LUKE'S POINT OF VIEW
Binabato namin ngayon ang isang grade 12 student ng mga basura, naligaw kasi siya dito sa building namin, hindi ko naman kasalanan na tanga-tanga siya.
"Ehem, Areliano." Natigil kami ng mga tropa ko. "Ano nanaman ito? Hindi porket lolo mo ang may ari ng building, lahat ng gusto mo ay gagawin mo na! Kayong tatlo! Office!" Wala kaming nagawa at pumunta nalang ng office.
Syempre astig padin kami.
Habang nag lalakad ay pinag titinginan kami ng mga dumadaan na istudyante, sikat ako dito hindi dahil pag mamay ari ito ng Lolo ko. Sikat ako dahil bully ako. Pero ayos lang pogi padin naman.
"Pre, uuwi si mama mamaya padalan ko kayo ng chocolates hehe." Masayang saad ni Niko.
Binatukan naman siya ni Patrick. "Isip bata ampota."
"At least may chocolate." Minsan talaga napapa tanong nalang ako sa sarili ko na bakit ito pa ang mga naging kaybigan ko.
Hangang naka punta na kami sa office. "Una kana Luke." Saad ni Niko.
"Oonga gwapo ka na, tapos makapal pa mukha mo." Pahabol ni Patrick at itinulak ako sa pinto ng office.
Agad ko naman binuksan yon, pero sa kasamaang palad pag bukas ko ay may nasangi na babae dahil sa pintuan, natapon lahat ng dala niyang papel at libro.
"Hala ka." Bulong ni Niko. Lumuhod yung babae at nag simula mag pulot. Dinaan ko lang siya.
Nung ihahakbang kona ang isa kong paa bigla niya yon pinigilan.
"Kunin mo kaya lahat ng 'to!" Sigaw nung babae sa'kin.
"At bakit? Kasalanan ko ba kung bakit ka naka harang sa pinto?" Naka ngisi kong saad
"Wala kabang kamay? Para katukin ang pinto? Sabagay puro lang sa kagaguhan mo ginagamit." Palaban niyang sagot, sinenyasan ko ang dalawang kumag para manahimik na ang babae.
"Tutulungan ka na namin, wag kana maingay." Saad ni Patrick at bigla din lumuhod para kunin ang mga nahulog na gamit, ganon din si Niko.
Habang ako ay tamang upo lang habang iniintay ang masungit.
Sana hindi nalang ako dito nag aral, pero masaya naman kahit papa ano. Sabi nga ni Dad kaylangan ko mag aral ng mabuti.
"Ingat Miss." Rinig kong sigaw ni Patrick.
Bumaling ako don at masama padin ang tingin nung babae sa'kin. Ano akala niya tutulungan ko siya? Hindi naman siya chikababes.
Umupo sa harap ko si Niko at Patrick, hays nag hahati sila sa Isang upuan.
"Patrick Star don ka nga sa isang upuan!" Reklamo ni Niko.
"SpongeBob ka naman!." Pag bawi ni Patrick, napa tingin sila sa'kin at binigyan ko lang sila ng inis na tingin.
Tumawa sila. "Squid Ward!" Sabay nilang sigaw at tawa pa ng tawa. Napa iling nalang ako.
"Kayong tatlo! Parang hindi kayo 20 years old kung kumilos!" Ayan na nga.
Agad tumayo si Patrick, dirediretosyong nag lakad si Ma'am sungit at umupo.
"Kayong tatlo ha, namumuro na ako sa'kin."
"Tatama na ba ma'am, hehe." Sinamaan lang si Patrick ng tingin. "Sabi ko nga mananahimik nalang ako.."
Huminga ng malalim si Ma'am bago nag salita.
"Kaylangan niyo mapasa ang mga dapat nyong gawin sa school, kapag hindi niyo nagawa yan babaksak kayong tatlo."
"May iba pa bang paraan ma'am?"
![](https://img.wattpad.com/cover/300651926-288-k767014.jpg)
YOU ARE READING
Rent a Girlfriend | Completed
RomanceSi Elyse Monroe ay isang ordinaryong istudyante ng isang sikat na paraalan, mahirap lamang ang kanyang pamilya, simula nung namatay ang kanyang ama, don na nag simulang gumuho ang lahat. Pero bigla dumating ang lalaking si Luke Areliano na bulakbol...