013

12 0 0
                                    

013

STAY WITH FRIENEMY?

AMETHYST POV:

KISS lang 'yon! Nakakairita! Walang nagawang tama. Natataranta na ako. Umalis na si Leon at nandito naman ako sa couch, nag-iisip ako sa ginawa niya.

"Justice!"

Napatayo ako ng may sumigaw sa may pintuan, si Alyssa.  "‘Te? Ba't nakatulaley ka? Hueyyy! May nangyari ba?!" napatili pa siya habang nakangisi.

Lumaki ang mata ko at tatayo sana pero mahapdi. "Tangina."

"Hala! Anong nangyari ate?" tanong niya at lumapit. "Hala, anong... bakit iba ang amoy dito?"

Napaismid ako at dahan dahang tumayo. "A-ano, kumain nalang tayo. Pagod ako," Putangina, napagod ako.

Para ba namang Slenderman ang kamay! Jusko, kabet naba ako? Hindi ko naman sinasabi na pinagsi—pinagsisihan ko talaga 'yon. Dahil mabait si Kris? Ay hindi, hindi siya mabait! Dapat lang sa kaniya 'to.

"Ate? Ate? Ate?"

Napatingin ako sa kapatid ko, "Hmm?"

Ngumisi lang siya at binigyan ako ng plato at kutsara. "Pwede ba? Tumigil ka?" Sabi ko at kumuha ng pizza. "Ano, may jowa kana? Sabihin mo nalang kasi sakin, hindi naman ako magagalit. Kakagatin lang kita."

Naalala ko na naman ang pagkagat niya sa tenga ko. "Shet."

"Ate... opo..."

"Hoy! Talaga? Bakit? Paano? Ano? Saan mo nakilala? Sabihin mo sa akin. Saan mo ba siya sinagot, sa soc med? Talaga? Talaga? Huey! Buti ka pa!”

Tumayo siya at binigay sa akin ang cellphone niya. "Ate oh, basahin mo." Naninigas ang kaniyang mga kamay.

"Maya na, matutulog muna ako... pagod ako," lumilipad din ang isip ko Alyssa. Mama Mary, please help me.

—————

Sumisipol ang hangin kasabay ng pagbagsak ng ulan. Nakatayo ako sa isang classroom na walang tao at ramdam ko ang ginaw sa paligid.

"Ang ginaw..." hindi ako makapiwalang nandito ako, at mag-isa.

Humagolgol ako sa grabeng init at ginaw ng aking katawan. "Love..."

Napalingon ako sa boses. "Gavin... you're here? Umalis ka nalang."

"Ito naman! Itatakwil kaagad ako, alam mo naman na namiss kita," saad nito at hinalikan ako sa noo.

Awww... always my weakness.

"Alam mo? Umaalis alis ka tapos! andito ka ulit! Iniwan mo nga akong umiiyak sa taas ng building..."

"I'm sorry sa trauma mo..." he looked so desperate. "Ame, matatanggap mo pa ba ako? Kung nasaktan kita, tatanggapin ko na hindi. Sorry kung naiwan kita... I have to do something kasi sa states and it defines my worth as a person. Pasensiya ka na," lumuhod pa siya sa harap ko.

Green flag sana, kaso iniwan ako.

"Gavin, do you believe we can unlove someone?"

"Oo naman," saad niya at tumayo.

Humawak siya sa buhok ko at ginulo 'yon. "Ako, hindi."

Tinignan niya ako sa mata, "Hmm? Ano?"

"Hindi. We can't unlove someone. Kaya nga hindi ko makalimutan..."

Tumawa siya at hiwakan ang kamay ko, "Tayo?"

Magkaibigan lang ba talaga? Where stories live. Discover now