LUKE'S POV
Pagod akong umupo sa bangkuan, ang hirap mag paliwanag sa mga tambay, wala silang nasabi sakin tungkol sa anak ni Elyse, wala ba talaga. Pero pakiramdam ko meron talaga.
Last year pumunta ako Mindanao para halughugin sya don, baka kasi nandon sya. Tapos after 2 months ng pag stay sa Mindanao, sa Visayas naman ako pumunta.
Hinding hindi ako mapapagod kaka hanap sakanila, gusto ko makita ang anak ko. Kahit ilang sabi pa sakin ng mga tao na wala talagang anak si Elyse, nararamdaman ko na meron talaga.
Tumabi naman sakin si mama.
"Kamusta? Kamusta ang pag hahanap mo? Nahanap mo na ba ang apo ko?" Sunod sunod nyang tanong.
"Hindi pa," Simple kong sagot.
Bumuntong hininga si mama.
"Sumunod ka sakin sa garden." Kumunot ang noo ko. Hays ano nanaman ipapagawa nya, wala pa akong tulog ngayon gusto ko mag pahinga.
Sumunod ako.
"Iho, good evening." Bumuntong hininga ako para pigilan ang galit, hindi padin talaga sila tumigil sakin.
"Nag usap na kami ng mama mo, ikakasal na kayo ni Natalie." Hindi ko na napigilan ang sarili ko.
"Ano?! Why? Hindi padin kayo tumigil sakin?" Galit kong tanong, sobra sobra na sila.
"Anak-"
"Si Natalie ang dahilan kung bakit nawala sakin si Elyse, ngayon gusto nyo akong makasal sa babaeng pinaka hate ko sa buong mundo?" Pagod na pagod na ako tapos ganito ang ibibigay nila sakin.
"Luke-"
Umalis ako, tinatawag pa ni mama ang pangalan ko pero hindi ko na pinansin, malaki na ako may anak na din, bakit gusto pa nya kontrolin buhay ko.
Kaylangan ko makita ang anak ko. Yun lang ang gusto ko mang yari, wala nang iba, ayoko na ng ibang babae sa buhay ko.
Nihindi ko nga alam kung babae o lalaki ang anak ko.
"Kamusta sila dyan Patrick?" Rinig ko ang boses ni kuya sa balcony.
"Yeah, gusto kong pumunta dyan sa Rizal, pero gabi na." Rizal? Anong gagawin nya dun.
"Yeah, ingatan mo sila. Thanks Pat. Tell Elyse that i love he-" Wala sa sarili na sinapak ko si Kuya. At kinwelyohan ko sya.
"Ano? Anong sinabe mo?" Gigil kong sabi sakanya, "Kayo ba ah?!"
"Get off me."
"Kayo na ba?! Sagutin mo tanong ko!"
"Why do you care?! Wala naman kayo ni Elyse ah?" Niliwagan ko ang pag kaka kwelyo sakanya. Unti unti ko syang binitawan.
"Bakit sinabe mo sa tawag na 'sila' sino 'sila'?" Hingal kong tanong.
"Hindi mo alam ang sinasabe mo Luke, baliw ka na. Baliw kana." Akma syang aalis pero agad akong nag salita.
"Kayo ba ni Elyse?"
"No." Agad nyang sagot.
"Bakit sinasabe mo na mahal mo sya?" Bahagyang nadurog ang puso ko dahil sa tinanong ko.
"Mahal ko sya Luke," Tuluyang nadurog ang puso ko, sa lahat ng pwedeng maging kalaban, bakit kapatid ko pa.
"Pero hindi nya ako mahal," yumuko sya at kumuyon ang kanyang kamao. "Ikaw padin." Nadurog ang boses nya. "Ikaw padin ang gusto nya Luke."
Nag iwas ako ng tingin at umalis na agad si Kuya. Nanginginig ang kamay ko. Kung ako padin ang gusto ni Elyse, kaylangan ko syang makausap ngayon.
---
ELYSE'S POV
Maaga akong naka pasok dito sa antique shop na pinag tratrabahuhan ko, kaka bukas ko palang may pumasok na agad.
"Good morning-" Naputol ang sasabihin ko at natigil ako sa gagawin ko nung nakita ko kung sino yun.
"Elyse.."
"Umalis kana." Bumalik ako sa pag pupunas.
"Mag usap muna tayo," Lumapit sya sakin pero umiwas ako. "Elyse, talk to me."
Bumuntong hininga ako at hinarap sya.
"Ano?" Tanong ko. Hahayaan ko nalang sya.
"Hindi ko alam kung paano ko sisimulan." Panimula nya.
"Pag tapos ng pag uusap natin na ito, huwag mo na ulit ako kakausapin. Tigilan mo na ako." Kinuha nya ang kamay ko.
"Mahal mo pa ako diba?" Bumuntong hininga ako, kukunin ko sana kamay ko pero hindi nya pinakawalan yun.
"Anong pinag sasabe mo Luke?" Maangmaangan kong tanong.
"Mahal mo pa ako, nasaan ang anak natin?" Tanong nya at bumulis ang tibok ng puso ko.
"W-wala tayong anak Luke." Pag sisinungaling ko, humigpit ang pag kakakapit nya sa kamay ko.
"Nasaan ang anak natin Elyse?" Tanong nya ulit kaya pinilit kong kinuha ang kamay ko sakanya, nag simulang lumuha ang mata ko. Bakit ako umiiyak.
"Walang nabuo Luke, katulad ng gusto mo walang nabuo, kaya tigilan mona ako, hayaan mo ako sa buhay ko Luke." Umiling iling sya at inayos ang nag lalaglagan kong buhok.
"No, may anak tayo Elyse, nasaan ang anak ko?" Binawi ko ang kamay ko.
"Limang taon na ang naka lipas Luke, wala tayong anak!" Sigaw ko sakanya pero niyakap nya lang ako.
"Meron tayong anak, babae ba sya? Lalaki ba sya? Babawi ako Elyse." Pinag tulakan ko sya pero parang pader lang sya. Mas lalong tumulo ang luha ko dahil dun.
"Wala tayong anak Luke." Hinigpitan nya ang pag kakayakap nya sakin.
"Handa naman kitang panagutan Elyse, bakit ka umalis, tangap ko naman talaga kung mag ka anak tayo, nasaan na ang anak ko.." Paliwanag nya pero patuloy lang ako sa pag tutulak palayo sakanya.
"Sinasaktan mo ako Luke, pinakita mo sakin ng mga panahon na yun na ayaw mo talaga sakin, kaya please tumigil kana, wala tayong anak." Pinag tatabuyan ko na sya pero ayaw padin nya mag pa talo.
Lumawag ang pag kaka yakap nya sa'kin at tinigil ang pag kakayakap namin, tinignan nya ang mata kong basang basa na.
"Malakas ang pakiramdam ko na may anak tayo," Umiling uling ano at pinunasan ang luha.
"Wala, tumigil kana."
"Hindi ako titigil, kung wala tayong anak, edi gumawa pa tayo.."
![](https://img.wattpad.com/cover/300651926-288-k767014.jpg)
YOU ARE READING
Rent a Girlfriend | Completed
RomanceSi Elyse Monroe ay isang ordinaryong istudyante ng isang sikat na paraalan, mahirap lamang ang kanyang pamilya, simula nung namatay ang kanyang ama, don na nag simulang gumuho ang lahat. Pero bigla dumating ang lalaking si Luke Areliano na bulakbol...