019BESTIE NO MORE, YES TO BABY?
AMETHYST'S POV:
IT'S been a month since I told Leon about Gladies. There are emotions stored in his eyes. Hindi ko mawari kung sadya o talagang nararamdaman ng puso niya.
Graduation Day ngayon ni Leon at nakatuon ako sa pagpaplansta ng kaniyang toga. I know that despite everything, we deserve a break. Noong araw na grumaduate ako ay nandodoon din si Leon sa gilid ko, he stepped out from the shell and buwala nandoon na sa stage at tatay ko daw siya. Ang tigas ng mukha.
"Hoy 'te, sira naba utak mo?" sabi ni Jessica na nasa before party ni Leon.
Sunod nito, after party na.
Napatingin ako sa kaniya at nagsmirk, "Ano ba? Nangingialam kana namang shutakels ka."
Tumawa siya at lumapit sa akin, "Hoy kwentuhan mo 'ko sa nangyari sa Tagaytay bilis! Namimiss ko mga chismis natin beh," may paawa effect pa itong nalalaman.
Sinilid ko ang gift ko kay Leon sa bag ko at tinignan si Jessica, "Hoy Soho, ano ba? Ilang ulit ko bang sasabihin na nabitin ako?" ang mata ko ay nanlaki ng marinig ko ang boses ni Kris malapit sa akin.
"Nabitin akong maligo ng dagat." Dagdag ko pa at kinuha ang bag ko't hinawakan si Jessica.
Narinig kong tumawa muna si Kris sa amin bago ako hawakan sa balikat at pahintuin ako. "Do you know how special this day for us right? Girl best friend?" she chuckled mockingly. "Hay nako, it's my first time asking you a favor and can you please appreciate it this time?"
Tumango naman ako at pinauna si Jessica sa labas. "Yes, ano 'yon?"
"Make a deal first, or..."
"Deal."
She smiled, "Okay, huwag kang pumunta sa graduation day niya. That's it! Bye." Lumabas na siya ng walang paalam at ako naman ay napatunganga.
I can't, I have to see how good my best friend is when it comes to studying. Gusto kong makita siyang naging successful. Pero bakit niya ako binabawalan na makita silang grumaduate? Is she making me feel na mas better siya with him? I know she is, but can't she give me this last moment before Leon moves to California?
"Amethyst, you can do this."
Lumabas ako ng kwarto at sinamahan naman ako ni Jessica. Sinabi ko kay Jessica ang ginawa ni Kris, she told me na huwag na talaga kaming pumunta para hindi na magkagulo. Kaya naman inaya ko siyang pumunta sa bar pero this time, ako lamang ang umiinom at siya ay nagtutumbling lang sa gilid ko.
Nangingilid ang luha ko habang nakatingin sa baso. Bakit ba ako naiiyak samantalang nandiyan pa naman siya? Hindi lang naman nakapunta sa graduation umiiyak agad, Amethyst? Gaga.
Pero siguro kailangan kong humabol kahit natutuliro na ako.
"Jessica, tara." sabi ko kay Jessica at tumingin ito sa akin na nangungunot ang noo. "Hoy, tara!"
"A-ano? Saan? Amethyst! 'Wag na tayong pumunta doon! Tangina, gusto mo ba talagang magkagulo ha?" sabi niya at pinaupo ako ulit.
Tumawa lang ako, "Sino ba ang nagsabing manggugulo ako, h-ha?"
"Ako!"
Malamang. "Shutangina naman, tara na, maawa ka sa'kin please..."
Tinignan niya ako ng matagal saka nag buntong hininga. "Fine, but please... don't make a scene."
Una itong tumayo sa akin at kahit hindi ko na masyadong nakikita ang nilalakaran ko ay sumunod ako sa kaniya. Dala dala ni Jessica ang kotse na nabili niya, ako lang pala ang hindi pa nakakapagtrabaho. Napatawa ako sa aking naisip. Gaga! Mayaman sila Jessica at afford niya ang tatay at nanay.
YOU ARE READING
Magkaibigan lang ba talaga?
RomanceLahat tayo, mayroong nasaktan na tao. Importante man o kakarating lang sa buhay mo naging parte sila ng masasakit na nagawa mo. Bilang kaibigan ni Leon, isang responsableng estudyante at ate ni Alyssa si Amethyst, ginawa niya ang lahat para maipaki...