012

18 0 0
                                    

012

JUST US

———

ALYSSA'S POV:

TANGINA, kasing lakas siguro ng tibok ng puso ni ate ang nararamdaman ko ngayon. Chinecheck kasi ni ate yung package at alam na alam ko kung sino nagpadala niyan.

“Putangina naman, Alyssa. Sabihin mo saking hindi sa kaniya galing to...” sabi ni ate habang humahalukipkip sa harap ko.

“Ate, kay kuya...” sasabihin ko sana pero may tumawag kay ate.

Makikita mo kay ate na parang kakain na siya ng tao. Lagot ako nito at ako ang nagbigay ng address.

“Ano! Jusko! Sino kaba?” saad ni ate habang tumataas ang kilay na nakapameywang.

“Bubugbugin kita hayop ka, kung sino kaman sana hindi kana makapagsalita. Tumatawag tawag pa ere! Eh hindi naman pala magsasalita. Stupido!”

Napakamot nalang ako sa batok sa nangyayari kay ate ngayon. Matindi kasi ang galit niya sa mga lalaki. Dahil kay Papa, hindi ko din siya masisisi kahit ako nga eh.

“Kung ayaw mo talagang magsalita, okay lang. Sige bababa ko na yung tawag.”

Humanahon si ate at doon ko lang nakita na naging malungkot siya ng sobra. “Nakakapagod mag assume na siya ‘to.”

“Ate...”

Tumingin siya sa akin na parang naguguluhan. “Ano? Tell me Alyssa.”

“Hmm, okay po.” Sorry ate...

_____________

AMETHYST POV:

EWAN pero umaasa talaga ako na siya ‘to.

Hindi naman si papa to! Kasi alam ko pag nagbigay si papa, baka patay na kami, hindi nga kami sinuportahan bigay pa kaya?

Ulol!

“Ate... kasi...”

Pakipot talaga tong kapatid ko, ang sarap hambalusin!

“Ah... kasi.... si Kuya po.”

Sinong kuya...

“Si Kuya Gavin po.”

Tangina. Napakatangina.

Nanatili akong nakatingin sa kapatid ko, parang hindi na ako humihinga sa kaba. Nandito siya?

“Ikaw ang nagbigay ng address natin?”

Mahinahon ka lang dapat Amethyst, sapagkat tao ang kausap mo hindi aso o pusa.

“Opo... p-pero ate... huhuhu.”

Jusko umiyak pa nga, dapat ako yung umiyak. “So, ikaw ang una niyang kinontak ganon? Ako? Sino ba ako? Iniwan niya din naman ako ah.”

Gavin, you asshole. Pagkatapos mo akong bigyan ng rason na mag move on kay Leon, iniwan moko para lang... puta.

“Ate, sorry. He called me last night, and I can't say no.”

“Wow! Ang saya niya, ipatapon mo yan! Ayaw ko niyan kung wala siya.”

Huy! Tanga ka Amethyst.

“Luh! Tanga to!” sabi ng kapatid ko. “Ang Ganda kaya ng mga 'to! Mga branded pa, and I don't need to buy clothes.”

Nangangatog ang paa ko, hindi ako makahinga.  “S-sige na, matutulog ako.”

Ang ganda sa feeling Gavin, kahit kaibigan nalang, okay lang.

Magkaibigan lang ba talaga? Where stories live. Discover now