Chapter 4

2.2K 64 3
                                    

ELYSE'S POV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

ELYSE'S POV

Hinatid ako ni Patrick sa apartment namin ni Alyisha. Alam nya na tuloy ang bahay ko, tsaka ayos lang. Madami naman ako nasabi sakanya tungkol sa buhay ko. Pakiramdam kasi mapag kakatiwalaan syang tao kaya walang tigil ang bunganga ko kaka kwento ng kung ano anong bagay. Naramdaman ko din naman na nakikinig sya sa bawat rant ko sa buhay.

Masaya sya kausap.

"Uy, bakit now kalang?" Tanong agad sa'kin ni Alyisha.

"Ah, may ginawa lang ako." Pag sisinungaling ko.

"Nag hanap ka nanaman ng trabaho?" Masungit nyang tanong. "Hays! Diba nga sabi ng mama mo wag mo pagudin ang sarili mo. Mabuti nga ay napili tayo sa Areliano University e." Sabi nya habang sabay kami pumapasok sa apartment.

Yeah, oo. Swerte na din ako dahil don, sa isang sikat na paaralan ako naka pasok e. Tas ito pa nanalo pa kami ng apartment. Libre kuryente at tubig, pero kapag naka graduate na kami iiwan na namin yan. Para lang daw yan sa mga istudyante na walang ma tirhan dito sa lugar na ito.

"Hindi ah, mag ginawa lang kasi ako, tsaka bukas bago tayo pumasok sa school. Samahan mo ako mag padala ng money kay mama." Tumango tango sya at pumunta agad sa kusina.

Naiwan kasi si Mama don, gusto ko sya padalhan ng pera kahit papaano, madami na din akong ipon here.

Tapos dagdag pa yung monthly bayad sakin ni Luke? Hays, dadami na pera ko nito.

"Kain na beh!" Sigaw ni Alyisha kaya agad ako pumunta sakanya. Mahilig sya mag luto, kaso kapag malungkot sya ako nalang ang mag luluto dahil baka kung saan pa mapunta ang lulutuin nya.

Tapos na kami kumain, at tamang higa nalang kami sa sofa, wala ako magagawa kumpleto na ako this semester.

Habang nag ce-cellphone may bigla tumawag sakin.

"Hello." Bungad ng kanyang malamig na boses.

"Oh?"

"Pumunta ka sa bahay namin, bukas ng uwian, wala ka naman siguro pang gabi na klase diba?" Tanong nya.

"Oo, oo naman saan ba bahay nyo?" Tanong ko.

"Sa may Avilla Village lang number 16." Binaba na nya ang tawag, mag sasalita pa sana ako kaso bigla nya binaba, saan ba nag mana ang lalaking ito? Napaka sungit. Parang pinag lihi sa sama ng loob ampotiks.

Panigurado, ipapagawa na nya sakin ang mga requirements nya para makapasa this semester, siraulo talaga ang lalaking yun.

"Oyy, si Luke yan ano?" Agad lumapit sakin si Alyisha para humingi ng chismis. "Omg ah! Bakit nya tinakpan bunganga mo!"

"W-wala! May kontrata lang kami." Utal kong sagot at dirediretosyong pumunta sa kwarto ko para mag handa ng susuotin ko sa bahay nila.

Pwede naman na wag nalang diba? Mag uniform nalang din ako. May pa bongga bongga pa ng suot e. Kainis.

Rent a Girlfriend | Completed Where stories live. Discover now