015

7 0 0
                                    

015

IMPATIENT

NILINGON ko si Leon na nasa sala. Nagtatype siya ng kung ano sa kaniyang laptop at nagkakape. Tatlong oras na siya dito pero sobrang concentrate niya sa sinusulat o ano man ang ginagawa niya sa laptop niya.

Nakasuot pa ito ng anti-radiation na glasses.

"Leon, pumunta ka lang ba dito para magtipa?" tanong ko at tumayo. Pumunta ako sa kusina ng lighthouse at napagtanto na walang junkfoods sa cabinet.

"Hala..." saad ko at napakamot. Madami 'yon dito ah?

"If you're wondering about the junkfoods, I already hid it," sabi niya at kumuha ng unflavoured biscuits. Tinignan niya ako habang nakahawak sa cupboard. "Why? Nagagalit ka? Hindi pwede sa'yo iyon."

Seryoso siya. Putangina, 'yon lang ang makakain dito!

"Leon naman, bakit kailangan mong pakialaman 'yon!" nagpapadyak ako na parang bata sa harapan niya.

Inayos niya ang glasses niya tumikhim. "Anyway, may kwento ako." Hinila naman niya ako papuntang sala.

Tangina, na curious ako.

"Alam mo ba, I saw your brother kanina sa subdivision namin! Muntik pa siyang masagasaan—"

"T-teka, brother?" sabi ko at umupo sa sofa. Siya naman ay clinose ang laptop ng medyo lang at tinignan ulit ako.

Tumango siya at tumawa, "Bulol pala siya ano? He's so cute, damn it." Tumingala pa siya at nakangiting hinigop ang coffee niya. "Hindi ka nagmana!" usal niya.

Nawala ang konting ngiti sa labi ko at napalitan 'yon ng pagak na tawa. "Hindi ko 'yon kapatid 'no. Guni guni mo lang 'yon," sabi ko at pinaglaruan ang unan.

Buti nalang talaga wala si Alyssa dito kung hindi pinagtatawanan na nila akong dalawa sa pagiging in denial ko. Kapatid ko talaga 'yon, sa ibang babae ni Papa. Biruin mo 'yon? May sustento nga wala namang tatay!

Kingina.

Humiga ako sa sofa at pinagmasdan ang kisame. Siguro kung hindi namatay si Mama, nandito pa si papa sa gilid ko. Kasama namin siya ni Alyssa na magsu-summer.

"Amethyst, your brother gave me a sign," saglit siyang natahimik. "I was wondering kung mali ba ang... pinagagawa ko... n-natin." he let out a deep sigh. "I'm sorry..."

I laughed. "No need to be sorry, mali naman talaga!" Nilagay ko ang braso ko sa aking noo. Pinipigilan kong umiyak at masuka sa mga ginawa ko.

Alam ko naman e! Alam ko naman na may girlfriend na si Leon, pero bakit siya parin ang hanap ng puso ko? Gaya noong kanina! Nanghinayang ako na hindi siya ang dumating 'yan tuloy, nahimatay.

"Do you love me?"

Nalunok ko ang sarili kong laway sa tanong niya. "A-ano ba naman 'yan Leon. Tigilan mo 'yan."

Tumawa siya, "Just answer it and I'll risk everything..."

Putangina, talaga?!

But I don't wanna hurt someone. I don't wanna hurt Kris just because I want something. Just because I crave for his kisses, hugs, and even loyalty. I wanna end what we did. I wanna end the way I fooled an innocent girl.

SIGURO ako na ang pinakagago na tao sa mundo. Hate ko si Kris sa paraan ng pagsasalita niya pero I never hate her, because she loves the man I super duper loved.

"L-leon, hindi kasi pwede eh..."

He looked at me intently and he held my hands. "I know you're confused..."

Magkaibigan lang ba talaga? Where stories live. Discover now