025
CINDERELLA KISS
AMETHYST'S POV:
ANG hina ng oras! Kasing hina ng mga tao sa paligid.
"M-may k-kukunin lang ako..." bulong ko sa emcee na nasa harapan ko na ngayon. Sus! Pabida.
Umalis kaagad ako doon at pumunta sa powder room malapit sa event. Punyeta, why! Bakit dito pa? At bakit ngayon pa? Am I dreaming? If so, wake me up!
Ayaw ko na siyang makita pero bakit parang gusto mo tadhana? Gusto ko ng makalimot oh!
Napapunta ako sa salamin at tinignan ang mukha ko. Ang puti ko, siguro sa kaba, sa pagkaoverwhelmed at sa saya? Ewan ko! Tanginang buhay naman oh, pwede ba?!
Napatingin ako sa mini bag ko, "Sus! Tatawag? Sino naman?" tanong ko at nairita ng madami pala itong missed calls.
"Pwede ba? Ano ba? Mamaya kana tumawag. I'm in a middle of a pandemic!"
"Ame, it's me. Levi!"
Tanginang gulong ng palad naman ito, oo! Hindi na ako tinantanan. "How did you know my fucking number?!"
He chuckled mockingly, "Luh! Chill! May nagbigay lang, siguro kakilala mo din."
Tumawa ako, "Ano ba? Sinusundan mo ba ako?" Ayaw kong gamitin ang niyo dahil wala akong pake sa isa niya pang kasama. Ha! Siguro chix niya 'yon.
Napahinto ako, pake ko? Wala akong pake!
"Huy, langya! Ako pa talaga sumunod sa'yo ah? Weeks na kami sa Palawan huy! 'Wag ka ngang ano!" sigaw nito at padabog na inend call.
Napasigaw ako ng sobrang malalim pero hindi 'yon tumutunog. "Bwesit!"
Agad akong nag retouch at nag lipstick. Nilugay ko din ang buhok ko para hindi ako masyadong makita sa event. Ayaw kong nasa akin ang atensyon nila.
"Kaya mo 'to Amethyst! You're not Amethyst Esmeralda for nothing, okay?"
I smiled forcedly and nagsimula ng maglakad pabalik sa kinauupuan ko. Pero paano ako uupo kung nandoon sila?! Tangina mo talaga, Levi!
Agad naman akong pumunta sa kakilala kong guro at sinabihang pwede niya ba akong bigyan ng kahit maliit na space sa kung saan siya nakaupo. Pero hindi nila ako mapapaupo dahil punong puno na ang lamesa.
"Tangina," bulong ko.
Bahala na!
Agad naman akong nag professional mode. "Hello, can I sit beside you?" sabi ko sa babae nilang kasama. Maganda siya ah, hindi masyadong maasim.
Aksidente kong natignan si Leon. Nakatingin lang siya sa bote na nasa harap niya at si Levi naman ay napasipol. Agad kong naibaon ang mga kuko ko sa buhangin.
"So... Hemoral..."
Magalaw ako kapag hindi ako komportable sa lugar at sa mga tao. Kaya naman sa sobrang likot ko ay natamaan ko ang baso ng tubig at napunta ito papunta kay Leon. "Fuck," rinig kong aniya.
"O-oh... s-sorry... Ah... I'll wipe it... T-teka..." nanginginig akong napakuha ng tissue sa bag ko ng pigilan ako ni Jevjev.
"Don't worry, I'll take good care of it." She smiled and she went to Leon to wipe it.
Wow, nahiya ako doon ah. Napatingin ako kay Levi na ngayon ay mas lumakas ang sipol. Siguro pag nakakamatay ang tingin ko ay patay na siya.
Nagkunwari akong nagtatype sa cellphone ko kahit alam kong naka off screen ito. Bumalik naman si Jevjev at nag ok sign kay Leon pagkatapos. Si Leon naman ay seryosong hinawakan ang kamay nito at nilagay sa lamesa.
YOU ARE READING
Magkaibigan lang ba talaga?
RomanceLahat tayo, mayroong nasaktan na tao. Importante man o kakarating lang sa buhay mo naging parte sila ng masasakit na nagawa mo. Bilang kaibigan ni Leon, isang responsableng estudyante at ate ni Alyssa si Amethyst, ginawa niya ang lahat para maipaki...