017

5 0 0
                                    

017

GLADIES

DALAWANG araw na si Leon dito at maayos na din siya sa lagnat niya. He's active and attentive everyday dahil siguro sa kaniyang natatanggap na mga papuri galing sa kaniyang mga professor.

"Esmeralda, mauna ka ng maligo. We'll head out to Payapa Orphanage today, my colleagues are there now..." sabi niya at humiga sa kama ko.

Nanonood ako ng K-Drama eh! Bakit ngayon pa.

"Huh? S-sige..." I didn't argue anymore dahil alam kong may dahilan siya sa lahat ng bagay na nangyayari sa mundong ginagalawan natin.

Siya kasi ang nawawalang Cardo Dalisay.

Pumunta kaagad ako sa comfort room at naligo. Pagkatapos kong maligo ay nakita ko siya sa kama ko na umiiyak.

"Huy! Ginagawa mo?" sigaw ko at chineck siya.

"Ha? No... I watched your K-Drama... Namatay ang babae."

Saglit akong natigilan at tumawa ng tumawa. Hindi ako nakapagpigil at sinapok ko pa siya sa ulo niya. Kingina, bakla!

"Takti ka AHAHAHAHHAHA ginagawa mo!" Napailing nalang ako at kumuha ng damit. I chose the dress with an ascot collar that has a design of small amount of flower and I paired it with a blue pump d'orsay heels.

Pumunta na ako sa comfort room at doon isinuot 'yon. Lumabas na ako at nonchalant na naglakad hanggang makarating sa sala. Naabutan ko naman siya na nagpupump ng abs niya. May dumbell ako dito—pero boo—

Joke!

"It's your turn..."

Binuksan ko ang maliit na ref at kumuha ng chocolate. Tumingin naman siya sa akin ng malagkit ulit. "Tsk, kaya ka nilalagnat eh!"

Tumawa siya, "Sorry, it's been months since I saw you wearing a dress. You look pretty." Ginulo niya ang buhok ko at kinuha ang chocolate na hawak ko.

"Tangina, you own a shop of chocolates! Hindi ka ba nagbaon?!" napasigaw ako sa kaniya at nag echo 'yon sa lighthouse.

"No!"

That's the last word I heard from here before he disappeared from my sight. Kumuha nalang ako ng ibang chocolate at napailing... He's still a child until today. He still loves chocolate and his hobby is to get the chocolate I have.

Siguro pati Chocolate Hills kakainin niya just because it sounds yummy.

Natapos na lang ako sa kakakain ng isang pack ng curly tops when he called me. "Sushi is this okay?"

Napatingin ako sa kaniya at nanlaki ang mata ko. "Damn... yes. You look very good."

Nakaturtle neck siya na top and bluish ito and he paired it with a white pedal and white shoes.

Tangina, ang gwapo.

"Thank you..." sagot niya sa akin. "Anyways, we'll go now. Shall we?" he asked me, smiling.

I pouted. "Sure, Hemoral!"

Pagkalabas namin ng lighthouse ay nagchat sa akin si Alyssa na may bisita din daw siya sa bahay ni tita kaya hindi niya ako ibibisita. Ang sagot ko naman ay okay lang dahil may lakad din ako.

"Texting someone?"

Napaigtad ako sa boses ni Leon sa gilid ko. Itinaas ko ang cellphone, "Nah, Alyssa..."

He smiled, "Okayy..."

Sumakay naman kaagad kami ng tricycle patungo sa church kung saan katabi nito ang Payapa Orphanage. Malayo pa lang kami sa gate kung saan ang orphanage ay naririnig na namin ang sigawan at hiyawan ng mga bata. May mga matatanda ding nagtatawanan.

Magkaibigan lang ba talaga? Where stories live. Discover now