024
VOLURO
AMETHYST'S POV:
“GOOD MORNING class!”
Tumingin lahat ng bata sa akin ng sumigaw ang kanilang adviser. Ako naman ay napangiti ng lahat ng bata dito ay nakaprenteng nakaupo at hindi kagaya ng taga syudad ay malalalim ang tingin sa akin.
"Good morning, teacher!" sabay sabay nilang bati. "Good morning..." hindi nila matapos dahil hindi pa naman nila ako kilala.
"Ma'am Casilo." I smiled at them. Alam ko naman na ipapakilala ako ng kanilang titser pero mas maiging ako ang kanilang makausap ng una para alam ko ang magiging reaksyon nila.
They greeted me warmly and in my shock I was invited for a short festival in town by where I am assigned. "Ikaw ang pinakabatang naging principal ma'am, sobrang idol ka po ng lahat." saad ng isang teacher sa akin.
Ako naman ay napakamot sa batok at ngumiti lang. I get that a lot, and I don't even know why I'm shy hearing it. Wala kasi talaga akong alam sa pagiging principal. Hindi ko alam kung paano mamuno ng isang skwelahan kaya naman sa nagdaang mga taon ay nag attend ako ng iba't ibang seminar.
"Thank you ma'am," sabi ko ng nakapagpasa na siya ng mga reports. Salamat naman at uwian na.
Umuwi ako sa bahay ng kakilala kong guro. Wala namang tao dito kasi puro nasa ibang bansa ang nagmamay-ari. Malaki ang bahay nila at kulay dilaw ito, maputi ang desenyo at malalim ang kulay itim sa kwarto.
Nilapag ko ang aking mga gamit at napatalon sa kama. It's weekend, mabuti nalang at nasa El Nido ako! I can always have a vacation when I want to. Sayang lang at hindi ko naisama si Alyssa.
"Aahhh," ungol ko ng maramdaman ko ang sakit sa lahat ng katawan ko. Kailangan kong matulog ng maaga para naman makapunta ako sa dagat bukas.
Syempre, gala muna bago gumawa ng lesson plan.
Pumunta kaagad ako sa kusina at dinala ang laptop ko. Doon nalang siguro ako mags-scroll sa Facebook. "Tangina."
Napatakip ako ng bibig, nakalimutan kong hindi na pala ako pwedeng magmura.
Nagluto lang ako ng pancit canton at kumuha ng pandesal sa pantry. Bilib din ako sa may-ari ng bahay na 'to ang linis at hindi nila pinababayaan na mabulok o bulok ang pagkain na kanilang inilalagay sa pantry.
Nagscroll lang ako sa Instagram at wala naman akong natatanggap na kahit anong notifications doon. Sa TikTok ay di ko din bet dahil puro lang naman sayaw. Sa Facebook natutok ang paningin ko. My profile picture is still the same. . .
Since the day you left me. . . Leon.
"Hay," buntong hininga ko.
I miss how you caress my hand when I'm afraid but I know that I also hurt some part of you. It may be cliche but I always love you just like how you love your self. Mahal kita kahit alam kong hindi pwede.
Sana hindi na kita makita, dahil nakapagmove on na ako 'no!
Namiss ko lang talaga ang pagkakaibigan na'tin.
Napatingin naman ako sa screen ng aking laptop ng makita ko ang pangalan ni Gavin.
Gavin: Huy, are u up?
Tignan mo 'to, kahit kailan walang respeto.
Amethyst: Do you know the parts of messaging someone? First you need to greet them Good evening/afternoon/morning, and then your message, and thank you.
Gavin: Tsaaa! Grabe, astig mo talaga.
Amethyst: Whatever.
Napatawa nalang ako sa pinagagawa ng tanga na 'to.
YOU ARE READING
Magkaibigan lang ba talaga?
RomanceLahat tayo, mayroong nasaktan na tao. Importante man o kakarating lang sa buhay mo naging parte sila ng masasakit na nagawa mo. Bilang kaibigan ni Leon, isang responsableng estudyante at ate ni Alyssa si Amethyst, ginawa niya ang lahat para maipaki...