Chapter 19

2K 68 6
                                    

ELYSE'S POV

"Bye bye Lilith, kita nalang tayo mamayang hapon ah?" Hinalikan ko sya sa pisngi.

"Opo."

"Mag aral mabuti ah?" Tumango tango sya bigla bumilog ang mata nya. Bumaling ako sa likod ko.

Tumakbo sya papunta don.

"Tito Ian!" Sigaw nya habang palapit sa Tito nya. Lumuhod naman si Ian para yakapin si Lilith.

Lumapit ako sakanila.

"You miss me huh." Saad ni Ian habang inaayos ang buhok ni Lilith.

Sunod sunod tumango si Lilith.

"May pasalubong ako sayo, nasa bahay. Pag uwi mo, buksan mo na." Malambing nitong sabi sa pamangkin nya. Ngumiti ako dahil close na talaga sila kahit minsan lang bumisita dito si Ian.

"Sige na, punta ka na sa room." Hinalikan sya ni Ian sa pisngi bago tuluyang umalis. Nung naka alis na si Lilith ay lumapit naman sya sakin.

Hahalikan nya sana ako sa pisngi pero iniwas ko ang mukha ko. Hiya syang tumawa at umatras ng konti.

Ayokong patulan si Ian, alam kong madami na syang nagawa para samin ni Lilith, pero parang mali naman pumatol sa kuya ng anak ko.

"You still want Luke, huh." Ngisi nyang sabi.

"Hindi sa ganon, pero naiilang lang ako sayo, may anak kami ng kapatid mo. Tapos-" Hinawakan nya ang kamay ko.

"Ano naman? Matagal nang walang kayo, tsaka hindi naman talaga naging kayo dahil fake girlfriend kalang nya." Bumuntong hininga ako at binawi ang kamay ko sakanya.

"Salamat sa pag tulong mo sakin, sa lahat lahat pero, sorry talaga Ian. Wala akong nararamdaman sayo." Alam kong guguilty ako mamaya sa mga pinag sasabe ko.

"F-fine, hindi mo naman kaylangan mahalin ako dahil tumutulong ako sa mga gastusin ni Lilith. Pamangkin ko sya Elyse." Akala ko dati, ubod ng sungit itong kuya ni Luke, pero ubod pala ng bait. Pano kase mukhang masungit.

"S-salamat."

"Ihatid na kita sa trabaho mo?" Gusto ko tumangi pero alam ko naman na pipilitin nya ako.

"Sige."

* * *

Tulala lang ako, sana tigilan na ni Ian ang nararamdaman nya para sakin. Nakaka ilang lang kasi. Tsaka kahit wala kaming anak ni Luke. Parang hindi ko padin sya papatulan.

Ewan ko, hindi ko maintindihan sa sarili ko.

Umupo ako. Si Clarissa lang ang naka tayo ngayon.

"Good morning sir, ano po hanap nila? Madami pong magagandang vace at antique na gamit dyan." Masayang bati ni Clarissa sa costumer, pero hindi ako bumaling ng tingin dahil malalim ang iniisip ko. Tsaka hindi ko din naman nakikita dahil mataas ang nasa harap ko ngayon.

"Good morning." Nanlaki ang mata ko.

Agad ako umalis sya kinauupuan ko at umupo sa lapag.

"Opo sir, hehe." Kinikilig na sabi ni Clarissa.

"Nandito ba si Elyse Monroe?" Napa sign of cross ako, tumingin sakin si Clarissa sa baba at siensyasan ko sya na sabihin na wala ako dito.

"W-wala po, bakit po?" Utal na sagot ni Clarissa.

"Ah, thankyou. Pasabi nalang sakin kung makita mo sya dito, ito number ko." Napa lunok ako, talagang itong si Niko, sasapakin ko sya.

"Sige sir, balik keyo." Narinig ko ang bell, panigurado naka labas na yun. Nag hintay muna ako ng ilang sandali bago tumayo.

"Salamat." Pasasalamat ko at umupo sa bangkuan.

"Haba ng hair sis ah? Apat na nakaka apat ka na na lalaki." Pabirong sabi ni Clarissa.

Alam ko kung sino tinutukoy nya.

Si Niko, si Patrick, si Ian at si Luke.

Alam kong si Luke yung kausap ni Clarissa kanina, kahit mas lumalim ang boses nya kilala ko padin.

"Wala yun, may utang kasi ako sakanila." Napa kapit ng bibig si Clarissa.

"Wait!" Sigaw nya. "Yung lalaki ba kanina yung ama ng anak mo te? Halush! Poge ah? Mag kamukha kasi, i mean mag kamukha naman talaga." Paliwanag nga at agad nag iba ang mood ko dahil don.

Kung kamukhang kamukha talaga ni Luke si Lilith mas madali nyang Mamumukhaan si Lilith.

"Parang babae version lang si Lilith ng papa nya." Bumuntong hininga ako. Sabagay totoo nga.

"Mag trabaho ka na nga, kung ano ano nanaman iniiisip mo." Saway ko sakanya.

"Paano mag tratrabaho? Wala naman costumer." Tugon nya sa'kin, muli akong umupo sa upuan. Ngayong nandito na si Luke kaylangan ko na mag ingat.

Akala ko ba nasa Singapore sya, bakit ang bilis naman nya naka dating sa pilipinas.

Habang kumakain kami ni Clarissa ng lunch, bigla may sumalo samin, si Patrick.

"Wait, kuha lang ako tubig." Paalam ni Clarissa. At agad tumayo.

"Paano na yan Elyse? Habang buhay nalang ba kayo mag tatago ni Lilith?" Nag aalalang tanong sa'kin ni Patrick kaya natigil ako sa pag kain.

"Hindi ko alam Patrick, basta wag nya lang makita si Lilith, natatakot ako baka kunin nya sa'kin ang anak ko." Nawalan tuloy ako ng gana kumain. "May bibilhin lang ako sa labas." Paalam ko din at iniwan sya sa shop.

Bibili ako ng soft drinks.

"Hi aling Neila, pabili nga po ng soft drinks, tag sasampu lang." Sabi ko habang naka tayo sa tapat nila. Naramdaman ko naman na may mabangong tao na nasa likod ko ngayon.

"May load po ba kayo dyan? Paload po." Tumaas lahat ng balahibo ko, bakit parang gusto kami pag tagpuin ng tadhana.

Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko at iniwas makita nya ang mukha ko.

"Elyse oh." Patay..

"Elyse?" Tanong nung lalaki kaya dali dali akong lumayo don.

"Wait po." Rinig kong sabi ni Luke. "Elyse!" Tawag nya naman sakin pero tuloy lang ako sa pag lalakad, nandito na tuloy kami sa mga tambay.

"Elyse." Tawag nya sa'kin, malapit na nya ako maabutan.

"Kuya! Kuya!" Tawag ko sa mga tambay na may malasakit sa mga tao.

"Ano yun?!" Nag aalala tanong sakin.

"Pigilan nyo po sya! Masamang tao yan." Hangang sa naka lapit na sya dito.

"What? Wai-" bigla syang hinarang ng mga tambay.

"Aba aba!" Galit na sigaw nung isa.

"Wait, hindi po, i just want to-" Agad ko na nilisan ang lugar na yun. Mag pakasaya. Nalang sya sa buhay nya oh? Hayaan nya na ako,

Rent a Girlfriend | Completed Where stories live. Discover now