ELYSE'S POV
Isang bwan na ang nakalipas, tapos na ako. At naka pasa kami ni Alyisha sa exam namin, pati si Patrick at Luke. Ewan ko lang dun kay Niko.
Pero isang bwan na ang naka lipas, hindi padin ako sinasama ni Luke, ewan ko don. Baka ayaw na talaga sa'kin.
Hindi ko na matiis at tinawagan na sya, hindi na rin kami masyadong nag kikita. Hindi nadin naman nya ako pinapapunta sa bahay nila.
"Hello?"
"Hm?"
"M-mag kikita pa ba tayo?" Utal kong tanong, bigla lumakas tibok ng puso ko.
"Bakit mo tinatanong yan?"
"Gusto ko lang-"
"Stop, ayoko sa lahat na umaasta na parang girlfriend ah? At hindi naman talaga kita girlfriend."
"S-sorry."
"By the way, ngayong gabi na yun. Pupuntahan nalang kita sa bahay nyo." Ako na ang nag baba ng cellphone.
Ang hirap talaga kapag one sided love lang. Nag tratrabaho lang naman ako sa lalaking yun. Tsaka dpaat hindi ko na binigyan ng kahulugan yung mga nakaka kilig na sinasabe nya sa'kin. Nakaka sawang umasa na nagustuhan na din nya ako. Pero ang totoo ay lahat ng yu ay arte lamang. Ito parin ako pekeng kasintahan padin.
Tumayo ako para kumuha ng mga damit na maganda, wala dito si Alyisha, nasa bahay nila. Sa probinsya. Habang ako ay hindi uuwi sa Laguna. Sayang pamasahe ko, siguro sa susunod na bakasyon nalang. Baka kaylanganin din kasi ako ni Luke.
Ano ba naman yan. Puro nalang luke.
Halos isang oras na, at tapos na ako mag handa, gabi na din at ang pag dating nalang ni Luke ang hinhintay ko.
Narinig ko na ang sasakyan sa labas kaya agad na ako lumabas, hindi ko nalang sya pinag hintay.
Lumabas sya ng kotse, inilagay ko ang buhok ko sa likod ng tenga ko. Lumapit na ako sakanya.
"Pasok." Pag ka sabi na nun ay pumunta na sya agad sa driver seat, ako naman dito sa back seat. Ayaw nya ako pa upuin sa passenger seat e. Napaka sungit.
Habang bumabyahe kami ay walang nag sasalita samin kahit isa. Wala din akong balak mag salita. Alam ko naman kasi na kapag nag salita ako, pag aawayan namin yun.
"Nandon na si Patrick." Binasag nya ang katahimikan.
Tumango tango nalang ako.
"Nag sisi ako, dahil sinabe ko pa sayo na isasama kita sa party na ito." Napa kagat ako ng labi. Halata sa boses nya ang pag sisi.
"S-sorry, itigil mo nalang yung sasakyan-"
"No, malapit na tayo, natagalan pa ako dahil sayo." Halata sa boses nya ang inis. Napa yuko nalang ako, si Patrick nalang talaga ang una kong lalapitan.
Hangang naka rating na kami sa bar, sigurado talaga ako na si Patrick lang ang lalapitan ko dito.
Sinundan ko lang si Luke. Tumigil sya.
"Dadalhin kita kay Patrick." Kahit maingay ang paligid narinig ko padin sya.
Hindi ako sumagot at sinundan ulit sya, nung nakita ko na si Patrick. Agad na ako pumunta sa tabi nya. Muli kong tinignan si Luke na naka tingin sakin nung inunahan ko sya mag lakad.
"Una na ako." Malamig nyang sabi at agad pumunta kung saan. Tinipuhan ko ng tingin ni Patrick.
"Hello." Inosente kong bati sakanya at umupo sya ng maayos.
"Nandito ka na, mabuti naman wala ako maka usap." Sabi nya at kinuha ang alak at nilagyan ang shot glass nya.
"Oonga." Sagot ko nalang at pinanood ko ang kamay nya na salingan ang baso ng alak.
YOU ARE READING
Rent a Girlfriend | Completed
RomanceSi Elyse Monroe ay isang ordinaryong istudyante ng isang sikat na paraalan, mahirap lamang ang kanyang pamilya, simula nung namatay ang kanyang ama, don na nag simulang gumuho ang lahat. Pero bigla dumating ang lalaking si Luke Areliano na bulakbol...