I think I have feelings for him.

He locked me into his embrace. Napaigting ang panga ko. This is why I can't move on... from him.

Is it okay to be free? But being free is to be with him?

Namalayan ko ulit yung labi ko na nasa labi niya na naman. Fuck Ametyst, ginawa mo na naman! Lumayo ako pero kinuha niya ulit yung ulo ko, earning a groan from me. I can't believe a guy who has a girlfriend and treating me as his sister kissing me... not just kissing me but making me straddle into his lap. Pucha naman.

Napabitiw na siya at ako naman napayuko. "Next time-"

Umiling ako at sinuntok siya sa braso. "Stop, there will be no next time Leon."

He smirked as he met my eyes... "Well be careful, you might fall with the hunger I am into today... Let's go, baka ano pa ang magawa ko sa 'yo."

Uh...

____________

~Kalon~

Magkaibigan lang ba talaga? Where stories live. Discover now