Chapter 6

1.6K 66 5
                                    

LUKE'S POV

Baliw ang babaeng ito, gagawin nya daw yung mga reports ko pero ito sya ngayon, nag pa ikot ikot na sa gaming chair ko. Hindi ba sya nahihilo.

"Hey, stop na." Awat ko sakanya, ako na kasi ang nahihilo para sakanya.

Thank god, at tumigil na sya.

"Ano?"

"Akala ko ba gagawin mo yung mga reports ko? Ano na? Nag pakasaya ka na na parang bata dyan sa upuan ko." Galit kong giit sakanya kaya napa nguso sya.

"Ito naman! First time ko kaya to, pag bigyan mo nalang ako." Sabi nya at akmang iikot muli pero pinigilan ko na ang upuan.

"Stop! Ako na ang nahihilo." Narinig ko ang mahina nyang pag tawa at kasabay nun ang dahan dahan na pag bukas ng pinto. Napa lunok nalang ako dahil don.

Si mama, nako napaka matapobre ng mama ko.

"Luke." Tawag nya sa pangalan ko kaya napatayo ako, habang si Elyse ay naka upo padin.

"Ma."

Bigla napatayo si Elyse dahil don.

"Hello po." Seryoso ang tingin samin ni mama, si mama talaga ang kinakatakutan ko sa lahat lahat.

"Girlfriend?" Ngiting tanong ni mama pero alam kong peke ang ngiti na yon.

"Y-yes." Utal kong sagot.

"Can i talk to her? Iho?" Tanong ni Mama, dahil nga takot ako sumunod nalang ako.

Lumabas ako ng kwarto at sinara ang pinto, pero nanatili ako sa pintuan para making ng sinasabi nila.

"Areliano University." Rinig kong sabi ni mama. Panigurado kinakabahan dun si Elyse.

"Saan ka nag mula?"

"S-sa Laguna po." Utal na sagot ni Elyse.

"Ano ang kalagayan ng pamilya mo ngayon?" Napa kuyom ako ng kamay dahil don.

"S-si mama mo ay nag lalabandera l-lang, namatay po si papa sa aksidente. Tapos si Tito po ang kasama ni Mama ngayon sa Laguna." Kinakabahan na sagot ni Elyse.

Kinakabahan ako dahil si mama ang kausap ni Elyse, mawawala na lahat ng plano ko.

Kaya binuksan ko na agad ang pinto.

Gulat silang tumingin sa'kin.

"Elyse, uuwi ka na diba?" Tanong ko at tumingin kay mama. "Ma, una na po kami."

Kinuha ko ang kamay ni Elyse, agad naman tumayo si Elyse at hinila ko sya paalis sa kwarto ko.

"T-teka-"

"Uuwi kana, ihahatid ka ng driver ko." Sabi ko habang nag mamadali sa pag lalabas, habang nasa sasakyan na kami nung driver namin.

"Yung bag ko."

"Ha? Dadalhin ko sayo bukas sa school." Sabi ko at binuksan ang pinto ng sasakyan.

"Pero-"

"Shh." Tinakpan ko ulit ang bunganga nya kaya sinimangutan nya ako. Sumunod na sya sa gusto ko at pumasok na sya ng sasakyan.

Naka hinga ako ng maluwag dahil don.

Inintay ko maka alis ang sasakyan hangang nawala na sa paningin ko, pag harap ko naman ay sumalubong ang mataray na mukha ni mama.

"M-ma, nandyan ka pala." Kabado kong sabi at nginitian si mama.

"Bakit mo agad pina alis ang girlfriend mo?" Masungit nyang tanong habang naka cross arms.

Napa lunok ako, alam ko kasi kung ano ano sasabihin ni mama, gustong gusto nya maging kami ni Natalie.

"Ma, pumasok na tayo sa loob." Nauna na ako pumasok.

Habang nasa sala kami ay kinakausap ako ni mama tungkol kay Elyse, hindi na ako 10 years old para sundin lahat lahat ng gusto nya para sa sarili ko, may sariling mundo ako at buhay.

"Hindi ako maka paniwala na sa cheap na babae ka papatol." Mataray nitong sermon sakin habang naka tayo.

"Stop, ma."

"Sa dinami dami ng babae, don pa talaga, Luke. Hindi kita maintindihan. Paano kung pera lang ang habol sayo."

"Ma, please stop, kilala ko si Elyse. M-mahal ko sya." Utal kong sabi, haha hindi ko naman talaga mahal ang babaeng yun.

Nag walkout nalang ako.

Hindi na nya ako pinigilan at dirediretosyo akong umakyat papunta sa kwarto ko. Hays, bakit ba sila unuwi dito, pwede naman don nalang sila sa London ng isang taon. Kapag uuwi lagi nalang ako papagalitan.

Habang nag lalaro ng valorant sa computer ko, may kumatok nanaman sa pinto ko.

"Pasok!" Sigaw ko.

Si Yaya.

"Iho, nandito si Kuya Ian mo." Natigil ako sa pag lalaro.

"O-okay." Umalis na si Yaya, kinakabahan padin ako.

Inayos ko ang sarili ko at lumabas ng kwarto.

Nakita ko si Kuya na may dalang isang malaking bag habang kausap si mama, nandito padin ako sa taas habang pinag mamasdan sila.

Nakita ko kung paano naging masaya si mama dahil sa pag babalik ni kuya. Ano kayang meron, bakit sila bumalik dito lahat.

Hindi na ako bumaba at bumalik na nalang sa kwarto, pag bukas ko ng cellphone ko sandamakmak na chat ang natanagap ko kay Elyse.

ELYSE MONROE.
HOOY
NANDYAN YUNG MAHAHALAGANG BAGAY SA BAG KO
WAG MO YAN DUDUNGISAN
KAPAAG NAWALA YON LAHAT IPAPAKAIN KO 10K KO SAYO!!!
NAKOO AH!
SAPAKAN TAYO!

Madami pa ang mga chats nya pero nag like sign nalang ako.

ELYSE MONROE
ABA!
GAGO KA

Natawa nalang ako at napakamot ng batok, nawala agad ang ngiti ko nung may kumatok nanaman. Hays malay matulog na silang lahat.

Pinagbuksan ko, laking gulat ko at si Kuya ito, pero hindi ko sya pinapasok. Nanatili lang sya sa may tapat ng pintuan.

"Ano?" Inunahan ko na sya mag tanong.

"Mag girlfriend ka na daw?"

"Why do you care?" Masungit kong tanong sakanya at akmang isasara ang pinto pero pinigilan ko.

"Your girlfriend is a bitch." Kumunot ang noo ko dahil don.

"Ano?"

"A slut." Kinwelyohan ko sya pero ngumisi lang sya sa'kin.

"Wag nyong pakielaman ang buhay ko, balang araw. Aalis ako sa bahay na to at gagawin ko lahat ng mga gusto ko sa buhay ko." Pag babanta ko sakanya at pinakawalan sya.

Agad ko sinara ang pinto.

Hindi ako nagagalit dahil sinabihan nya ng ganon si Elyse, nagagalit ako dahil gusto nilang kontrolin ang buhay ko.

Bumuntong hininga nalang ako at hiniga ang katawan sa kama. Pagod na pagod na ako sa pamilyang ito. Mayaman nga hindi naman masaya.

Rent a Girlfriend | Completed Where stories live. Discover now